CHAPTER 18

1846 Words
"Anong amoy 'yon? Parang may patay," usal ko pagkamulat ng mga mata. "Sebastian?!" Napabangon agad ako at natigilan nang makita ang buong kwarto ko na punong-puno ng pulang rosas ngayon. Kahit saan ako tumingin may rose na nakalagay. Gusto kong bumaba kaso wala akong daan. Anong meron? "Sebastian!!" sigaw ko. "Hi," nakangiti niyang bati pagkabukas palang ng pinto. "Good morning." "Anong good sa morning? Para saan lahat ng 'to?!" Tinuro ko 'yung mga rose. "Nagustuhan mo ba?" "Ano ko? Patay?" "Ha?" Para siyang napaisip. "Mali 'yung nabasa ko," bulong niya pa. "Tanggalin mo nga lahat ng 'to." "Okay, relax, babe," ngumisi siya. "Babe? Ano 'yon?" Kumabog bigla ang dibdib ko. Kaso pagkatingin ko sa kanya ay wala na siya. Bumalik siya na may kasamang limang lalaki. Lalo akong napatago sa kumot ko. Nakabestida lang ako at wala pang bra tapos nagpapasok na siya ng mga lalaki. "Alisin niyo lahat," utos niya at muli akong nginitian. "Tinatamad ka ba ngayong araw? Kahit 'wag ka munang pumasok." Anong nangyayari? Kinikilabutan ako sa kanya. FLASHBACK "Kaya kong ibigay lahat sa'yo. Basta dito ka lang sa tabi ko hanggang dulo." END OF FLASHBACK "Nababaliw na siya." Hindi ako maka-move on. Gigil akong nagsipilyo habang iniisip kung paano ko makakalusot dito ngayon. Pakiramdam ko hindi siya titigil. "Hay, ano ba 'tong napasok ko?" Pagkaligo, dumiretso ko papunta sa walk-in closet. Nakakatamad kumilos. "Ahhhh!!" Nagtabing agad ako ng tuwalya. "Anong ginagawa mo rito?!!!!!!!" Binato ko siya ng tsinelas kong suot. "Sorry, hindi ko alam na nagbibihis ka na. May binili kong mga bagong damit mo. Isukat mo," walang pake niyang sagot habang nilalagay lahat ng paperbag sa harapan ko. "Siguradong magugustuhan mo lahat ng 'yan. Ako ang mismong pumili." Tumayo lang siya sa harapan ko habang nakangiti at minomostrahan akong buksan 'yon isa-isa. "Thank you. Pwede ka ng lumabas." "Tingnan mo muna." "Lumabas ka na." Pagseseryoso ko. "Hay, bakit ba ang init-init ng ulo mo? Wala pang alas-sais, oh." Pinakita niya sa akin ang relo niyang suot. "Nakakainit ka kasi ng ulo. Lumabas ka na, Sebastian! Magbibihis ako!" "Babe, ayos lang." "Anong ayos?" bulalas ko. "Saka anong babe babe ka diyan?" "Tayo na, right?" Napanganga ko dahil sa sinabi niya. "Okay, sige. Lalabas na ko. Magbihis ka na." Ngumiti siya at lumabas na. Anong nangyayari? Nababaliw na talaga siya. Nagdedesisyon siyang mag-isa. Kami? Huh! Kami na talaga? Mabilis akong nagbihis para bumaba papunta sa kanya. Nakangiti pa rin siya. Bakit siya ngumingiti kapag nakikita ko? Anong binabalak niya sa akin? "Late na tayo." "Sorry kas–" "No, it's okay. Eight pa naman talaga ang pasok mo. Ako lang ang late." "Umayos ka nga, Sebastian." Kinuha ko 'yung susi ng kotse na mabilis niyang inagaw. "Tara na." Hindi niya binitawan ang kamay ko at saka ko maingat na hinila palabas. Namamawis na ang kamay ko. "Sakay na." Pinagbuksan niya ko. "Ako na po ang magda-drive, SIR." "Uh-huh!" Mostra niya at tinaas ang susi ng kotse. "Sakay na." Muli siyang ngumiti na parang maamong tupa. Kunot nuo akong sumunod sabay buntong hininga pagkaupo. "Ano 'yon?" Nilingon ko ang isang malaking bouquet sa likuran ng kotse. Pagkasakay niya, ngumiti siya na hindi ko pinansin. "For you." Bigay niya sa bouquet na nakita ko. "Sobrang laki. Diyan na lang 'yan sa likuran." "Ariel, bakit bigla kang nagsusungit diyan? May problema ka ba?" "Wala." Tinignan ko siya na dismayadong binabalik sa likuran 'yung bouquet. "Late na tayo, sir. Tara na." "Alam ko na kung anong kailangan mo." Tumango-tango siya at nag-drive na. Hindi ko na tinanong kung ano ang iniisip niya. Ang weird niya kasi ngayong araw. Hindi siya 'yung typical na Sebastian