CHAPTER 14

2011 Words
Diretso lang ang tingin niya sa kalsada. Naiilang akong magsalita. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. Bakit siya pumayag? Gusto niya ba ko? O ginagamit niya lang para maka-move on siya? Ayokong mag-isip nang masama. Ako lang 'tong maaapektuhan. Bigla siyang sumulyap sa akin na mabilis ko namang iniwasan. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. "Iba ka talagang mag-isip. Gusto ko 'tong idea mo." Nakangiti siya, at wala man lang bakas sa mukha niya na napipilitan lang. Ang dami na tuloy tumatakbo sa isip ko. 'Yung kiss, 'yung mga romantiko niyang paggalaw kung minsan at 'yung pagpapatira niya sa mansion. Hindi ko na kaya para ng sasabog itong utak ko ngayon. Humugot ako ng malalim na paghinga bago siya tingnan sa driver's seat. Pumikit ako at pagkadilat, "bakit ka pumayag?" mabilis pa sa kidlat kong tanong dahil sa kaba. "Bakit naman hindi?" Sinulyapan niya ko at muling nginitian. Mas lalo lang akong nalito sa sinagot niya. Ayokong umasa pero umaasa ako. Letcheng isip 'to. Nagkanda loko-loko na. "Pero kasi, sir.." "Yes?" "Namali lang talaga kasi ako ng text," lakas loob na paliwanag ko. "Namali? You mean, hindi talaga ikaw dapat ang ka-date ko ngayon?" No, ako dapat ang magsabi sa'yo niyan. Si Dan ang dapat na ka-date ko ngayon. "Bakit hindi ka sumasagot?" "Ha? Eh, kasi.." "Ariel, it's okay." Bumuga siya ng hangin. "Mas okay nga sa akin na ikaw ang kasama ko ngayon. Ang totoo niyan, komportable kong kasama ka kaysa iba." 'Wag mo kong ngitian nang ganyan. Mamamatay na ko rito. "Ariel?" "So plano mo na pala talagang makipag-date? Like, ahm, kakalimutan mo na siya?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Huh?" Tumaas ang kilay niya. "I mean, si Vanessa," maagap ko na sagot. "Kakalimutan mo na siya?" "Ofcourse, not!" Sinasabi ko na nga ba. "Hindi ko siya kayang kalimutan. Siya lang ang laman nitong puso ko. Ang nag-iisang babaeng mamahalin ko." "Pero pumayag kang makipag-date," mabilis na salita ko, disappointed sa mga sagot niya. "Yes, dahil sa bucket list ko." "Ha?" "Anong ha?" Napapikit ako at napakapit sa seatbelt nang ipreno niyang bigla ang kotse. Taas kilay siyang tumingin sa akin na para bang naguguluhan. "Don't tell me na inaya mo ko talaga." "Ha? Ano.." "Ariel," madiin na banggit niya sa pangalan ko. Napalunok ako lalo na noong pinaglapit niya ang mga mukha namin. "Sinabi ko na sa'yo, 'di ba? Si Vanessa lang ang babaeng kaya kong mahalin sa buong buhay ko. Wala ng iba." "Ba-bakit? H-hindi! M-mali ka ng iniisip!" Inayos ko agad ang sarili ko. Tinulak ko siya palayo na nagdududa pa rin ngayon. "Nabasa ko 'yon. Nabasa ko ng buo 'yung bucket list mo at nakita ko 'to. Mas mapapadali kapag tayo na lang 'yung nag-date, right? Iwas hassle. Naisip ko na hindi na ko mahihirapang humanap ng babae. Ako na lang. No feelings attach pa." Kunyari akong tumawa kahit sa loob ko parang iiyak na ko. Nahulog naba talaga ko sa kanya? Ang tanga mo Ariel kung totoo 'yon. Una pa lang alam mo na. Una pa lang. "Make sure of that. I don't want to hurt you." Bumalik na siya sa pagda-drive. "Syempre naman, kilala kita at alam ko 'yon kaya bakit ko naman sasaktan ang sarili ko?" mahina na sagot ko. Buong byahe akong nanahimik. Mas inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa bawat dinaraanan namin kaysa tumingin sa kanya. Mukhang alanganin na talaga ako. Masyado siyang attractive para sa akin. Pagdating sa Bantangas, dumiretso kami sa Calatagan. Napanganga ako pagkababa ng kotse. "Wow, ang ganda," hangang-hanga kong bulong habang pumapantay naman siya sa akin. Nilagyan niya ko ng jacket kaya nabalik ako sa kamalayan at medyo lumayo sa kanya. "Lalamigin ka." "Salamat." Tinanggap ko na lang 'yung jacket niya para wala ng usap. Muli kong pinagmasdan ang langit na ngayon ay sobrang ganda. "Niyaya kita rito para diyan. Maganda ba?" "Nabasa mo ba ulit 'to?" Sinulyapan ko siya at nginitian. "Yup, sa internet. Totoo nga, magandang mag-stargazing dito." "Hindi 'yon ang sinasabi ko. Ito. Kung paano maging romantic." "Romantic ba?" Mahina siyang tumawa. "Don't fall for me, Ms. Ariel Cruz," dugtong niyang bulong sa mukha ko. Hindi ko alam pero mukhang nahulog na nga ako. Kasi kung hindi, ano ngayon itong biglang kumirot sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay talo na ko. Sumunod ako sa paglakad niya papunta malapit sa beach. Umupo siya sa isang gilid na ginaya ko. "Balak mo ba ulit akong palanguyin?" mahina kong biro. "Gusto mo ba?" Ngumiti siya at tinignan ako. Ang gwapo niya talaga. Umiwas na lang ako ng tingin at medyo lumayo nang konti para makahinga ako. "Seb." "Yes?" "'Wag ka ngang ngiti nang ngiti." "Inuutusan mo ba ko?" "Yes." Turo ko sa mukha niya. "Ayan. 'Wag ka ring tumatawa nang ganyan." "Masama ba?" "Oo!" Masama para sa puso ko. "Okay, sure. Hindi na." Kunyari siyang nagseryoso pero pamaya-maya rin ay tumawa na. "Inaalala mo siguro si Vanessa hano? Dinadala mo rin ba siya rito?" "No." Umiling siya. "Ikaw pa lang ang nadadala ko malapit sa dagat. I also wanted to take her too but you saw her reaction, Ariel. Paano kung mabasa ako ng tubig dagat at magpalit ng anyo mismo sa harapan niya? Masasaktan lang ako sa kung anong pwede niyang gawin o sabihin." Napasinghap ako ng hangin habang niyayakap ang aking mga tuhod. Kung ibang babae na lang sana kasi ang minahal mo. Kahit hindi ako. Basta 'yung babaeng talagang mamahalin ka. "Hindi mo ba napansin? Mula noong nalaman mo ang sikreto ko. Lagi na kitang isinasama," masaya niyang kwento. "May tiwala ka sa akin?" "I already told you that I do trust you, Ariel." Ngumiti na lang ako at muling tumingin sa dagat. "Pwede kang sumandal sa akin kung gusto mo? Isa pa, nagde-date tayo ngayon, right? Masyado kang malayo." "H-hindi na." Hinila niya pa rin ako sa braso. "Dali na." Marahan niyang tinapik ang balikat niya at minostrahan akong sumandal. Mali 'to, 'wag kang sasandal. "Ayan. Para hindi ka mangawit." Baliw, Ariel! "H-hindi mo kailangang umakbay." "Mas okay 'to. Mas magiging komportable ka." Hindi 'yan totoo. Mas lalo lang bumibilis ang t***k ng puso ko. "Ariel." "Ano na naman?" nanghihina kong tanong sabay tingin sa mukha niya. "A-ano 'yan? Hindi 'yan kasama sa plano." Napatitig ako sa mga mata niyang nagkulay bughaw. Mas lalo siyang lumalapit sa akin kaya naman naninigas ako ngayon sa kinauupuan ko. Alis, Ariel! Alis! Gusto kong sampalin ngayon ang sarili kong pisngi. Bakit ayaw mong lumayo? "Ariel!" May sumigaw. Pagtingin ko sa mga mata ni Sebastian ay iba na ulit ang kulay nito. Umiiling-iling siya ngayon, parang may kakaibang nangyayari sa kanya. "Ayos ka lang?" nag-aalala na tanong ko. "Yes." Nakahawak pa rin siya sa ulo niya. "Hi! Hindi ako makapaniwalang nandito rin kayo!" Lapit ni Natalie. "Kami man." Kunyari na lang akong ngumiti habang tinitignan si Natalie na kay Sebastian nakatingin ngayon. "Akala ko ba busy ka? Mukhang gusto niyo lang mag-solo." "Alam mo pala HAHA!" "Let's go?" Unang tumayo si Sebastian at hinila ang kamay ko. "Mauna na kami. Have a nice evening," paalam niya kina Noah at Natalie. Ngumiti siya saka ko inakbayan paalis. "Anong nangyari sa'yo kanina?" bulong ko. "I don't know." Nalilito pa rin siya. "Baka dahil lang sa full moon ngayon." "Tuwing full moon nang hahalik ka?" Diretso niya kong tinignan na ikinatawa ko. "Joke lang," dugtong ko. "Uuwi naba tayo?" "No!" paangal na sagot niya kaya huminto ako sa paglakad at tinignan siya. "Date na ba sa'yo 'yon? Naupo lang tayo." "Relax, nagtatanong lang ako." Natawa ako habang naiiling. Anong klaseng reaksyon 'yon? "Ariel!" Parehas kaming napabuga ng hangin ni Sebastian habang umiikot palingon kay Natalie. "Nandito na lang din kayo. Bakit hindi tayo mag-inom na apat? Sakto, nandoon din sila Mona." "No, thanks," sagot agad ni Sebastian. "Pero—" "Hayaan mo na sila. Mga KJ, e," mayabang na sabat ni Noah na nagpaharap ulit sa akin. Tinignan ko siya nang pikon at binalik niya rin sa akin ang tingin na 'yon. "Fine, sasama kami." Kasabay ng pagtanggal niya ng tingin ang pagngisi niya kaya lalo akong napikon. Para kasing may meaning 'yon. "Sasama tayo?" hindi makapaniwalang bulong ni Sebastian. "Pangdalawang tao lang ang date." "Next time. Babawi ako." Nilingon ko siya nang seryoso. Na-gets niya naman agad kaya tumango na lang din siya. Ngayon, dalawang lalaki na ang pinagkakautangan ko ng date. Malas. Noong sinabi kong gusto ko ng lovelife, hindi ganito ang ibig kong sabihin –_– Sumunod kami sa kanilang dalawa, tahimik pa rin si Sebastian at parang robot lang ngayon kung mag-drive. Sunod lang ng sunod kay Noah. Kapag um-overtake 'yung isa, siya man o-overtake kahit alanganin 'yon. Eleven na kaming nakarating sa bar. Kinakabahan akong makita ang ilang dati kong kaibigan. Siguradong kung ano-ano na naman ang sasabihin nila sa akin. Mata pa lang nila, alam ko na. "Bakit ganyan kang makatingin? Ikaw ang nagpasimula nito," reklamo ko kay Sebastian. Pero salit na magalit siya o sagutin ako ng pabalang, tinanong niya ko kung ayos lang ba ko. Nakangiti siya at hinihintay ang sagot ko. Napatango na lang ako kahit ang totoo ay hindi ako okay. "So, let's go." Nilahad niya sa harapan ko ang braso niya at minostrahan akong kumapit. "Don't worry. I can act like a perfect boyfriend for you," bulong niya na lalong nagpakaba sa akin. Napapaypay tuloy ako ng isang kamay ko habang pumapasok sa sinabing bar ni Natalie. Kumaway siya agad sa amin at hinila ang isang kabarkada naming si Mona. "Ano? Asan na 'yung pusta mo?" biro niya pa. Awkward akong ngumiti at mas lalong napakapit kay Sebastian nang mahigpit. "Gwapo nga siya," hangang sabi ni Mona, nakatingin kay Sebastian at pamaya-maya pa ay ngumanga na parang ngayon lang nakakita ng gwapo. Lalo pang nagliwanag ang mukha niya nang ngumiti si Sebastian. "G-girlfriend mo siya?!" Nakaturo siya at si Sebastian ang tinatanong. "Yes," proud na sagot ni Sebastian na may kasamang pagsulyap sa akin. Puso, relax. "T-totoo?!" "Hoy, Mona! Kaibigan ba talaga kita?!" reklamo ko na bago pa sumabog 'tong dibdib ko. "Ang gwapo niya. Imposible namang papatulan ka niya." Natigilan ako at gano'n din si Sebastian. Naiintindihan ko naman sila. Lahat talaga ng nakakakita kay Sebastian ay namamangha at ganyan ang mga reaction. Tulad ng sinabi ko, perfect siya. "Hala, anong gayuma ang ginamit mo? Ha?" Biglang akbay ni Richard sa leeg ko. "Excuse me?" Lumuwag ang kapit ni Richard sa leeg ko kaya napatingin ako. Hawak siya ngayon ni Sebastian at nilalayo ang braso niya sa akin. He looks in pain so I winced. Pinigilan ko agad ang kamay ni Sebastian at minostrahan siyang tumigil. Natapos tuloy ang inuman nang tahimik lang. Titingin-tingin lang sila, may takot na may maling masabi at magalit ulit si Sebastian. Hanggang sa pag-uwi nga ay hawak pa rin ni Richard ang braso niya. Mukhang namamaga 'yon o mukhang may nabaling buto. "Kung wala ako doon, hahayaan mo lang bang gawin nila 'yon sa'yo?" Naunahan niya ko. Ako dapat ang magagalit. "Boss mo ko ngayon kaya sumagot ka." Humalukipkip siya at pinagmasdan ako nang masama. "Ano naman?" "What?!" "Totoo naman ang sinasabi nila. Seb.." Tumingin ako sa kanya. "Wala naman talaga akong mapagmamalaki. Kung hindi nga ako napasok sa kumpanya mo. Baka nagbebenta pa rin ako ngayon sa bahay-bahay ng kung ano-anong produkto." "Akala ko natuto ka na." Padabog siyang nagsimulang mag-drive. "Sino ba sila?" inis niya pang dugtong. Nanahimik ako hindi dahil sa takot kundi dahil baka isang salita ko pa, maiyak na ko. "Sinanay mo silang gano'n ang tingin sa'yo. Baka kaya ka iniwan ng boyfriend mo. Pinagpalit ka sa mas—" "Tumigil ka na!" Naiyak na ko. "Wala kang karapatang sabihin lahat sa akin 'yan kasi iniwan ka rin naman! Oo, perfect ka! Pero ano?! Nasaan 'yung Vanessa mo?!" Bigla niyang hininto ang sasakyan. Alam ko na kung anong mangyayari. "Baba," utos niya, walang emosyon ang mukha. "Kahit hindi mo iutos! Gusto ko talagang bumaba!" Sinipa ko 'yung pinto niya at padabog na bumaba. "Hindi kita kailangan! May pang-taxi ko pauwi!" Sinipa ko ulit 'yon at tinalikuran siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD