chapter 6

2109 Words
Hindi pa nga tuluyang humupa iyong balita tungkol sa hindi ko natuloy na kasal ay napilitan akong dumalo sa isang salo-salo kasama si Mr. Chua at ang pamilya nito. Hindi man ako gano'n kakilala maliban sa pagiging magkapatid namin ng sikat na artistang si Zena Medina ay nagiging headlines pa rin sa ibang pahayagan ang nangyari sa'kin dahil nga prominenteng pangalan ang pamilya ni Arthur. At ngayon, ilang araw pagkatapos ng naudlot kong kasal kay Arthur ay heto ako at kailangang harapin ang pamilya ng susunod kong pakakasalan. Si Mr. Chua o Carlos Chua ay isang mayamang half Chinese businessman na may tatlong mga anak na may sari-sarili na ring pamilya. Magiging pangatlong asawa na ako ni Carlos sa edad nitong sixty-four. Kung ako ang masusunod ay hinding-hindi ko ito pakakasalan kahit na ito na lang iyong nag-iisang lalaki sa mundo. Sa isang sikat na restaurant nagaganap ang napagkasunduang salo-salo pero hindi ko magawang i-appreciate ang lugar. Tanging tumatakbo sa isip ko ay kung papaano ako makaalis sa lugar na ito, palayo sa buhay na pinagpipilitan sa'kin ng mga magulang ko! Habang nasa iisang mesa kasama ng tatlong mga anak ng matandang si Carlos ay ramdam ko ang pagtutol ng mga ito sa pinaplano ng kanilang ama na pakasalan ako. The feeling is mutual pero wala namang may pakialam sa nararamdaman ko sa mga taong nandito. Pare-pareho man kaming ayaw matuloy ang kasal ay pareho rin naman kaming walang magagawa upang pigilin ito. Malinaw na nakikita ng tatlong anak ni Carlos ang totoong habol ng pamilya ko sa kanila pero wala rin sila magagawa upang baguhin ang desisyon ng matanda nilang ama. Iyong ama nilang matanda na nga pero hayok pa rin sa laman. Tuwing napapatingin ito sa'kin ay kinikilabutan ako. Lantaran ang pinapakita nitong pagnanasa. Hindi naman ako kasing ganda ng kapatid ko pero itong matandang ito ay kulang na lang hubaran ako sa pamamagitan ng tingin. Hindi ko na lang pinapahalata iyong kilabot at pandidiri kong nararamdaman. Nagkukunwari na lang ako na hindi ito napapansin. Magkakamatayan muna bago ko hahayaan ang matandang ito na hawakan ako! "Gusto kong ganapin ang kasal sa lalong madaling panahon," pahayag ni Carlos sa gitna ng salo-salo. Napahinto ang akma kong pagsubo pero hindi ako nag-angat ng tingin upang tumingin dito. Ito iyong unang pagkakataon na may nagbukas ng usaping tungkol sa kasal habang kumakain na kami at hindi ko inaasahang sa panig nito magsisimula iyon dahil kung tutuusin ay mas atat ang pamilya ko na mangyari ang bagay na iyon. Mas marami kasing makukuha ang pamilya ko sa kasalang ito kung sakali kumpara sa pamilya Chua. Nahagip ng tingin ko ang makahulugang tinginan ng mga magulang ko at ang masayang kislap sa kanilang mga mata. Naikuyom ko ang kamao nang magtagpo ang tingin namin ni Carlos. Hindi ko maipaliwanag ang matindi kong disgusto sa malisyoso niyang titig. "Paano iyong pangako mo para sa Medina Corporation?" mahinahong tanong ni Daddy. Malinaw na wala itong pakialam kung bukas agad ang kasal basta masiguro lang nito ang ikabubuti ng papalugi naming kompanya. "Hindi pa man matutuyo ang pirma ko sa marriage contract ay matatanggap mo na ang buo kong suporta," pahayag ni Carlos. Mas matanda pa ito kay Daddy kaya hindi katanggap-tanggap na magiging manugang ito ng ama ko. "Dad, hindi ba kayo masyadong nagmamadali?" maingat na tanong ng anak na babae ni Carlos. Kung hindi ako nagkakamali ay ito iyong bunso niya at kasalukuyang nagmamay-ari ng isang rool-onoll-off shipping line na naka-focus sa mga islet sa buong bansa, at ito ang anak na lantaran ang pinapakitang disgusto sa'kin. "The controversy surrounding Lushia's cancelled wedding is still ongoing," dugtong pa nito. Sa paraan nang pagkakabigkas nito sa pangalan ko ay para bang napipilitan lang ito. "It wouldn't be wise to rush into marrying her." Balewalang kinumpas ni Carlos ang kamay nito, indikasyon na wala itong pakialam sa opinyon ng anak. "Pakakasal man kami ni Lushia ngayon, bukas, o sa susunod na taon ay may masabi at masabi pa rin ang ibang tao," pahayag ni Carlos. "Pero mas maigi, Dad, kung hindi na natin gatungan ang sitwasyon—" "Enough!" putol ni Carlos sa pagsasalita ng ikalawang anak na lalaki. "Magpapakasal kami and that's final!" pinal