na kilala ko. Ito na ba siya? Ito na ba ang totoong Sebastian? Natauhan ako nang huminto siya sa isang gilid. Malayo pa mula rito ang kumpanya. "Bakit huminto tayo?" tanong ko pero ngumiti lang siya at biglang bumaba sa sasakyan. Binuksan ko agad 'yung bintana. "Saan ka pupunta?" "Maghintay ka na lang diyan." Pumasok siya sa isang convenience store. Paglabas, may bitbit na siyang malaking paperbag. Napataas ako ng kilay habang pinagmamasdan siyang umiikot papunta sa driver's seat. Masyado naman yata ang gutom niya. Handa ko na sana siyang asarin kaso naunahan niya ko. Sapilitan niyang inabot sa akin 'yung paperbag at sinabing sa akin daw lahat 'yon. "H-hindi naman ako nagugutom," papabilis kong sabi. "Nagugutom? Ah! Okay!" Para siyang biglang may naisip na naman at pinaandar na ang kotse. "Napkin?" Napanganga ko habang mas lalo pang hinahalungkat ang lahat ng laman no'n. "Anong gagawin ko sa lahat ng 'to?" bulalas ko. Sa dami nito, mukhang binili niya lahat ng napkin na naka-display doon. "Masungit ka kasi meron ka, right?" Ngumisi siya na akala niya yata sobrang talino niya na. Napangiti na lang din ako habang nilalagay sa likuran lahat ng 'yon. "Hindi mo ba nagustuhan?" "Wala ako ngayon, sir," sagot ko sabay plastik na ngiti. "Wala? Sa pagkakaalam ko, umiinit lang ang ulo ng mga babae kapag meron sila o gutom sila." Nagpapa-cute ba siya ngayon?! Dub.dub.dub. Masama na 'to. Sobrang lakas na ng t***k ng puso ko. "Ano pong order nila?" Napapaypay ako ng kamay nang bumaling na siya sa drive thru service. "Burg–" Pinigilan niya ko. "Hindi mo kailangang sabihin sa akin kung anong gusto mo. Alam ko na agad." Ang hambog niya rin pala, 'no? "Sige po, sir." Ngumiti na lang ulit ako at mas hinabaan pa ang pasensya. Maya-maya pa, nagulat ako nang abutan niya ko ng sobrang daming pagkain. Sunod-sunod 'yon kaya ang iba ay nailagay ko pa sa likuran. "Bakit ang dami?" tanong ko nang mayari. "Tulad ng sabi ko sa'yo, lahat ng gusto mo ibibigay ko," proud niyang sagot at muli ng nag-drive. Nagpatuloy pa siya sa mga kalokohan niya. Hindi na ko makatiis kaya naman gumawa ako ng paraan. Pumunta ko sa meeting na kailangan ng representative niya. Malayo ito sa kumpanya at pagkatapos ay pwede pa kong umuwi na. Win win. "Ikaw pala 'yung sikat na secretary ni Sebastian." Lapit ng isang lalaki. Kilala ko silang lahat dito. Ang pangalan niya ay Anton Vergara Jr., siya ang nagmana ng lahat ng kumpanya ng Vergara. Ngumiti lang ako at nagbigay galang. "Hindi talaga siya uma-attend dito, 'no? Sayang. Gusto ko pa naman sana siyang ma-meet in person." "Miss?" May lumapit pang isa. Si Klenn Pablo, may ari ng Pablo Hotel and Resort. "Ako po ba?" Nakangiti siyang tumango. "'Wag kang nagpapaniwala rito kay Anton. Gagamitin ka lang niyan para makalapit sa famous mong boss." "Hay, bakit ba nangingialam ka sa teknik ko?" Mukhang close silang dalawa. "Bakit ikaw? May proposal ka rin naman sa kanya. Two years mo na yatang pinu-push 'yon. Kaso isnobero 'tong boss niya." "At masama pa ang ugali." Umiling-iling siya. "Good afternoon, President." Nakangiti akong yumuko kunyari. Takot silang humarap doon na tinawanan ko nang mahina habang lumalakad na palayo. "Aba, loko 'yon, ah. Kinabahan ako." "Ikaw kasi, e." Patuloy pa sila sa pag-uusap na hindi ko na pinansin. Nagtungo ako sa buffet. Babawi na lang ako sa pagkain. "Nakita ko 'yung ginawa mo kanina doon." May isa na naman. Ngumiti na lang din ako at nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain. "Kaya pala nagtagal ka talaga sa kanya dahil iba ka." Natigilan ako sa pagkuha. FLASHBACK "Ano 'to?" Galit niyang binato sa mesa ko ang isang folder. Natakot ako kaya napayuko agad ako. "Bakit ba ang hina mo?! Hindi ba