"Ariel, magluto ka."
"Ariel, ayusin mo 'to."
"Ariel, halika rito."
"Ariel, ikaw na ang gumawa nito."
"Ariel, ang ganda mo ngayong araw."
"Ariel, may nakapagsabi na ba sa 'yong sobrang ganda niyang mga mata mo?"
"Ariel, ipagtimpla mo ko ng kape."
"Ariel, ayos na ba 'yung mga report?"
"Ariel."
"Ariel."
"Aahhhh!! Nasa bangungot ba ko?!" gigil kong sigaw sa labas ng garden, nanggagalaiti kay Sebastian. "Ano bang akala niya sa akin? Katulong? Aba! Hindi ako pumasok rito para magpaalipin nang ganito sa kanya. Sobra-sobra na 'to! Pwede ko na siyang ihabla sa korte!"
"Ariel.." "Ano?!" Inis kong harap sa kanya na tinawanan niya.
"Ang ganda mo kapag naiirita ka."
"Hoy, Seb! Kung pinagtitripan mo ko. Itigil mo na." Duro ko sa mukha niya na mabilis niyang hinawi sabay lapit ng mukha niya sa akin.
"Ayaw mong pinagsasabihan ka ng maganda? Weird." Mapang-asar siyang ngumisi.
"Ay! Isda! Weird!" Inikot ko ang mata ko saka ginaya ang pagngisi niya habang nakatitig sa akin.
"Ariel, hindi ka ba pwedeng maging plain kahit minsan lang?"
"Plain?"
"Oo, 'yung katulad ng ibang mga babae."
"Anong akala mo sa akin? Hindi babae?!"
"See? That's your problem." Tinuro niya 'yung mukha ko saka nagpamewang. "Kilos lalaki ka."
"Ako?" Napanganga ko habang nakaturo sa sarili.
"Unlike other girls, mahinhin sila, kinikilig kapag nakikita ko at–" "Ba't ko naman kailangang kiligin kapag nakikita ka?"
"Well, kung hindi mo pansin. I'm doing a research about girls," proud na sagot niya. "Kaso hindi ka nakakatulong."
"Para saan?" Nabalik ako sa wisyo at sinundan siya sa loob.
"For Vanessa." Ngumiti siya bago kumuha ng baso sa lamesa. "Napaisip kasi ko na baka may mali akong nagawa. Baka hindi ko siya napapakilig araw-araw."
"Okay?"
"Sabi sa bagong librong nabasa ko. Nawawala 'yung feelings ng isang babae kapag hindi na siya napapansin. At naisip ko na baka kaya niya ko iniwan ay dahil lagi akong busy sa kumpanya."
"Nababaliw ka na."
"She's my life. The love of my life." Nagsalin na siya ng juice sa baso. "Gusto mo?"
"Hindi na. Baka mahawa lang ako sa'yo."
"I can't live without her."
"Nag-text na naman siya sa'yo, 'no?" Nagpamewang na ko at tinaasan siya ng kilay na ngayon ay tumitigil na sa pag-inom. "Tama nga ako. God! Isang text niya lang talaga bumibigay ka!" Kunsumido akong napatalikod. "Anong sabi niya?" Harap ko ulit.
Unti-unti siyang ngumiti hanggang sa parang mapupunit na 'yung mga pisngi niya. "Kinikilig ka ba? Kasi hindi bagay. Nakakasuka, Sebastian," walang galang kong sabi na ikinahinto niya.
"'Wag mo na nga lang akong pakialamanan. Wala ka na do'n."
"Sabihin mo 'yan kapag tinigilan mo na ko."
"Nage-experiment lang ako." Pagtatanggol niya sa sarili.
"At ako pa 'yung naisipan mong gamitin," irita kong sagot. "Ariel, ang ganda mo. Ariel, bagay sa'yo 'yang suot mo. Kulang na lang sabihin mong bagay tayo."
"Wow," mangha niyang sabi sabay kuha ng isang maliit na notebook sa likurang bulsa niya at ballpen. "Magandang banat 'yon. Pwede..."
"Seryoso?"
"Ano pang alam mo?" Nagseryoso siyang bigla. "Teach me more."
"Teach me more mo mukha mo."
"Babayaran kita."
"No, thanks." Kumaway ako habang nakatalikod na sa kanyang lumalakad palayo.
"One million."
"Seb, mukhang may nakakalimutan ka." Humarap ako nang nakangisi at tumaas naman ang kilay niya. "May kontrata tayo. Kailangan lang kitang samahan sa mga bucket list mo at kapag namatay ka na... Sa akin na ang kumpanya. Kaya maliit ang isang million para sa akin."
"Hahanapan kita ng boyfriend. How about that?" mayabang niyang offer.
"Ano kamo?"
Nakangisi siyang lumapit sa akin na may pagkamayabang. Inikutan niya ko, hawak pa rin ang ballpen at notebook niya.
"Alam kong naghahanap ka ngayon ng boyfriend. Marami kong kilala. Mga gwapo. Hindi mo na kailangang mamili."
"Really? Para lang diyan. Minamaliit mo na ko?"
"Ano bang minamaliit? Gusto ko lang na turuan mo ko," angal niya. "As your boss, turuan mo ko."
"Okay, kung sasabihin mo sa akin kung anong tinext niya sa'yo."
"She wants me back." Lumawak ang pagngiti niya.
"At?"
"Anong at?"
"Siguradong may dahilan. Mukhang pera 'yon, e," papahinang sabi ko. Ngumiti rin ako at naningkit nang umiwas siya ng tingin. "Sebastian..." mabagal pero madiin kong tawag.
"Okay, fine! I texted her first!" Humalukipkip siya, pikon. "Sabi niya hindi raw ako marunong magromansa ng isang babae kaya nagsasanay ako ngayon, okay? Happy? Sige, lakasan mo pa 'yang pagtawa mo."
"Nakakatawa ka kasi, e."
Umirap siya kaya lalo akong natawa. Kawawang nilalang. Walang kaalam-alam sa mundo.
"Napipikon na ko, Ms. Cruz."
"Relax, titigil na." Nagpunas ako ng luha na tumulo dahil sa pagtawa. "Mali ka kasi ng pagkakaintindi."
"Anong mali doon? Gano'n ang sabi sa libro."
"Sa tingin ko kasi ibang romansa ang sinasabi niya."
"Iba?" Parang nagulat pa siya kaya muli akong natawa habang naiiling. "Paanong iba? 'Yon ang gusto ng mga babae. Sweet, romantic at magaling mag-pick up line."
"Pero iba nga 'yung gusto niya," seryoso kong sagot sabay kuha sa likurang leeg niya. "Gusto niya.." Mapang-akit ko siyang nilapit sa mukha ko.
"A-ano?"
"Ba't nauutal ka? Ayaw mo sa nauutal, 'di ba?"
"Bakit kasi bigla mo kong ginaganyan?!" Tinulak niya ko palayo. "Boss mo ko," dugtong pa niya, nagpapagpag ng damit na para bang narumihan ko siya.
"Ang gwapo mo kasi ngayon," ganti kong sabi sabay kindat.
"Ow!" "Ano na naman?!"
"So, ganyan pala dapat." Turo niya sa mata ko. Napatapik ako ng mukha. "Dapat pala may kasamang pagkindat 'yon."
"Bata ka ba, Seb?!" Nauubos na 'yung makapal kong pasensya sa kanya.
"Sinisigawan mo ba ko?!" Nakipagmataasan siya ng tingin sa akin. Syempre siya ang mananalo kasi mas matangkad siya. Para lang akong daga na lumalaban ngayon sa tigre.
"Gusto mo bang turuan talaga kita?" Pigilan mo ang sarili mo, Ariel.
"Kahit ilang million pa ang kapalit. Oo, gusto ko."
Sarkastiko akong ngumiti habang lumalapit. "Actually, kahit walang bayad."
"Totoo?"
"Yup." Minostrahan ko siyang lumapit. "Ganito ang gusto niya." Hinawakan ko agad ang magkabilang pisngi niya. Bahala na si Batman o Superman. Siya naman itong nanguna. Gaganti lang ako nang konting-konti lang.