nitong pahayag. Walang nagawa ang tangkang pagpoprotesta ng mga anak nito. Anumang pagtutol na nararamdaman ay sinarili na lamang ng mga ito. Kahit naman may sari-sarili na silang pamilya ay hawak pa rin ng tuso nilang ama ang halos seventy-five percent ng share ng mga pag-aari nila. Alam kong malaki ang kinalaman ng pera sa pag-ayaw nila na muling makasal ang kanilang ama katulad nang iyon din ang dahilan kung bakit para akong binibenta ng sarili kong magulang. "Paano kung ayaw ko," bigla kong nasabi sa gitna ng katahimikang namayani. Sabay-sabay na dumako sa'kin ang tingin ng lahat. Kakikitaan ng pagkaalarma ang mukha ng mga magulang ko na mabilis ding napalitan ng pagbabanta habang matalim na nakatingin sa'kin. "Lushia, I understand that you may still be affected by the events surrounding your wedding with Arthur," mahinahong wika ni Carlos . Kung bulag lang ako at hindi nakikita ang mga panakaw niyang tingin na nagpapatayo sa balahibo ko ay iisipin ko talagang mabuti siyang tao. Pero wala naman sigurong mabuting tao na pinagpipilitan ang sariling ikasal sa babaeng halos anak na niya at umabot pa sa puntong maging ang mga magulang ko ay sinilaw niya sa pera. "I want to assure you that such a situation will not be repeated," pagpapatuloy pa niya. "I am fully committed to standing by your side, waiting for you at the altar, in stark contrast to what that useless bastard did to you." Kahit ano pang sabihin niya ay hindi niya kayang pantayan si Arthur sa kabila ng ginawa ng huli sa'kin. Hamak namang mas mabuting tao kaysa kanya si Arthur kahit na hindi ito sumipot sa kasal namin. Nagkataon lang talaga na sa kwento ng buhay-pag-ibig nito ay ako iyong second lead at hindi ang bida. Ang tanging kasalanan ni Arthur ang nagmahal lang ito at sinunod nito ang dikta ng sariling puso kahit na may masasaktan pang iba. Kung ako ang nasa katayuan ni Arthur ay iyon din naman ang gagawin ko. "Ayokong makasal sa'yo dahil hindi kita gusto," diretso kong wika. Narinig ko ang pagkalansing ng kubyertos na nabitiwan ni Ate Zena. Kahit hindi ako tumitingin sa direksiyon ng nga magulang ko ay damang-dama ko matalim nilang tingin sa'kin. "We're not getting married because you have feelings for me or whatsoever," hindi tumitinag na tugon ni Carlos. Hindi man lang ito kakitaan ng kahit konting pagdadalawang-isip sa binabalak na pagpapakasal sa'kin. "We're getting married because your family needs my money and I want you!" walang gatol niyang dagdag. Sa tono pa lang nito ay malinaw na kahit ano pang sasabihin ko laban sa mangyayaring kasalan ay determinado itong matutuloy ang kasal sa ayaw at sa gusto ko. Kuyom ang kamao na marahas akong napatayo. Hindi man ako gano'n katapang na ipaglaban ang sarili kong kagustuhan pero minsan ay sinasaniban din ako ng lakas ng loob tulad ngayon. "Lushia, sit down," maawtoridad na utos sa'kin ni Daddy. "Stop causing embarrassment to our side in the presence of your future husband's family!" "Bakit, Dad? May natitira pa bang kahihiyan sa pamilya natin?" matigas kong tanong. "Sa kanila ka pa talaga nahihiya?" Sarkastiko kong iminuwestra ang direksiyon ni Carlos at ng mga anak nito. "Lushia," may pagbabantang usal ni Mommy sa pangalan ko. "Ako naman iyong ikakasal kaya hayaan ni'yo na akong maglabas ng opinyon ko!" matapang kong pahayag. "Hindi lang din naman ako iyong ayaw sa kasalang ito!" Makahulugan kong tinapunan ng tingin ang panig ng mga anak ni Carlos. Pare-parehong hindi nagpapakita ng emosyon ang mga ito habang nakatingin sa'kin. "Lushia, tumigil ka na," mariing singit ni Ate Zena. "Or what?" marahas kong tanong dito. "Hindi mo ba nakikita, Ate? Masisira na ang buhay ko! Ano pa ba ang ikakatakot ko?" naghehestirikal kong dagdag. "Perhaps we should all head home," bigla ay pahayag ng panganay na anak ni Carlos. "Resolve your family matters in the confines of your own home instead of involuntarily dragging our family into this!" "Magiging pamilya na tayo kaya damay na talaga kayo!" hindi nagpapaawat kong tugon. "Mapahiya na tayong lahat! Alangan namang ako lang dahil ako iyong magpapakasal sa matandang mayaman ninyong ama!" "How dare you!" sikmat sa'kin ng bunsong anak ni Carlos na babae. Kung tama ang pagkaalala ko ay Ciara ang pangalan nito. Nakakatawa lang na