Gusto kong tumulala muna matapos kong pirmahan ang lahat ng mga may kinalaman sa kontrata at sa non-disclosure agreement. Nagpaalam na rin iyong doktor at abogado kaya masyado nang huli para pagsisihan iyong nagawa ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari at maging iyong mga pangalan no'ng doktor at abogado ay hindi ko matandaan. "I have a recording session for one of my newest albums tonight, so you can take a break for the entire day." Nabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Vlad. Muntik ko nang makalimutang kasama ko pa pala siya rito dahil nasa opisina niya pa rin ako. Sa sobrang subsob ko sa sariling iniisip ay nakalimutan ko nang um-exit sa dragon den. Bilang isang mabuting empleyado ay tama lang naman ang ginawa kong hintayin muna ang utos ng amo ko— official na amo dahil kak