Madiin ko siyang hinalikan na inalmahan niya. Nagpigil ako sa pagtawa habang nagpupunas siya ng labi na para bang hindi pa kami naghalikan dati.
"Para saan 'yon?!"
"Practice," simpleng sagot ko.
"Ms. Cruz, nananadya ka ba?"
"Alam mo, Sebastian? Minsan para kang bata." Nakangiti akong lumapit ulit sa kanya. "Naiinis ka naba? Tuwing napipikon ka lang o kapag gusto mo kong mapasunod sa'yo, tinatawag mo kong Ms. Cruz."
"Alam mo, Ms. Cruz? Mali ka." Umabante rin siya kaya natigilan ako sa pang-aasar. Seryoso na siya ngayon at mas lalo pang lumalapit habang ako naman itong umaatras. "Hindi ako bata. Alam ko kung ano 'yung gusto mong ipahiwatig."
Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa sinabi niya.
Gulat akong napasigaw nang mamali ako sa pag-atras. Nakahawak ako ngayon sa kuhelyo niya habang sinusulyapan ang swimming pool na nasa likuran ko ngayon.
"Ngayon ako naman," biglang kibo niya habang nakangisi. Ginaya niya ang ginawa ko sa kanya kanina at mahigpit akong hinalikan.
Dahil doon, parehas kaming nahulog sa swimming pool. Nakakapagtaka na wala akong maramdamang kaliskis sa mga binti niya.
"H-hindi naging buntot," hingal kong bulong bago tumingin sa tubig para tingnan ang mga binti niya.
"Ako ang nagdedesisyon kung gusto kong maging buntot 'yan o hindi kapag wala ako sa dagat," seryoso niyang sagot, nakatitig lang sa mukha ko na para bang kinakabisado niya 'to.
"Ang lamig. Mabuti pa umahon na tayo," ilang kong aya pero bago pa ko makalayo ay bigla niya kong hinila pabalik sa kanya. Kinulong niya ko sa pagitan ng mga braso niya at sa hangganan ng swimming pool. "Bakit ba tinititigan mo ko nang ganyan? Pwede bang tumigil ka na. Hindi ako palaka para pag-experimentuhan mo."
Mataray kong sinubukang lumayo ulit pero mas malakas ang mga braso niya kaysa sa akin.
"Ano ba, Sebastian?!" Nagulat ako nang magbago ang kulay ng mga mata niya. Ayan na naman ang kulay asul niyang mga mata.
Kinuha niya ang baba ko at hinarap ako sa kanya. Wala siyang sinayang na segundo at nilapit agad sa akin ang kanyang labi. Iba ang pakiramdam ko sa pagbabago lagi ng mga mata niya.
Parang sa tuwing magbabago 'yon ay nawawala siya sa katinuan. Parang hindi niya alam ang ginagawa niya at kusang nagkakabuhay ang sarili niyang katawan.
Mas dumiin pa ang paghalik niya pati na paghawak sa pisngi ko. Nawala ako sa balanse kaya naman napakapit agad ako sa magkabilang balikat niya para hindi malubog sa tubig.
"Se–bas–tian," pilit kong salita sa pagitan ng paghalik niya. Hinawakan ko agad ang kamay niya nang bigla itong bumaba papunta sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Nakakakiliti na para bang nagugustuhan ko.
At heto pa't lalo akong napakapit nang mahigpit noong bumaling siya ng halik sa leeg ko.
"Sabi mo wala kang alam sa ganito? Hmmm?" Napatingala ako sa sarap. Ariel, gisingin mo siya. Gumising ka rin!
"S-seb.." ingit ko. "'Wag diyan." Tumigil siya nang muli kong pigilan ang kamay niyang pababa sa hita ko.
Salit na tumigil, itinaas niya ang kamay naming dalawa at doon ako hinalikan nang hinalikan. Hindi ako makapagreklamo. Ang init ng mga halik niya doon kahit pa nasa tubig kami ngayon.
"Pigilan mo ko.."
Napadilat ako nang malambing siyang bumulong sa tainga ko. Kahit pa sinabi niya 'yon ay tumuloy pa rin siya sa paghalik sa leeg ko.
Paano ko ba siya patitigilin kung nagugustuhan ko rin?