kahit bunso ito ay mas matanda pa ito sa akin ng halos pitong taon. "Pamilya mo ang makikinabang sa pamilya ko kaya wala kang karapatang pagsalitaan nang ganyan ang ama ko!" Tumayo na ito at mataray akong hinarap. "Bakit? Totoo namang matanda na ang ama mo!" walang takot kong sagot dito. "At tama ka, pamilya ko ang nakikinabang. Pamilya ko at hindi ako!" Bago pa makahuma ang lahat ay isang sampal ang tumama sa pisngi ko na nagpabiling sa sa'king mukha. Dama ko iyong pisikal na sakit pero mas ramdam ko iyong sakit sa kalooban ko dahil ang mismong ama ko pa talaga ang gumawa niyon sa'kin. "Sumusobra ka na!" Hindi pa nagkasya sa pagsampal sa'kin si Daddy at marahas pa nitong hinaklit ang braso ko. "Umuwi na tayo," wika ni Ate Zena. "I cannot risk another scandal that might affect my reputation." "Sa bahay tayo mag-uusap," mariing sabi sa'kin ni Daddy. Akmang hihilain niya ako paalis pero nagmatigas ako at pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak niya. "What?" pagalit niyang singhal sa'kin habang hindi ako binibitiwan. "Hindi ako sasama sa inyo," matigas kong sagot. "At saan ka pupunta?" galit na tanong ni Mommy. "Tumigil ka na, Lushia! Punung-puno na kami sa kahihiyang dala mo sa pamilyang ito!" "Eh, 'di huwag ni'yo na akong ituring na pamilya!" malakas ang loob kong hamon. "Hindi ko na kayang maging sunud-sunuran sa inyo!" Kahit hindi ako sigurado kung tama ba itong desisyon ko ay buo na ang pasya kong hindi pakakasal sa matandang si Carlos. "Wala ka talagang utang na loob!" nagtatagis ang bagang na wika ni Daddy. Lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko pero hindi ko pinapakitang nasasaktan ako. Hindi nito pwedeng malaman na nagtapang-tapangan lang ako pero sa loob-loob ko ay takot na takot ako. "Carlos, matatanggap mo pa ba ang ganitong pag-uugali nitong mapapangasawa mo?" baling ni Daddy kay Carlos. Kumabog iyong puso ko. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ng ama ko at bakit nagtatanong ito nang gano'n. "Nothing can change my mind, Marcus," sagot nito kay Daddy. "Then, she's all yours." Marahas akong itinulak ni Daddy papunta kay Carlos. Buong akala ko ay babagsak ako sa kandungan ng matanda pero bigla ay dalawang matitipunong braso ang sumalo sa'kin at inilalayan akong maibalik ang balanse ko at makatayo nang maayos. Isang hindi ko kilalang lalaki ang may-ari ng mga brasong nagligtas sa'kin. Naka-reserve ang buong restaurant na ito para sa amin kaya hindi ko alam kung papaanong may ibang tao ngayong nandito kasama namin. Halatang hindi lang ako ang nagulat sa presensya nito kundi pati na rin ang pamilya ko at pamilya ni Carlos. "Hindi kami tumawag ng waiter," mariing kausap ni Carlos sa bagong dating. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Carlos ang gano'ng ideya dahil hindi mukhang waiter ang bagong dating. Hindi naman tinapunan ng tingin ng lalaki si Carlos sa halip ay pasimple nitong siniguro na okay na ako bago ako marahang pinakawalan. "Sino ka?" mataray na tanong ni Ate Zena. "The entire place is supposed to be closed temporarily for our exclusive use, so pray tell, why on earth did the management allow you to be here? Are you working here?" Hindi nagsalita ang lalaki o nagpakita man lang ng indikasyong naririnig ang mga tanong para sa kanya. Nanatili lang itong nakatayo sa tabi ko na parang walang emosyong tagabantay. "Sumagot ka bago kita ipapakaladkad sa mga tauhan ko!" bulyaw rito ni Carlos. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa katabi ko. "No need to do that. He's only doing his job." Sabay-sabay kaming napalingon sa taong kalmadong nagsalita. Rinig na rinig ko ang hindi makapaniwalang singhapan ng mga kasama ko nang makilala kung sino ito. Maging ako ay parang itinulos sa kinatatayuan habang hindi maalis-alis ang tingin sa papalapit na si Vlad Fariol. "I randomly dropped by for a moment when I saw someone I recognized," muling pahayag ni Vlad nang huminto ito sa mismong harapan ko. " We meet again, jilted bride." Napabuga ako nang marahas na hangin dahil sa sunod nitong sinabi habang tila ba may nakakaaliw sa kasalukuyang nangyayari. Ewan ko lang kung matutuwa pa ba siya kapag malaman niyang target siya ng kapatid ko na mapapangasawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD