Pagkatapos ayusin ni Niccolo ang gamit niya sa bago niyang office saka naman siya nagtungo sa kabilang office kung nasaan si Daniella. Hindi siya dapat mag-aksaya ng oras dahil may mahigit isang buwan na lang ang natitira para ihabol ang ilang revisions at kailangan niyang makita mismo ang project site.
Niccolo’s POV
I knocked on her door thrice bago ko pinihit ang seradura. Pagpasok ko sakto namang umikot siya sa swivel chair para tingnan ang taong pumasok.
“Hi!” I smiled at her.
“Why?” tanong niya. Her expression remains formal.
“I just want to discuss the revisions for the castle house.”
Napataas ang kilay niya sa sinabi ko.
“Ah, that one…I think you have to see the project site first para malaman mong imposible na yang revisions na sinasabi mo.” Striktong saad niya.
So that means ayaw niya sa mga suggestions ko? Tama nga si Zach, this one’s really a tough.
“Zach and I already talked and he agreed with the revisions.” Kalmadong sagot ko.
She smirked.
“Really? Don’t you think as an engineer you should see the site first bago ka gumawa ng revisions?” nang-uuyam niyang saad.
I just smiled. Is she trying to insult me?
“Well, as an engineer, I can visualize how it looks based on the plan.” Kalmadong saad ko. Napatiim-bagang siya. Napapangiti naman ako sa isip ko. Marami na akong na-encounter na ganitong inhinyero na ayaw magpatalo. Ayaw nilang nasasapawan ang ginawa nila.
“That’s not what I mean. You have to see it para makita mo na tapos na ang project. At yung suggestions mo ay impossible ng magawa.”
She sounded angry but I just remained calmed.
“Ok then! Can we go to the site now?” saad ko. I saw her drew a deep breath bago kinuha ang handbag niya at tumayo na.
Magkasunod kaming sumakay ng elevator. Pinindot ko ang basement. Napatingin naman siya.
“Let’s just use my car.” Saad ko. Di naman siya nagreact.
Daniella’s POV
Sasakay nalang daw kami sa kotse niya. Buti naman at may sasakyan siya. Sa QC pa kasi ang project site. Kung sabagay mukha naman siyang mayaman. Kaanu-ano niya kaya si sir Zach? Ayoko namang magtanong dahil wala akong balak makipag-close sa kanya.
Actually, I don’t like his coolness. Ang yabang ng dating parang wala siyang pakialam kung masaktan man ako sa mga ginawa niyang revisions. That’s my work, my masterpiece tapos iibahin lang niya. That’s so arrogant of him.
Wala kaming imik habang nasa biyahe.
“Wow!” he exclaimed nang papasok na ang sasakyan sa gate ng construction site. Actually, patapos na ito, finishing nalang ang ginagawa at landscape.
I looked at him with pride. See? Kahit siya napahanga.
May dalawang tore sa magkabilang gilid na parang castle. Kasing-laki ito ng apat na palapag na gusali na ginawa kong guestrooms ng bahay at may elevators.
“Look at the castle house!” saad niya nang maipark ang sasakyan. I looked at him puzzled. He smiled.
“Di ba out of place yang fountain sa harap? Ilagay nalang yan sa likod.” Saad niya. I smirked.
“Eh di ang plain na nang harap, wala silang makikita.” Komento ko.
“Exactly!” he exclaimed.
“Dapat daan lang yan at plain Bermuda grass para pag may tumingin ang focus lang ng tingin nila ay ang castle house. Not anything else!” dagdag niya.
I looked at him in disbelief.
Tumango nalang ako. Maliit lang naman na revision iyon. Ipapatanggal nalang ang nasimulang construction ng fountain.
Pagpasok namin sa loob. He looked around. I waited for his comment. Tapos na kasi ang hagdan na gusto niyang ipabago.
“Everything is in place except for the staircase.” Komento niya. Sinasabi ko na nga ba at ipipilit niya ang gusto niya. Tsk!
“Look, we made it modernize kaya okay lang naman na hindi natin gayahin ang design at structure ng mga hagdan sa fairytales di ba?”
He smiled!
“Di ba castle nga? Ginaya mo na nga ang design sa fairytale bat di mo pa lubos-lubusin?”
“But it’s already done. Alangang babagbagin pa yan just to make way sa staircase design na gusto mo?” Nakakainis na talaga siya. Pati hagdan papakialaman pa.
“Why not? What about a little pain for beauty’s sake? Sabi nga ng mga babae tiis-ganda di ba?” saad niya. Really? Sa kanya pa talaga nanggaling yang idea ng mga babae na tiis-ganda? Tss!
“So okay na yung hagdan?” tanong niya. Tumango nalang ako.
Pagdating namin sa master’s bedroom. Sinabi na naman niya ang suggestion niya na palagyan ng veranda overlooking the poolside na may hagdanan din pababa doon.
“Aabot pa ba next month? Kung gagawin yang suggestion mo?” tanong ko.
“Zach told me na pwede tayong magdagdag ng kahit ilang tao para lang matapos ang kung anumang revisions.” Saad niya.
“Eh, kayo na pala ng boss ang nag-usap, bakit kailangang andito pa ako!” naiinis kong saad at lumabas na ng silid.
Bumaba nalang ako at pinatigil ang mga gumagawa sa fountain. Pumunta rin ako sa likod para tingnan ang mga gumagawa ng swimming pool.
Pagkatapos ng ilang minute, narinig ko siyang tumikhim. Sumunod pala siya.
“Hey, Daniella! I’m sorry kung nainsulto ka sa mga idinadagdag kong idea but Zach asked me to see this project and if there are some suggestions or revisions I can give.” He said apologetically. Naiintindihan ko naman siya at isa pa boss na ang nagsabi nun kaya lang sana naman ang hinay-hinay siya sa mga revisions niya nakakainsulto kasi.
Niccolo’s POV
Ayoko na sanang gawin pa ang revisions dahil galit na siya kaso iniisip kong mas magugustuhan ni Nicasia ang mga ito. She’s my sister and I know her more than anyone else in the world.
“Don’t tell me pati yang shape ng pool na infinity talagang papapalitan mo ng heart-shape?” saad niya.
Napangiti ako. Talagang papapalitan ko yun dahil sinasabi ni Nicasia sa akin noon na gusto niya ng heart-shape na pool. Sa katunayan, nagdrawing pa siya dati ng ganun nung high school siya.
“Yeah, I know any girl would love it!” tugon ko nalang. She laughed sarcastically.
“Ano bang alam mo sa gusto ng mga babae?!” sarkastikong saad niya.
Napailing nalang ako at hindi na sumagot. I don’t have much time to argue.