"Hindi ka pa rin ayos?" tanong ko habang nakaupo siya sa tabing pool at tulala. "Ano bang nangyari?"
"Hindi pa," late niyang sagot saka bumuntong hininga.
"Seb–" "Tanggap ko naman na."
Nanahimik na ko dahil sa pagputol niya sa sinasabi ko. Tumabi na lang din ako sa kanya at dinamayan siyang tumulala. Maya-maya pa ay umalis na rin siya at tahimik lang na pumasok sa kanyang kwarto.
Hindi ko maiwasang mag-alala. Mas magiging madali sana ang lahat kung ibang babae 'yung minahal niya.
Tumayo na lang din ako pagkalipas ng ilang minuto. Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nahiga.
Nasa kanya na ang lahat pero kahit pa gano'n hindi ko pa siya nakikitang sobrang saya. 'Yung humahagigik nang sobra. Never pa siyang naging gano'n kahit dati.
"Sir, hindi po ba kayo papasok ngayong araw?" Katok ko sa pinto niya bago tumingin ulit sa relo ko.
Kanina pa ko naghihintay. Nine na pero hanggang ngayon hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto.
"Teka?" Nanlaki ang mga mata ko. "Patay kana ba?!" Mabilis kong pasok at napatalikod nang makita siyang nagbibihis.
"Anong sabi ko sa'yo?"
"Kumatok po ako, sir." Lumabas na ko para iwan siyang mag-isa. Sa kotse ko naghintay habang hawak-hawak ang dibdib kong malakas ang kabog.
Natigilan ako at tarantang lumabas ulit noong makita na siyang lumabas. Pinagbuksan ko agad siya ng pinto at hindi naman siya umalma. Ako ngayon ang umupo sa driver's seat. Nasa likuran siya na parang dati lang, seryoso at nakatanaw lang sa may bintana.
"Sir, gusto niyo po bang ipa-cancel ko na lang 'yung mga meeting niyo this morning?" alangan kong tanong habang tinitignan siya sa center mirror. He looks tired and broken. "Sir?" ulit ko nang hindi siya sumagot.
"Do whatever you want. Besides, I don't care anymore." Nakatingin pa rin siya sa labas ng bintana kaya binuksan ko 'yon. "Ms. Cruz." Tinignan niya ko nang masama.
"Ginagawa ko lang po 'yung gusto ko," matapang kong sagot. "Bagay sa'yo 'yan. Sariwang hangin."
"Sariwa ba ang tawag mo rito?"
"Edi pupunta po tayo sa mayroong sariwang hangin. 'Wag ka ng masungit."
Sarkastiko siyang ngumiti. "Sinasagot-sagot mo na lang ako ngayon?"
Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang phone ko saka kinonekta sa speaker. Tinawagan ko si Ms. Lea para i-inform sila na may meeting kunyari sa labas si Sebastian. Buong araw siyang hindi pupunta sa office kaya dapat ipa-cancel nila lahat ng meeting niya.
Hindi naman umalma 'yung isda sa likod kaya nagpatuloy ako sa pakikipag-usap at pag-uutos sa iba't ibang tao sa office.
"Sir, ipupunta ko kayo ngayon sa beach. May gusto ba kayong hintuan bago tayo tumuloy? Three hours ang magiging byahe natin."
"Wala," matipid niyang sagot at pumikit na.
Hindi ko naman sinabing magre-relax siya ngayon.
"What are you doing?" Tumingin siya agad sa bubong ng sasakyan nang buksan ko 'yon.
"Ginagawa ko lang 'yung gusto ko, sir." Nginitian ko siya.
"Tumingin ka sa kalsada!" Turo niya.
"'Wag po kayong kabahan." Mas binilisan ko ang pagpapatakbo.
"Paanong hindi ako kakabahan?! Hindi ka naman magaling mag-drive!!" sigaw niya habang pumepwesto sa gitna, malapit sa akin.
"Sir, mag-seatbelt po kayo diyan." Ngumiti lang ako sabay biglang liko na ikinahiga niya. "Sorry." Natawa ko nang mahina. "Hindi pala madaling kontrolin kapag matulin ang takbo."
"Ariel! Itigil mo na nga!"
"But, sir." Muli ko siyang tinignan para takutin. "Nagsisimula pa lang po ako." Tumingin ulit ako sa kalsada para mag-focus.
Nag-seatbelt naman siya agad at humawak pa sa may gilid na parang takot na takot kaya ibig kong matawa. Hindi niya alam, sa araw-araw na lagi niya kong minamadali at inuutusan, ganito talaga ang takbo ko. Kaya nga lagi akong nakaka-aksidente. Pero wala pa namang malala. Tagis-tagis lang ng kapwa sasakyan. Nakakapreno naman kasi ko kapag may tao sa harapan.
"Ariel! May aso!"
"Ayos lang 'yan. Relax lang, Seb," natatawa kong sagot.
"Bakit nag-iisang kamay ka lang?!" Tinanggal niya na 'yung seat belt niya at lumipat sa harapan.
"Hindi ka dapat tumatayo. Paano kung ma-mreno ko?"
"Ihinto mo."
"Malayo papo tayo."
"Ako ng magda-drive! Ihinto mo! Please lang!"
Natawa na ko kaya ginilid ko na ang sasakyan at nag-hazard bago umikot papunta sa passenger seat.
"Masyado ka palang kabado." Lalo ko siyang tinawanan habang nakatingin siya ngayon sa akin nang masama.
Maayos siyang nag-drive papuntang beach.
"Pwede ba tayong pumunta mamaya sa market?" tanong ko habang sinusundan siyang lumakad sa buhanginan. Huminto ako nang tumigil siya. Nagkaoras ako para tanggalin 'yung heels kong lumulubog sa buhangin.
"'Wag mo na ulit uulitin 'yon."
"Gusto mo 'yon, 'di ba? 'Yung mabilis 'yung pagpapatakbo."
"Pero hindi ikaw ang driver. I know my driving ability. You are not like me."
Mahina akong tumawa. "Galit ka pa rin ba dahil do'n? Relax, safe tayong nakarating, oh. Besides, you told me to do what I want. So, ginawa ko lang 'yung gusto ko."
"Napapainit mo lalo 'yung ulo ko." Naniningkit niya kong tinignan.
"Mainit ba? Baka sa araw lang 'yan." Nagpaa ko at muli siyang sinundan nang irapan niya ko.
Kumain kami sa isang karinderya malapit sa dagat. Kanina ko pa pinagmamasdan si Sebastian pero mukhang hindi naman na bago sa kanya ang pagbili sa ganitong kainan. Siya pa itong nakikipagsiksikan para maka-order.
"Ayos ka lang ba dito? Pwede naman tayong lumipat kung hindi ka komportable," mahina kong sabi habang dumudukwang sa may lamesa.
"Kumain ka na." Sumubo siya.
Ginisang ampalaya ang ulam niya ngayon at ako naman ay sinigang. Kung titignan siya ngayon, para siyang hindi mayaman.
"Dito ko nabuhay dati," biglang kwento niya. "Kung hindi dahil sa mga karinderyang ganito. Mamamatay ako sa gutom." Muli siyang sumubo.
"Talaga?" Mas lalo ko siyang tinignan bago sumubo rin ng pagkain ko.
"Galing ako sa dagat, Ariel. Anong tingin mo sa akin? Mayaman na agad pagkaahon?"
"Ibig sabihin matinding hirap 'yung pinagdaanan mo."
"Siguro."
"Kung magkakilala lang tayo dati. Pwede kang makikain sa bahay. Ako lang naman ang mag-isa."
"Nga pala, asan ang mga magulang mo?"
"Ikaw? Nasaan ang sa'yo?" Pambabara ko sa kanya saka sumubo ng kanin.
"You don’t talk about them."
"Kapag ba nagkwento ako sa'yo. Maniniwala—" Bigla akong natauhan.
"Why?"
"Oo nga pala, siguradong maniniwala ka."
"So, magkwento ka na."
"Sa isang kondisyon." Ngumiti ako pabalik. "Kapag nagkwento ako. Dapat magkwento ka rin."
"Call," matipid niyang sagot bago magtaas ng kamay para bumili ng extra rice.
"Ang takaw mo."
"Boss mo ko. Tapos pinagsasabihan mo na rin ako ng ganyan?"
"Nasa labas tayo. I can say whatever I want, SEB." Ngumisi ko.
"Gusto mo rin ba ng kanin?"
"Hindi na, diet ako."
Tinawanan niya ko habang kinukuha ang extra rice niya.
"Magkwento ka na."
"Sabi ng mom ko, piloto raw ang daddy ko."
"Okay, and?"
"Bakit ba interesado ka?"
"Wala lang. Bakit? Ikaw din naman interesado sa mga magulang ko."
"Syempre," matinis pero mahina kong sagot. "Mermaids kaya sila," dugtong ko pa.
"So what? Tao rin naman ang mga magulang mo. Dapat ba kong ma-amuse?"
"Mahilig si Mom sa mga sirena," mabilis kong sabi na ikinatigil niya. "Kung nakilala ka niya. Tsk. Wala kang kawala." Umiling-iling ako nang nakangisi.
"Like?"
"Anong like?"
"Anong gusto niya sa amin?"
"Everything," masaya kong sagot. "Buong buhay niya yata ginugol niya sa pagkuha ng mga inpormasyon tungkol sa inyo."
"Hindi 'yan ang tanong ko."
"Ano ba? Kagulo mo?"
"Bakit interesado siya sa amin? Gusto niya rin ba kaming patayin?"
"Hell no!" bulalas ko. "Hindi gano'ng klaseng tao si Mom, ha?! Mag-ingat ka sa pananalita mo. Baka hindi kita matansya, Sebastian.." sabi ko sabay turo ng tinidor sa kanya.
Bigla siyang tumawa kaya kunyari ko siyang tinusok sa kamay.
"Aray!"
"'Wag kang ano diyan ha? Baka nakakalimutan mo. Tinidor din ang hawak ni Poseidon."
"Don't talk about him like that."
"Ano bang sinabi ko?" angal ko.
Nahuli ko ang pagsulyap niya sa akin pagkasubo ko. Tinaasan ko siya ng kilay at takang tinignan.
"So, asan na ngayon ang mom mo?"
"Tsismoso ka rin, 'no? Wala na. Nasa far far away na."
"What do you mean?"
"'Wag ka nang matanong. Kumain ka na lang. Okay na 'yung simpleng kwentong gano'n."
"'Yung parents ko naman. Wala na sila. Kaya malaya akong nakapunta dito."
"Tinatanong ko ba?" biro ko.
"Sabi mo palitan tayo ng kwento." Tumigil siya.
"Anong nangyari sa kanila?" Tinignan ko siya habang ngumunguya. Ang sad naman kasi no'n. Akala ko magiging masaya siya kapag nagkwento ng tungkol sa mga magulang niya.
"'Yung ama ko. Bayani siya."
"Bayani?"
"Yes, namatay siya para makipaglaban sa kabilang panig."
"Pati ba naman sa dagat may mga warla?"
"Warla?"
"War."
"Okay."
"Ibig sabihin pala kung wala ka dito. Makikipaglaban ka rin?"
"No." Umiwas siya ng tingin.
"Duwag ka?"
"No!"
"Ba't sinisigawan mo na ko?"
"Kaya nga buhay pa ko dahil tinakas ako ni Ina. Namatay siya para sa akin."
"Okay, fine. Kumalma ka." Tinawanan ko siya. "Parehas na pala tayo walang magulang, e. Hayaan mo na. Gano'n talaga."
"Para kang matapang, hano? Kung hindi ko lang alam na iyakin ka, maniniwala na kong matapang ka, Ariel." Ngumiti siya na parang nang iinis.
"Ako rin naman. Maniniwala na sana kong matapang ka kung hindi mo na iniiyakan si Vanessa."
"Never pa kong umiyak."
"Tss, 'wag ako, Seb. Iba na lang ang lokohin mo."
"Kapag umiyak ako.." Huminto siya at tumingin sa paligid.
"'Wag mong sabihing nagiging perlas 'yang luha mo." Natawa ko.
"Of course, no."
"Gano'n kasi 'yung mga napapanuod namin ni Mom sa TV."
"Kapag umiyak ako, magkakaroon ako ng kaliskis sa buong mukha ko. Ang pangit no'n kaya hindi ko ginagawa."
Natawa kong lalo.
"Ayokong maging pangit," dugtong pa niya na parang masama ang loob.