Sa kabila nang mga kaganapan bago ang concert ay tagumpay naman itong natapos. Usap-usapan ng mga nanonood ang tungkol sa appearance ni Vlad. Lahat ay pawang papuri at paghanga ang mga naririnig ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang hindi kumalat iyong nangyari kanina na may kinalaman doon sa dalawang fans na gustong magpa-picture. Kinakausap pa si Vlad ni Miss Cruzella at ng ilang mga kilalang tao kaya napagpasyahan kong hintayin na lang siya sa sasakyan. Malapit na ako sa exit ng stadium nang may marinig akong sigaw mula sa direksiyon ng women's comfort room. Iyong ilang mga nakasabayan ko ay agad nagpunta upang makiusyuso. Ilan sa mga ito ay ang mga nakatalagang magliligpit ng mga naiwang kalat pagkatapos ng concert. Nakaalis na karamihan sa mga dumalo at iyong mga nagpapaiwa