Chapter 1
Pak!!!
Umalingawngaw ang lagapak ng folder sa mesa ni Daniella. Napasandal siya sa swivel chair. Kagagaling lang niya sa office ng CEO nila. Paano ba naman kasi binigyan siya ng boss nila ng kapartner sa castle project kung kailan patapos na ito? Limang taon na siyang engineer sa isang construction firm sa Makati at ngayon lang siya binigyan ng kapartner sa isang project.
Wala naman siyang kahit na ano mang hinanakit sa kakaupo lang na CEO ng kumpanya kaya lang kung maaari sana ay ayaw niya nang may kasama sa project dahil makakagulo lang ito sa diskarte niya. Apo ng may-ari ng construction firm ang bagong CEO. Kagagaling lang nito sa Amerika. Anim na buwan bago pa man ito umupo bilang CEO, nagkausap na sila para sa ipapatayo nitong castle house. Para raw ito sa babaeng pinakamamahal nito.
Nais man niyang tumanggi sa sinabi nito kanina na may makakapartner siyang baguhan sa kumpanya ngunit wala rin naman siyang magagawa. He is their boss.
Daniella’s POV
Binuksan ko ang folder kung saan may mga revisions na ginawa ang engineer na ipapakilala ni big boss mamaya. I smirked! Paano ba naman kasi ‘yong pool na hugis infinity pinalitan niya ng dalawang heart na magkadikit. Haha! Seriously? Lalaki ba talaga ‘tong makakasama ko?
‘Yong hagdan ng bahay, ginawa niyang parang sa hagdan ng fairytale. Tsk! So that means kailangang bagbagin yung isang layer ng nagawa nang hagdan para palitan ito. At sa master’s bedroom, nilagyan niya pa ng terrace. Siguro para overlooking the sunrise at iyong pool sa baba. May hagdan pa ito. Pinatanggal niya rin ang supposed-to-be fountain sa harap ng bahay. Nakakabanas! ‘Di pa kami nagkakausap kung anu-ano nang binago.
Napapitlag ako sa tunog ng intercom.
“Engr. Daniella Siazon’s office, good morning!” bungad ko sa linya.
“Engr. Siazon hinihintay na po kayo ni sir Zach dito sa office niya,” saad ng nasa kabilang linya. I knew it was the CEO’s secretary speaking.
“Okay! I’ll be there in a minute!” saad ko saka ibinaba ang linya. So, mami-meet ko na ang pakialamerong engineer na ‘yon? I took a deep breath before marching my way to the CEO’s office.
“Have a seat!” turo ni sir Zach sa upuan ng conference table. Nasa side ito ng office niya.
“Thank you sir!” tugon ko nalang at agad na tinungo ang silya. In fairness, guwapo si sir, masuwerte ‘yong babaeng mahal niya dahil ipinagpapatayo pa niya ito ng castle house.
“Paakyat na siya dito,” saad niya. Alam kong ang tinutukoy nito ay ang engineer na makakasama ko kaya tumango na lang ako at inayos ang upo.
“Have you seen the revisions he made?” tanong ni sir Zach. Ngumiti lang ako ng tipid. I didn’t want to tell him my reaction.
“Yes, sir pag-uusapan nalang po namin mamaya,” tugon ko. Hmp! Asa naman ang engineer na ‘yon kung papayag ako sa lahat ng suhestiyon nito.
“Good!” he said.
Maya-maya’y narinig ko na ang pagbukas ng pinto.
“Hey, Zach! Sorry na-traffic ako,” bati ng bagong dating. I didn’t bother to look at him. Hmp! First name basis siya sa boss ha. Close sila?
“No problem kuya! By the way this is Engr. Daniella Siazon,” saad ni sir Zach. Tiningnan ko naman ang bagong dating. He smiled.
