Iyong plano namin ni Vlad na kumain ng ice cream ay nagawa naman namin pero sa bandang huli ay ako na iyong kinain. Hindi ko na nga nakumpirma kung totoo ba iyong hinala ko tungkol kay Larah na may kinalaman ito sa nangyari kay Miss Via at doon sa pinakabagong insidente. Sabay na kaming nakatulog ni Vlad dahil sa pagod kaya hindi na kami nakapag-usap pa. Kinabukasan ay nagising akong wala na siya sa tabi ko. Simula no'ng may nangyari sa'min ay nasanay na akong gabi-gabi siyang nakikitulog dito sa kwarto ko o 'di kaya ay sa lighthouse kami natutulog. Pagkatapos kong mag-ayos at maghanda para sa maaari naming lakad ni Vlad sa araw na ito ay dumiretso na ako sa kusina. "Good morning, Chef Carlo," bati ko sa naabutan kong resident chef ng mansion. "Good morning," binati ko rin iyong iban