Buong umaga kong pinagsasabihan ang sarili dahil sa pagbibigay ng malisya sa pagtabi sa'kin ni Vlad. May personality disorder iyong tao pero nagawa ko pang pag-isipan nang gano'n. Gusto lang naman niyang makatulog kaya ginawa niya iyon kaya dapat ay mag-move on na ako. Tsaka baka guni-guni ko lang iyong naramdaman kong matigas na sumundot sa'kin kanina bago tuluyang bumangon si Vlad. Wala naman siyang ibang sinabi o ginawa matapos niyang bumangon. Parang walang nangyari lang siyang lumabas ng silid ko. Walang malisya talaga, as in zero! Ako lang yata iyong nagbibigay ng malisya sa mga bagay-bagay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubusang naintindihan na iba si Vlad sa karaniwang lalaki. Pagkatapos kong pagalitan ang sarili at mag-ayos ay tsaka pa ang ako lumabas ng silid. Muntik pa