"Come to me, Lushia," malamig na pahayag ni Vlad. Nanatili siyang nakatayo sa paanan ng hagdanan habang pinapako ako ng matiim niyang titig sa aking kinatatayuan. Sa sinabi niya ay parang naalala ko iyong kwento ni Eva at ng ahas kung saan ay tinutukso ng ahas ang babae upang magkasala . Kanina lang ay may kilabot factor pa iyong biglang paghulagpos ng pagtitimpi ni Vlad pero ngayon ay parang ibang klaseng kilabot na iyong nararamdaman ko. "Vlad, I think we need to talk," bigla ay mahinahong singit ng boses ni Doctor Darren. Bigla akong nakahinga nang maluwag sa biglang pagdating nito. Lagot sa'kin mamaya ang abogadong pasaway na iyon dahil isusumbong ko ito rito sa doktor. Sa napapansin ko kasi ay nas takot pa iyon dito kay Doctor Darren kaysa kay Vlad. "I don't want to listen to yo