Tulad nga nang nabanggit ni Vlad kaninang umaga ay may lakad nga siya kinagabihan at dahil companion niya ako ay obligado akong sumama. Bodyguard din yata ako dahil kasabayan ko iyong security team niya habang naglalakad kami sa kahabaan ng hallway ng pinakamalaking recording company. Kahit gabi na ay marami pa rin kaming mga nakakasalubong na mga empleyado at lahat ay bumabati kay Vlad. Simpleng ngiti at tango lang ang ibinigay ni Vlad sa mga ito. Kahit napaka-charming niyang tingnan para sa iba ay hindi niya maikakaila sa'kin ang kawalan niya ng interes sa kanyang ginagawa. Pagkarating namin sa recording room ay hindi na pwede iyong security sa loob. Magpapaiwan na lang din sana ako sa waiting area pero hinawakan ni Vlad ang kamay ko kaya walang nagawa iyong mga naroon kundi ay papas