"Mr. Vlad Fariol, what a pleasant surprise to find you here!" magiliw na pahayag ng panganay na anak ni Carlos na unang nakabawi sa pagkabigla. Napatayo na rin ito mula sa kinauupuan katabi ang mga kapatid nito at ngayon ay kapwa masayang nakangiti sa direksiyon ni Vlad. Tanging isang mabilis na sulyap lang ang isinukli ni Vlad para sa pagbating ginawa ng anak ni Carlos. "Pardon my behavior earlier, I didn't intend to raise my voice at your... employee," mapagpaumanhin na saad ni Carlos kahit halata ang pagkairita nito sa tinutukoy na tao. Bigla ay para itong maamong tupa sa harapan ni Vlad. "Things just got a bit heated here when he arrived. Hindi agad ako nakapag-isip nang malinaw." Sa halip na humarap sa kumakausap sa kanya ay nanatiling sa'kin nakaharap si Vlad. Pasimpleng naka