"Anong nangyari?" Tumalungko ako para mas makalapit sa kanya.
"Hindi ko alam. Ayaw bumalik sa dati ng mga paa ko."
"Paano na 'yan?"
"Mukhang malapit na ko, Ariel." Muli siyang lumubog sa tubig. Napakaganda ng buntot niya, kumikinang 'yung mga kaliskis no'n na kulay bughaw. "Anong balita kay Vanessa?" Bigla siyang sumulpot malapit sa mukha ko. Halatang pinanghihinaan na siya ng loob.
"Kapag ba nagmahal talaga siya ng iba, mamamatay ka?"
"Oo," malamim niyang sagot saka umiwas ng tingin sa akin.
"Hindi ka ba pwedeng magmahal ng iba?"
"I already told you, Ariel. I can only love once. Kapag nabigo akong panatilihin siya sa akin, kamatayan ang kapalit." Muli siyang sumisid palayo sa akin. Umibabaw sa tubig ang buntot niya na sobrang ganda na ikinatitig ko.
Paano kita matutulungan?
To be honest, kahit na minsan masama ang ugali niya. Naging mabuti talaga siya sa akin, tinuruan niya ko ng mga bagay na dati hindi ko kaya at tinuruan niya rin akong maging confident sa sarili ko, sa ginagawa ko.
Hindi siya pwedeng mamatay nang ganito na lang.
Pinagmasdan ko siya bago lumabas ng mansion. Desidido akong nagpunta kay Vanessa. Kung malalaman niya siguro ang tungkol doon. Babalik naman siguro siya kay Sebastian, 'di ba? Imposibleng hindi. Nagmahalan sila. Siguradong mangingibabaw 'yon kaysa sa pandidiri niya.
"Teka!" Nakipaghilahan ako ng pinto kay Vanessa. "You need to listen." Pakikiusap ko.
"I don't care kung mamamatay siya. Umalis ka na bago ko tumawag ng mga pulis!" Mas hinila niya 'yon kaya mas nilakasan ko pa ang braso ko.
"Please! Hindi mo siya pwedeng pabayaan ng gano'n-gano'n na lang! Anong klaseng tao ka, ha?! Minahal ka niya! Binigay niya lahat sa'yo! Tapos dahil lang sa sikreto niya, iiwan mo siya?! At hahayaang mamatay?!"
"'Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan sa loob ng bakuran ko. Baka hindi ako makapagtimpi sa'yo."
"Edi sige! Gawin mo kung anong gusto mo sa akin! Basta makipagkita ka sa kanya!" Binitawan ko 'yung pinto na dahilan ng pagbagsak niya. "Please naman, kahit isang huling beses." Binabaan ko ang boses ko.
"Ayoko." Napapikit ako nang malakas niyang isara ang pinto.
"Babalik ako! Hindi kita titigilan hangga't hindi mo siya binabalikan!"
"Ma'am, excuse me po? Kayo po ba 'yung nanggugulo kay Ms. Vanessa?"
Bwisit. Talagang tumawag pa siya ng mga guard para lang mapalayas ako. Wala siyang kaluluwa.
Pinilit kong huminahon para makangiti ako sa kanila.
"Hindi po," nakangiti kong sagot bago yumuko at pose na lumakad papuntang kotse.
Napatapik ako sa manubela. Anong klase siyang tao? Parang hindi niya man lang minahal kahit konti lang si Sebastian.
"Talaga bang kapag nagiging ganyan ka hindi ka rin tumitigil sa paglangoy? Hindi ka ba napapagod?" Yakap ko ang sarili ko habang nilalabas siya sa pool. Sobrang lamig na at nandoon pa rin siya. "Hindi ka ba pwedeng umahon? Pinagluto kita."
"Pwede mo kong subuan dito?" parang bata niyang tanong na ikinangiti ko. "Hindi ako pwedeng matuyo. Mapapadali 'yung buhay ko." Natawa na ko pero pinigilan kong mapalakas 'yon.
"Okay, kukunin ko lang." Nginitian ko siya na muling sumisid sa ilalim.
FLASHBACK
"Hoy! Sungit!" sigaw ko sabay turo sa kanya na basang-basa na naman ngayon. Sumulyap lang siya sa akin at nagmadali na namang umalis. "Teka! May itatanong lang ako!" Hinabol ko siya kaso bigla na lang siyang nawala na parang bula.
Sinundan ko ng lakad 'yung mga yapak niyang basa sa flooring. Nagulat ako pagkabukas ng pinto nang makita ang floor ko.
"Dito rin siya?" taka kong bulong.
Mas lalo pa tuloy akong na curious sa kanya. Walang sino man sa building na 'to ang nakakapagsabi sa akin kung sino siya na para bang ako lang ang nakakakita sa kanya.
"Omg! Multo kaya siya?!" Napahinto ako habang kagat-kagat ang aking darili. "Ahhh!!" gulat kong sigaw sa nakabungguan ko. Ang lamig niya.
Hindi ko tuloy maiangat ang tingin ko. Paano kung multo nga siya?
"Ms. Cruz! Anong ginagawa mo?!"
"P-president!" Napatayo ako, nanlalaki ang mga mata sa gulat. Mas nakakatakot pa siya kaysa sa multo kanina.
"Nagtatrabaho ka ba o naglalaro?" Tinaasan niya ko ng kilay na ikinalunok ko nang malalim.
"Na-nag-nagtatrabaho po," takot kong sagot habang mas lalong niyayakap ang mga folder na dala ko.
"Fix yourself, Ms. Cruz, kung ayaw mo pang matanggal." Masungit niya kong nilampasan.
"Y-yes, sir! Sorry po ulit!" pahabol kong sigaw.
Pagkalingon ko ulit sa flooring. Wala na 'yung mga basang yapak ng lalaki. Para ngang minumulto lang ako. Kung sabagay, sobrang puti niya na para bang hindi siya nasisikatan ng araw.
"Imposible," natigilan kong bulong. Sinukat ko agad 'yung tangkad ng lalaking masungit at tangkad ko. Sunod ay bumaling ako ng tingin kay President. "Magkasingtangkad sila."
"Ariel."
"Anak ka ng kabayo!"
"Anong ginagawa mo? Kanina pa hinahanap ni Director Nilo 'yung mga pinapirmahan niya kay President. Mukhang lutang ka na naman." Dismayadong umiling-iling si Niña.
"Magkasingputi rin kasi sila."
"Ha?"
"W-wala," natauhan kong sagot. "Tara dito. Tapos ko na 'yong papirmahan kanina."
END OF FLASHBACK
"Hindi mo ba pwedeng lakihan 'yung pagnganga mo?" ubos pasensya kong tanong.
Nakaupo ako ngayon sa bingit ng pool, nakalubog ang mga paa sa pool para lang masubuan siya nang maayos. Kaso nag-aastang bata pa siya! Napakaliit ngumanga.
"Baka matakot ka kapag ngumanga ko."
"Bakit naman? Kakainin mo ba ko?"
"Ms. Cruz.." madiing sabi niya, bigla na lang namula kaya napatingin ako sa langit.
"Bakit?"
"Ano bang sinasabi mo?" Painosente siyang umiwas ng tingin kaya napagtanto ko ang naisip niya. "Ako na nga." Biglang agaw niya ng plato sa akin at maingat na lumangoy palayo habang nakataas 'yon.
"Bakit lumayo ka pa?"
"Pwede ka ng umalis," nakatalikod niyang sabi habang kumakain. Ano bang problema niya?
"Sure ka? Kaya mo ba?"
"Oo, bago pa kita kainin." Masama niya kong sinulyapan kaya napatawa ko.
"Para 'yon lang. Nagbibiro lang ako."
"Umalis ka na lang." Umirap siya.
"Okay, kung 'yan ang gusto mo. Nagmamagandang loob lang naman ako," pabulong kong sabi, pero syempre 'yung maririnig niya pa rin kahit papaano. "Aalis na ko, ha?"
Hindi na siya sumagot kaya tumalikod na ko. Kung sabagay, ayos na rin 'to nang makapagpahinga ako. May sarili rin naman akong buhay. Five days na nga 'yung pasok ko tapos ngayon pinaglilingkuran ko pa siya ng sabado't linggo.
From: Traydor na bitch
Hi, best! :D
Anong trip nito?
Si Natalie 'yan. Traydor siyang b***h kaya noong lasing ako 'yan ang pinalit kong pangalan niya. Bwisit, naaalala ko na naman 'yung pagtataksil nila.
From: Traydor na bitch
Kita tayo next sabado? Libre ko.
"Asa ka." Inis kong binato ang cellphone ko sa loob ng bag. Kinuha ko 'yung cardigan ko sa gilid ng sofa at natigilan, natigilan na may kasamang pagtaas ng dalawang kamay. "A-anong ginagawa mo?" ilang kong tanong nang yakapin niya ko mula sa likuran.
"Iiwan mo talaga ko?"
"Sabi mo."
"Paano kung mamatay na ko? Wala man lang maglilibing sa akin."
"Pero ikaw kasi–" "'Wag kang haharap," mabilis niyang banta at inikot ulit ang balikat ko. Nasulyapan ko 'yung maputi niyang balat na ikinainit ng mukha ko.
"Wala ka bang suot?!" taranta kong tanong.
"W-wala." Parang nailang din siya at mabilis na umalis mula sa pagkakayakap sa akin. "Hinabol kasi kita."
"Hinabol? Sana sinigawan mo na lang ako." Mahigpit akong napahawak sa bag ko.
"Hintayin mo ko dito."
Nakahinga ko nang maluwag noong maramdaman kong wala na siya.
"Bakit ba siya gano'n? Babae kaya ako," reklamo ko pasaldak sa couch.
Lagi siyang ganyan sa akin na para bang hindi niya ko kino-consider na babae.
"Nagugutom pa ko."
Napanganga ko pagkatingin sa kanya. Nakasuot lang siya ng pajama ngayon habang nagpupunas ng buhok.
"Bakit ganyan mo kong tingnan?"
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang walang shirt ngunit bakit ang bilis ng pintig ng puso ko? Kanina rin naman wala siyang suot.
"Ariel?"
"Y-yes, sir." Mukhang inuubos niya ang pasensya ko. Baka bukas mapag-resign niya na ko niyan. Ayoko sa lahat na may maramdaman para sa kanya. Hindi pa ko baliw para magkagusto sa isang isda na isang babae lang ang pwedeng mahalin. Kawawa naman ako no'n.
"Ariel," madiing ulit niya. Pagkatingin ko ulit sa kanya, tinaasan niya na ko ng kilay. "Bakit ba nawawala ka na naman sa sarili mo? Sino ba 'yung nag-text sa'yo?"
"Wala naman." Ngumiti ako. "Ipaghahain ba ulit kita?"
"Yes, please." Kapag may paa siya akala mo siya kung sinong makautos. Pa-señorito pang naupo ngayon at nagbukas ng newspaper sa isang upuan.
Napailing na lang ako. Pagkahain ko sa kanya, wala akong paalam na pumasok sa closet niya. Kumuha ko ng isang t-shirt at inabot 'yon sa kanya. Nagulat pa siya at tinignan ako na para bang nagtatanong.
"Isuot niyo na lang po. Malamig baka ginawin ka." Ngumiti ako.
Madaling araw akong umuwi sa bahay para matulog. Para ngang wala pang isang oras ang naging tulog ko.
"I will pay you. Sa akin ka na muna tumira."
Nawala 'yung antok ko at mabilis akong napahilamos ng mukha dahil kay Sebastian.
"Sinundan mo ko dito para lang sabihin 'yan? Sir, dapat pinamamaya mo na lang," angal ko.
"I'll triple your salary." Mostra niya pa.
Napatitig ako sa mga mata niyang kulay blue na naman ngayon. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ako um-oo kasi kabaliwan 'yon!
Ang tagal ko ng pinipigilan 'tong puso ko. Paulit-ulit kong sinasabing don't fall for him. Pero baka hindi ko 'yon kayanin kapag pati sa bahay, nakasama ko siya.
Ano ba 'tong nangyayari sa akin?