Kung gaano kabilis dumating ang mga pinsan ni Vlad ay gano'n kabilis umalis ang mga ito. Pagkalabas ko sa opisina ni Vlad ay hindi ko na naabutan iyong tatlo. Wala rin naman akong balak na makipag-usap sa mga ito, ni hindi ko nga inisip na sundan sila pero napansin ko lang iyon. Hindi ko rin kasi maiwasang ma-curious sa dahilan nang bigla nilang pagsulpot. Hindi nga lang ako sure kung umalis na ba sila as in umuwi sa kanila o umalis lang sila ng opisina pero nasa tabi-tabi lang at pinapalipas ang sumpong ng pinsan nila. Maganda sana kung paminsan-minsan ay may mag-iingay rito sa mansion. Ngayon kasi habang naglalakad ako ay sobrang tahimik ng buong paligid at tanging naririnig ko ay ang yabag ng sarili kong mga hakbang. Kung hindi ba naman ganito ang kalimitang intro sa mga horror-susp