Kinahapunan ay may hindi inaasahang panauhin ang Fariol Manor. May dumating na mga pulis upang kunin ang pahayag ni Vlad ukol sa nangyari kay Miss Via. Present din iyong mga abogado ni Vlad habang tahimik na nakatayo sa 'di kalayuan ang ilang mga katiwala ng manor na animo naghihintay ng utos mula kay Vlad. Wala akong nababakas na kaba o pagkabahala sa mukha ng mga ito at lamang pa nga ang determinasyon na ipagtanggol ang amo nila sa kahit na anong paraan. May inilabas na subpoena ang mga dumating na pulis. Sa kabila niyon ay kapansin-pansin na nag-aalangan ang mga ito sa harapan ng security team ni Vlad, na animo'y binabantayan bawat kilos nila. Ang lantarang pagpapakita ni Vlad nang kapabilidad o posibilidad ng mga kaya niyang gawin bilang isang Fariol maging sa harapan ng mga alagad n