bc

Corrupted (Behind Fame and Glamour Series)

book_age18+
3.6K
FOLLOW
28.6K
READ
dark
manipulative
powerful
heir/heiress
bxg
male lead
city
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Kayamanan at kasikatan ang bumubuo sa glamorosong mundo ni Vlad Fariol. Animo'y perpekto pero sa likod nito ay nakakubli ang totoo niyang pagkatao.

Pagkataong uhaw sa bagay na hindi kayang ibigay ng karangyaang nakapaligid sa kanya... na kapag mabibigyang laya ay tuluyang aalipin sa inosenteng si Lushia Medina.

Sino ang mapapasailalim nino? Si Vlad na alipin ng kanyang pangangailangan o si Lushia na naghahanap ng makakapitan?

chap-preview
Free preview
chapter 1 (Lushia)
Nanginginig ang mga kamay ko habang humihigpit ang kapit sa hawak na bouquet. Nakikita ko ang pagbuka ng labi ng pinsan kong si Clara pero hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya maliban na lang doon sa nauna niyang nabanggit na hindi na darating si Arthur. Umugong ang mga bulung-bulungan sa paligid pero wala rin namang kwenta kung bibigyang pansin ko iyon dahil bigla ay naging blangko ang utak ko at walang ibang naging malinaw sa'kin kundi ang dalang balita ni Clara. Hindi na darating si Arthur... sumama na ito sa rating kasintahan sa mismong araw ng kasal namin. Nanlalabo ang mga matang napatingin ako sa harap ng altar na nadedekorasyunan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak. Mula sa kinatatayuan ay nahagip ng tingin ko ang sariling mga magulang habang kinakausap ang pari na siya sanang magkakasal sa'min ngayon ni Arthur. "Lushia, pasensiya ka na, iha. Hindi namin alam na gagawin ito ni Arthur." Nabaling ang tingin ko sa ina ni Arthur na kumakausap sa'kin. Akmang hahawakan nito ang kamay ko pero wala sa sarili akong napaiwas. Muntik na akong bumuway nang humakbang ako paatras mula rito pero maagap akong naalalayan ni Clara. Puno nang pag-unawa ang mga titig sa'kin ng ina ni Arthur. Dapat sana ay hindi na lang ako bumaba ng bridal car pero gusto kong makita ng sarili kong mga mata na walang groom na naghihintay sa'kin sa harap ng altar matapos ang mahigit isang oras na pagkaantala ng kasal namin kaya nandito ako ngayon. Tiniis ko ang mga usap-usapan ng mga bisitang nahuhulaan na ang kahahantungan ng lahat matapos ang isang oras na pagka-late ng groom. Para akong walang ulo habang naglalakad sa aisle dahil sa mga naaawang tinging natatanggap ko mula sa mga bisitang narito. Parang naririnig ko na ang paninisi ng pamilya ko. Sila ang may pinakamalaking inaasahan sa kasalang ito. Gusto nila akong maikasal kay Arthur upang isalba ang papalugi na naming kompanya at nagkataon lang na mahal ko ang lalaki kaya buong-puso akong nagpaubaya sa napagkasunduan. Ako iyong nanatili sa tabi ni Arthur no'ng mga panahong iniwan ito ng dating kasintahan. Ako iyong bumuo sa buhay niya no'ng wasakin siya ng babaeng iyon pero sa bandang huli ay hindi pa rin pala ako sapat. Buong akala ko ay natutunan na niya akong mahalin. Akala ko ay napalitan ko na sa puso niya ang babaeng iyon dahil pumayag siya sa kasalang ito at siya pa mismo ang umasikaso sa lahat. Akala ko lang pala iyon, dahil bumalik lang ang dati niyang kasintahan ay bigla niyang binitiwan ang mga bagay na nasimulan namin. Mabilis niya agad akong nakalimutan maging ang mga pangarap naming buuin dahil lang sa babaeng iyon. "Lushi—" Mabilis kong itinass ang kanang kamay upang patigilin sa pagsasalita si Clara. Ayokong kaawaan nila ako. Kaya ko 'to! Magiging okay ako dahil nasanay na akong laging hindi priority simula pa noong bata ako. Matapang akong humarap sa mga bisita at lumapit sa stand ng microphone. "Everyone, pasensiya na po kayo sa abala pero wala na pong mangyayaring kasalan. Bayad na po ang reservation natin sa Carson's Hotel kaya pwede na po kayong dumiretso doon. Maraming salamat po." Hindi ako pumiyok at lalong hindi ako nautal habang nagsasalita kaya taas-noo akong naglakad paalis at hindi pinansin ang pagtawag sa pangalan ko ng kahit na sino. Pagkalabas ko ng simbahan ay halos 'di ko na maihakbang ang mga binti sa sobrang panginginig. Mabilis kong sinuyod ang paligid sa paghahangad na makakita ng taxi o kahit anong masasakyan na maglalayo sa'kin sa lugar na ito. Wala akong natanaw na taxi pero isang lalaki ang natanaw kong kakapasok pa lamang sa sasakyan nito at mukhang nagbabalak nang umalis. "Lushia!" Narinig ko ang papalapit na boses ni Mommy. Sa tono ng boses nito ay alam kong sermon ang nakaabang sa'kin at wala pa akong lakas upang tanggapin iyon kaya patakbo kong nilapitan ang sasakyang papaalis. Ipinagpapasalamat ko at hindi ini-lock ng may-ari ang pinto kaya mabilis akong nakapasok sa front seat. "Please... get me out from here," nanginginig ang boses kong pagmamakaawa sa taong nadatnan sa loob ng sasakyan. Wala akong nakuhang ekspresyon sa pamilyar na mukha ng lalaki. Ni hindi man lang siya kakitaan nang pagkagulat sa biglaang pagsakay ng isang naka-bridal gown na babae sa kanyang sasakyan. "Please..." muli kong pakiusap nang hindi pa rin siya kumibo at sa halip ay nakatuon lang ang blangkong ekspresyon sa mukha ko. Kung kanina sa loob ng simbahan ay nakaya ko pang pigilin ang emosyon ko ngayon ay nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko. Lalong nanikip ang dibdib ko nang may kumatok sa bintanang nasa gilid ko. Ang galit na mukha ni Daddy ang nalingunan ko at katabi na nito si Mommy na nagtangkang buksan ang pinto sa bahagi ko pero mabuti na lang at mukhang nailock na ito ng lalaking hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa mukha ko. "Who make you cry?" malamig na tanong sa'kin ng may-ari ng sasakyan. Humahagulhol akong bumaling sa kanya habang hindi tumitigil sa pagkatok sa bintana si Daddy. "Lushia, bumaba ka riyan," utos sa'kin ni Mommy. "Huwag mong ipahiya pa lalo ang pamilya natin," segunda ni Daddy. "Please... please... kahit ngayon lang ilayo mo ako rito," humihikbi kong pakiusap ulit sa 'di kilalang lalaki. Sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng emosyon ang mukha niya. Matalim ang tinging sumulyap siya sa mga magulang ko bago pinaandar ang sasakyan. Lalong naging desperado ang mga katok ni Daddy at lumalakas ang tawag ni Mommy sa pangalan ko kaya tinakpan ko ng kamay ang magkabila kong tainga habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Kahit na noong nararamdaman ko ang tuluyang umusad ng sinasakyan namin ay wala akong lakas na mag-angat ng tingin habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Mula sa'king tainga ay bumaba ang mga kamay ko sa tapat ng puso ko kung saan ay para itong dinudukot sa sobrang sakit. Sa araw na ito ay tuluyan kong napagtantong walang happy ending ang isang katulad ko. Akala ko noon ay si Arthur na ang babago sa buhay ko at mag-aalis sa'kin mula sa malupit na buhay kasama ang mga magulang kong walang ibang hinangad kundi ay ang nakabubuti para sa sarili nila at sa nakatatanda kong kapatid. Sa mata nina Mommy at Daddy ay isa lang akong de susi na bagay na pakikinabangan nila sa kahit na anong paraan. Lumaki akong tagasalo ng mga kapalpakan ni Ate Zena. Pinapaako sa'kin bawat eskandalong kinasasangkutan nito dahil hindi pwedeng mabahiran ang magandang reputasyon nito bilang isa sa pinakasikat na teen star ng bansa noon at ngayong lalong namayagpag ang kasikatan nito sa pag-arte ay ako pa rin ang nagsisilbing tagaayos at tagasalo ng mga kontrobesyang napasukan nito. Ilang beses na akong nagsinungaling para kay Ate ayon na rin sa utos ni Mommy at nang nagkaproblema ang kompanya ni Daddy ay bigla silang nagdesisyong ipakasal ako kay Arthur. Ngayong hindi natuloy ang kasal ay tiyak mas pahihirapan pa akong lalo. Tiyak ilang linggo lang at makakahanap na ulit sila ng lalaking kailangan kong pakasalan para sa kapakanan ng negosyo nila. Nabitin ang hikbi ko at ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko nang makitang may nakalahad na bottled water sa harapan ko. Tsaka ko lang napansing nakahinto na ang sinasakyan namin at mula rito ay natatanaw ko ang dalampasigan. Hindi pa ako napadpad sa lugar na ito pero hula ko ay hindi pa rin naman kami lumabas ng syudad. "Tubig... para may mailuha ka pa," pormal na wika ng lalaking nag-abot sa'kin ng bottled water. "Hindi ako nauuhaw," malat ang boses kong tanggi. Masakit na ang lalamunan ko pero ayaw kong uminom. Pakiramdam ko kasi ay tuluyang malulunod ang puso ko kung iinom ako ng tubig. Wala akong narinig na komento mula sa lalaki. Binawi lang nito ang inabot na tubig kaya nagpatuloy ako sa tahimik na pagluha. "Nasasaktan ka ba kaya ka umiiyak?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Hindi ko alam kung anong trip niya at kailangan niya pa magtanong pero kahit tinulungan niya akong makalayo sa simbahan at sa mga magulang ko ay hindi ko obligasyong sagutin bawat katanungan niya. "Nakakamangha talaga ang mga tao. Isipin mo, tuwing nasasaktan ay umiiyak sila. Iyong iba ay sinisira ang sariling buhay tuwing nabibigo." Kung makapagsalita ito ay parang hindi ito tao at hindi naranasang umiyak o nasaktan man lang. "Ano ang pakiramdam nang nasasaktan katulad ng nararamdaman mo ngayon?" Kahit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ay hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Nataon pa yata ako sa taong may sayad! Ang malas ko talaga!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook