Habang nasa daan ay parang tuksong naglalaro sa isip ko ang mga posibleng ginagawa ngayon ni Vlad at ng babaeng kasama nito kaya nakalimutan ko nang magpa-cute kay Isidro. Hindi nga rin ako nakatulog agad pagkauwi ko dahil naging laman naman ngayon ng isipan ko iyong nangyari kaninang encounter sa pagitan namin ni Vlad. Wala namang nangyari talaga pero pakiramdam ko ay meron eh! Hindi naman sa malisyosa akong tao pero nabibigyan ko talaga ng kulay iyong mga kinikilos kanina ni Vlad. Hindi ko na nga naiisip si Arthur nitong mga nakaraan dahil okupado na ni Vlad iyong isip ko. Napagtanto ko na ang bilis palang makalimot kapag busy iyong utak mo sa ibang bagay— ibang tao to be exact! Para ngang ang tagal na no'ng nangyaring pang-iiwan sa'kin ni Arthur. Ang bagong gumugulo ngayon sa isipan