Daniella’s POV
Hindi naman siya nakasagot nung tanungin ko kung anong alam niya sa mga babae. Tsk! Nakakainis! Cool na cool pa rin ang loko.
“Siguro madami ka ng nalokong babae kaya marami kang alam?” I wanted to test his patience pero ngumiti lang ang loko at di na sumagot. Mas lalo tuloy bumangon ang inis ko sa kanya.
“O baka naman you are one of the girls kaya alam na alam mo ang gusto ng mga babae?” Napatingin naman siya sa sinabi ko. I thought he’d get mad pero di siya nagsalita. Nakakainis! Gusto kong maramdaman niya rin ang inis na nararamdaman ko dahil sa pagiging indifferent niya.
“Silence means right! Tama nga ang first impression ko, bakla ka nga talaga!”
“Yan ang first impression mo?”
I smiled. Did I already provoke him?
Napaatras ako nang bigla siyang lumapit at hawakan ako sa bewang.
“Really?” saad niya at inilapit ang mukha niya sa akin.
“Bitawan mo ako!” madiin kong saad. Pilit niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko pero umiiwas ako.
Now, I regret provoking him.
“You let go of me asshole!” sigaw ko. Napatawa naman siya pero di pa rin ako binibitawan.
“Kanina bakla, now I’m an asshole!” he smiled.
“s**t! Ano ba! Bitawan mo ako!” Pinipilit kong kumawala pero malakas siya.
“Oops! Allergic sa lalaki! Siguro tomboy ka noh?”
“No!” naiinis kong saad.
“Really? Sige nga isang kiss lang!” inilapit niya ang bibig niya sa akin. Agad ko naman siyang sinuntok sa dibdib na sanhi para mapabitaw siya. Nakakainis dahil tumawa lang siya. Pati yung mga trabahador nakitawa rin. Pinandilatan ko naman sila kaya itinuloy nila ang kanilang mga ginagawa.
I looked at Niccolo. He is still smiling widely.
“Tomboy ka talaga noh! Tsk! Sayang!” napapailing niyang saad. Kainis talaga siya sa ganda kong to. Tomboy? s**t lang! I’m not against lesbianism pero di naman kasi totoo kaya naiinis ako sa lalaking to.
“Silence means yes! Tomboy ka nga!” ulit niya kaya mas lalo na naman akong nainis.
“Hindi ako tomboy okay!” pinandilatan ko siya. Tumawa naman siya ng malakas.
“Wag mo ng i-deny! But I can turn you into a woman again!” kindat niya.
“Whatever you say! Bakla! You’re name should be Niccola!” naiinis kong sagot.
“And your name should be Danny!” natatawa naman nitong sagot. Kainis! Umalis nalang ako dahil nawawala ang poise ko sa kanya.
“Pareng Danny saan ka pupunta?” pahabol pa niya. Kakainis!
“Sa impyerno mareng Niccola! Sama ka?” sigaw ko naman bago tuluyang makalayo. Tumawa lang siya.
Niccolo’s POV
Napailing nalang ako habang tinitingnan siya palayo. Ano ba kasing nangyari? I acted like a child. Haha! Para kasi siyang teenager mainis. Tinawag pa talaga akong bakla. Loko talaga yung babae na yun.
Pagpasok ko ng bahay nakita ko siyang nagbibigay na ng instruction sa foreman para sa gagawing pagbabago sa hagdan.
“I think Engr. Alberto can give you better instructions kasi siya ang nag-iba nito.” Saad niya nang makalapit ako. I don’t know but it sounded sarcastic. Siguro naiinis pa rin siya.
“Nope! Just go on. Andiyan naman yung plano.” Saad ko pero iniabot niya ang planong ginawa ko saka tumalikod na.
“Excuse me, just go back to work! Tawagin kita mamaya.” Saad ko sa foreman. Tumango naman ito.
Sumunod naman ako kay Daniella. Alam kong naiinis siya dahil pinanghimasukan ko ang project niya but I’m just doing this dahil pinakiusapan ako ni Zach and it’s also for my sister.
“Bakit bigla kang umalis?” mahinahon kong tanong.
“You don’t need me there, besides it’s your idea!” tugon niya.
“I know but you don’t have to sound sarcastic.”
She smirked.
“How would you feel kung babaguhin ng isang bagong salta lang sa kumpanya ang planong ginawa mo?” madiing saad niya.
So this is really where she is coming from? Hindi matanggap ng ego niya na iniba ng isang baguhan ang planong ginawa niya?
“Well, it would hurt a bit but if it would make the project better then so be it.” I said sincerely.
She smirked.
“What do you know about building castles for a girl!” naiinis niyang saad. Whew! This one is really stubborn. Ayaw niyang magpatalo.
“I may be new in the company but I’m not new to this! I have been a civil engineer for 9 years. I have built more than 10 hotels, 6 bridges and a number of houses and mansions.” Saad ko.
Ayokong magmayabang pero minsan talaga kailangan rin kung iniinsulto ka na ng harapan.
“Trenta ka na?” she looked at me puzzled.
Really? Sa lahat ng sinabi ko yung edad ko talaga ang unang kinalkula niya?
“Yeah, why?”
“You don’t look your age…I thought ka-age lang kita.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Ok, now she’s forgiven for insulting me. Haha!
“Bakit ilang taon ka na ba?”
“Twenty-six!” nahihiyang tugon niya.
“Really? Ikaw din naman you don’t look your age.”
Napatingin siya sa sinabi ko. I smiled.
“Parang twenty-six and a half lang!” dagdag ko.
“Corny!” tugon niya pero napatawa naman siya.