“Engr. Siazon, meet Engr. Niccolo Alberto!” inilahad niya ang kamay niya. Baka ang ibig sabihin ni sir Niccola? Hehe! Pero in fairness, gwapo siya, matangkad at neat-looking. He is about 5’11’’ at may dimple sa left cheek.
Napatikhim si sir Zach. Matagal na palang nakalahad ang kamay niya. Di pala ako nakipagshake hands. Napapahiya naman niyang ibinaba ang kamay.
“Glad to meet you!” saad niya saka tumawa ng mahina.
Shocks! Baka isipin niya rude ako. I looked at sir Zach. Napailing lang ito. Nakakahiya. I know I have an image in the company na tough but not rude.
“Sige, Engr. Siazon, ihahatid ko nalang siya sa office mo mamaya para mapag-usapan niyo yung mga revisions sa plano. Mag-uusap lang kami sandali.” Saad ni sir.
“Sige po!” tugon ko nalang at saka tumalilis.
Niccolo’s POV
Pagkaalis ng inhinyera. Narinig ko naman ang tawa ni Zach. I looked at him puzzled.
“Beware of her kuya!” saad nito with a warning tone.
“Who? Daniella?” tanong ko naman.
“Yes, she is one of the toughest engineers here. But I’m sure you can handle her.”
Napangiti ako.
“Yun lang pala. Kayang-kaya ko nga si Nicasia! Mas malupit pa ang topak nun!” saad ko sabay tawa. Tumawa rin ito.
“Thanks nga pala kuya at pumayag ka sa project na to.” Saad nito.
“Anything for my sister.” Saad ko naman.
Ang castle house kasi ang dream house ng kapatid kong si Nicasia kaya gusto ni Zach na tumulong ako sa finishing touches. Surprise niya ito for her bago niya yayaing magpakasal. I’m sure Nicasia would be the happiest.
I used to work in another construction firm in Makati kaya lang nag-offer si Zach at ang unang project nga ay ito kaya hindi ko natanggihan.
“So, okay na kuya? Hatid na kita sa new office mo?” saad nito. Tumango naman ako at ngumiti.
Sumunod ako sa kanya. Nakatingin naman ang ilang empleyado sa labas na may kani-kanyang cubicle. May mga ilan na mahahaba ang mesa. Iyon marahil ang tables ng ibang mga engineers at architects.
“Everyone listen up!” malakas na saad ni Zach. Tumayo naman ang lahat at tumingin sa amin.
“Meet Engr. Niccolo Alberto! He will be working with us! That would be his new office.” Turo nito sa isang pintuan. May pangalan na pala ako dun. May nakalagay pang Senior Engineer. Loko talaga tong si Zach. Binigyan pa ako ng posisyon. Iba talaga pag bayaw mo ang CEO. Hehehe!
“Hi! I’m looking forward to working with you all!” saad ko naman. I saw girl employees giggle. Haha! Gwapo ba ako?
“Okay, thanks! You may go back to work!” saad naman ni Zach. Naglakad na kami papunta sa office ko daw. Iniabot ng secretary niya ang susi sabay ngiti. Napatawa naman si Zach.
“Pa-cute ka pa ah! Sabagay single naman si kuya Nicco!” biro ni Zach. Napatawa nalang ako.
I looked at the other door. So, magkatabi kami ng office ni Engr. Daniella?
We went inside my office. Ayos naman. May malaking table, swivel chair. May couch sa side at flat TV at fully air-conditioned.
“So okay ka na dito kuya?” tanong ni Zach.
“Yeah, thanks!”
“Sa kabila ang office ni Engr. Siazon. Puntahan mo nalang siya mamaya para makapag-usap kayo at masamahan ka niya sa site.”
“Okay sige!”
“Sige, kuya una na ako marami pa kasi akong kailangang tapusin.” Paalam niya.
“Sige!” tugon ko nalang.
“Mag-ingat ka diyan sa tigre sa kabila baka lapain ka!” biro nito bago lumabas. Napatawa naman ako.
Is she really a tigress? We’ll see!