Kinabukasan ay dumating ang abogado ni Vlad at may kasama itong doktor. Sa opisina ni Vlad dito sa mansion kami nagkaharap-harap, feeling ko ay bigla akong naging akusado kasi wala pang krimen. Ipinaliwanag lang naman sa'kin ng abogado iyong tungkol sa kontrata ng trabaho ko at iyong nondisclosure agreement na kailangan kong pirmahan pero parang nakakakaba ang pagiging seryoso nito. Malinaw ko namang naintindihan iyong iba, maliban lang doon sa nakasaad na kahit na hindi na ako magtatrabaho kay Vlad ay mananatili rito ang loyalty ko. Lifetime ang bisa ng NDA? Ano 'to talo pa ang marriage contract na pwedeng ipa-annul? Pero nang sumali na sa usapan iyong kasamang doktor ng abogado ay para akong itinirik sa kinauupuan ko. Maging iyong paghinga ay pigil na pigil ko. May ilang medical term