tinuruan na kitang 'wag kang magpapadala sa kanila?!" "Sorry po.." "Maraming nagpapasa sa atin ng mga proposal nila. Maraming tukso, Ms. Cruz. Gagamitan ka nila ng pera at idadaan sa mga regalo. Ito?! Anong kapalit nito?! Ikaw mismo pa ang nag-aayos ng filing niya!" "W-wala po." Napaatras ako at kusa ng tumulo ang luha. "T-tin-tinakot–" Tinikom ko na ang bibig ko. Hindi, mali na sabihin ko pa 'yon. "Tinakot? Tinakot ka nila para ayusin mo 'tong mga mali nila?!" Biglang nagdilim ang mukha niya. Kinuha niya 'yung folder at tinapon 'yon sa basurahan. Isang linggo ko na 'yong pinaghihirapang tapusin. Walang tulog dahil sa pananakot nila na kayang-kaya nilang ipatanggal ako sa trabaho at gawing miserable ang buhay ko. Kinabukasan pagpasok ko, nagulat ako nang makita ang isang balita sa malaking screen malapit sa building namin. Nanlaki ang mga mata ko. Ginawa niya talaga 'yon? Hingal akong tumigil sa entrance ng kumpanya namin. Ang daming media at nandoon din ang Chairman ng kumpanya na 'yon. Nakita ko ng CEO nito na siyang nag-utos sa akin noong nakaraan. Napaatras ako. Bago niya pa ko malapitan ay may humintong kotse sa harapan ko. Hindi ko kilala 'yung kotse. "S-sir.." Taranta kong yumuko nang buksan niya ang bintana. "Sakay." Muli kong tinignan ang mga nagkakagulong tao. "Bingi ka ba?" Masama niya na kong tinignan kaya dali-dali na kong sumakay sa likuran. "Lumipat ka," matipid niyang utos. "Po?" Lumapit ako sa driver's seat. "Lumipat ka kako dito sa passenger seat. Ano mo ba ko? Driver?" "Y-yes, sir. Sorry po." END OF FLASHBACK "Oh?" Tumigil ako sa pagbaba ng hagdan papunta sa parking nang makita si Sebastian. Nakasandal siya sa kotse niyang dala habang nakapamulsa at parang kanina pa naghihintay. Hindi ko alam kung anong trip niya pero kahit anong iwas ko. Nahuhulog pa rin ako sa kanya. Ako ba ang hinihintay niya? Sino paba, Ariel? "Hindi ako makapaniwala. Mukhang malapit na talaga siyang mamatay. Hindi na siya tuwid mag-isip." Lumakad na ko palapit nang mapansin ko ang pagtitinginan ng mga tao sa paligid. "Hi, babe." Akma siyang hahalik sa pisngi ko na mabilis kong iniwasan. "B-bakit ka nandito?" nahihiya kong tanong. "Dala mo ba 'yung kotse mo?" Hindi niya ko sinagot. "Yes, sir." Nilahad niya ang kamay niya na tinignan ko. "Ibigay mo sa akin 'yung susi." Taranta kong kinuha 'yon sa bag ko at inabot sa kanya. "May mga gamit ka ba doon sa loob?" "Ha?" "Simon." Kinatok niya 'yung bintana at bumaba naman agad si Simon. Umikot siya malapit sa amin at nginitian ako bago bumaling kay Sebastian. "Ano po 'yon, sir?" "Sa'yo na 'yung kotse niya. I-check mo na lang kung may mga naiwan pa siyang gamit at ibalik mo bukas sa kanya." "Teka!" angal ko nang iabot niya kay Simon 'yung susi. "Sa akin 'yon!" Tinignan ako ni Simon. Alangan na siyang nakangiti ngayon na tila pinakikiramdaman ang sitwasyon. "Hindi na ngayon." "Huh?!" "Umalis ka na. Ako ng bahala rito," utos niya kay Simon. "Ahm, saan po ba naka-park?" alangan na tanong ni Simon sa akin. Napapikit ako dahil sa sobrang sama ng loob. Tumuro ako sa kaliwang part ng parking lot na mabilis niyang pinuntahan. "Sakay na." Dumilat lang ako nang pagbuksan ako ng pinto ni Sebastian. "Dali na." "Hindi ako makapaniwalang binawi mo 'yon!" Padabog akong sumakay at ngumiti lang siya. "Alam mo bang ginastusan ko na 'yon?!" angal ko ulit pagkasakay niya. "And so?" Ngumiti siya. "Ibang klase! Ibang klase talaga!" "Umaalis ka nang walang paalam." "Nagtatrabaho ko," madiin kong paliwanag. "That's my job." Tumuro siya sa ginanapan ng meeting. "Pero kasi–" "From now on, ipagda-drive na kita kahit saan ka pumunta." "Ano kita driver?" "Nope, babe. I'm your boyfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD