chapter 36

2075 Words

Pagkarating namin ng Fariol Manor ay may nakaparadang police car sa harapan mismo ng mansion. "May bisita kayong police?" inosenteng tanong ni Larah habang nakatingin sa police car. "Siguro may itatanong lang sila tungkol sa nangyari kanina." Ako na iyong sumagot dahil hindi man lang in-acknowledge ni Vlad ang tanong ni Larah. "Sige, aalis na rin ako dahil tiyak na hinihintay na ako sa bahay," kiming pahayag ni Larah nang huminto sa tabi ng police car ang sinasakyan namin. Mukhang hindi interesado sa tinutukoy kong pangyayari si Larah. May katulad pa pala nitong hindi mahilig mag-usisa! Kahit nga habang nasa byahe ay hindi ito nagtanong kung bakit kami hinabol ng mga reporter at kung bakit may kaguluhan sa lugar na iyon. "Ayaw mong pumasok muna?" bigla ay tanong ni Vlad kay Larah.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD