chapter 5

1526 Words
Hinatid ako sa mismong bahay namin ni Isidro. Buong byahe ay wala kaming imikan pagkatapos niya akong tanungin kung saan ako magpapahatid. Laman ng isipan ko buong byahe ang maaari kong maabutan pagkauwi ng bahay kaya hindi ko na nabigyang pansin ang kasama sa loob ng sasakyan. Hindi ko rin maiwasang isipin si Arthur. Iniisip ko kung inaalala niya ba ako ngayon pagkatapos ng ginawa niya. Hindi ko na matandaan kung nakapagpasalamat ba ako kay Isidro pagkababa ko ng sasakyan kanina dahil gulong-gulo na ang isip ko hindi pa man ako nakapasok ng bahay namin. At tulad nga ng inaasahan ko ay galit na galit si Daddy at Mommy na nadatnan kong naghihintay sa'kin. "Where have you been?" pabulyaw na salubong sa'kin ni Daddy pagkapasok na pagkapasok ko ng main door. Napatayo pa ito mula sa kinauuupuan habang galit na nakaharap sa'kin. Katabi nito si Mommy na lantaran din iyong disgusto sa mukha. Pasimple kong tinapunan ng tingin si Ate Zena na nasa katapat na upuan ng mga ito. Tila ay nababagot ito habang nakatingin sa'kin. Nahahagip din ng tingin ko ang manager nito kasama PR team at tiyak na ginagawan na ng mga ito ng paraan kung papaano iligtas ang imahe ni Ate at hindi maaapektuhan ng nangyari sa'kin. Gusto kong intindihin ang pag-aalala nila para sa career ni Ate pero nagrerebelde pa rin iyong kalooban ko dahil ako iyong dumadanas ngayon ng kabiguan kaya hindi ba pwedeng ako muna? "Lushia, I'm asking you!" Nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa muling pagbulyaw ni Daddy. "Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!" galit na segunda ni Mommy. "Ipaliwanag mo kung papaanong nangyari ang lahat ng ito!" nanggagalaiti nitong dagdag. "Mommy, nandoon naman po kayo, 'di ba?" mapakla kong tanong sa kanya. Bakit ko pa kasi kailangang magpaliwanag gayong alam naman niya ang nangyari. Ako nga dapat iyong nangangailangan ng paliwanag pero ayoko nang masaktan pa lalo dahil malinaw na ayaw sa'kin ni Arthur kaya hindi ito sumipot sa kasal namin. "Ang galing mong sumagot pero isang simpleng bagay lang ay hindi mo magawa-gawa nang tama!" galit na sabi ni Mommy. "Napakalaking kahihiyan sa pamilya natin ang nangyari ito! Maaapektuhan ang Ate mo! Ano na lang sasabihin ng ibang tao? You're really worthless!" "Ito na nga lang ang inaasahan naming maitutulong mo sa pamilya natin ay hindi mo pa nagawa!" segunda ni Daddy. "Paano na nito ang kompanya natin? Bigla ay wala na tayong aasahang tulong mula sa pamilya ni Arthur at dahil lahat iyon sa kawalan mo ng silbi!" Sanay na naman akong laging napagsasabihin at nakakatanggap ng mga masasakit na salita mula sa mga magulang ko pero hindi ako bato upang hindi masaktan. Sa ganitong mga pagkakataon ay hindi ko maiwasang mapatanong sa'king sarili kung anak ba ang tingin nila sa'kin o isang bagay na pwede nilang pakinabangan. "Hindi na kayang maghintay pa ng kompanya kaya sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong pakasalan ni Mr. Chua!" "No, ayoko—" "Hindi ko hiningi ang permiso mo!" putol ni Mommy sa akma kong pagtanggi. "Siya naman talaga dapat ang papakasalan mo pero dahil mas makakabuti sa imahe natin si Arthur ay ito ang pinili namin which is a very wrong move dahil ang tanga-tanga mo kasi at pinakawalan mo pa ito!" "Pero ayoko po kay Mr. Chua," giit ko. "Wala kaming pakialam sa ayaw at sa gusto mo," asik ni Daddy sa'kin. "Magpapakasal ka kay Mr. Chua and that's final!" "Pwede po bang kahit ngayon lang ay pakinggan ni'yo naman ako!" Hindi ko na talaga napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa galit. Ayoko talagang makasal sa isang lalaking halos triple ang edad sa'kin. "Anong karapatan mo upang pagtaasan kami ng boses?" galit na tanong ni Mama. "Mga magulang mo kami baka nakakalimutan mo!" "Kaya nga po," puno ng hinanakit kong tugon. "Dapat kayo iyong mas nakakaintindi sa nararamdaman ko ngayon!" "Iyong nararamdaman ba namin ay naiintindihan mo?" sumbat sa'kin ni Mommy. "Iyong kahihiyang sinapit namin sa araw na ito ay inintindi mo ba?" Puno ng frustrations akong napabuga ng hangin bago mapaklang napapalatak. "Mas inuuna ni'yo pang isipin ang kahihiyan kaysa nararamdaman ko," naiiling kong usal. Nag-iinit na naman iyong sulok ng mga mata ko. "Kung ano man iyang nararamdaman mo ay lilipas din iyan," paismid na pahayag ni Mommy. "Magdadrama ka ngayon? Dapat no'ng una pa lang ay siniguro mo nang hindi ka iiwan ni Arthur kaysa mag-inarte ka sa nararamdaman mo! Kasalan mo naman iyan." Oo, tama si Mommy, kasalanan ko kung bakit hindi ako iyong pinili. Umasa pa kasi ako eh! "Upang makabawi tayo sa nangyaring ito ay dapat na maikasal ka agad kay Mr. Chua," pinal na pahayag ni Daddy. "Ano na lang ang sasabihin ng iba kung agad-agad akong magpapakasal sa matandang milyonaryo matapos hindi matuloy ang nauna kong kasal?" Kung may pinakaimportante sa mga magulang ko ay ang sasabihin ng ibang tao sa kanila kaya umaasa akong magagamit ko iyon para maantala ang anumang binabalak nila habang nag-iisip ako ng paraan upang tuluyang matakasan ang gusto nilang mangyari. "Kung may masabi man sila ay hindi niyon mababago ang katotohanang isang milyonaryo ang pinakasalan mo," malamig na tugon ni Daddy. "Pagkatapos ng nangyaring eskandalo ay ipapalabas natin na hindi ka napariwara bagkus ay napunta ka sa mas mabuting mga kamay. Sa pagpapakasal kay Mr. Chua ay maisasalba ang sarili mong reputasyon at ang kahihiyan ng pamilya natin." "Dapat na palang ipagmalaki ngayon ang pagiging oportunista ng pamilya natin?" nang-iinsulto kong tanong. "Watch your mouth, Lushia!" mariing bulyaw sa'kin ni Papa. Puno nang pagbabanta ang pinukol nitong tingin sa'kin pero naubos na ang pagtitimpi ko upang makinig at mag-isip ng mga dapat kong sasabihin. Tuluyan nang umiral ang galit at pagrerebelde sa loob ko. "Totoo naman! Gusto ni'yong maisalba ang sarili ni'yong kompanya sa pamamagitan nang pagpapakasal sa'kin sa kung sino-sinong pwedeng makatulong sa inyo! Kung hindi pagiging oportunista ang tawag doon ay hindi ko na alam!" galit na galit kong wika. "Lushia, wala kang karapatang magreklamo at sumagot nang ganyan sa mga magulang natin!" galit na singit ni Ate Zena. "Tama," sarkastiko kong tugon. "Magulang natin sila at anak ka rin nila kaya bakit kaya hindi ikaw ang ipakasal nila sa isang matandang mayaman na maaaring magsalba sa kompanya nila!" Binigyang diin ko pa iyong salitang anak. "Sa tingin mo ay nababagay sa'kin ang mga ganyang level?" maarte nitong tanong. "I'm going to marry someone richer and suitable for me. Pasalamat ka pa nga at kahit ganyan ka ay may gusto pa ring magpakasal sa'yo na mapera," mapanuya nitong dagdag. Kung makatingin ito sa'kin ay para bang napakababa ko kumpara sa kanya. Magkapatid naman kami pero bakit kung umasta ito ay parang alalay lang ang tingin nito sa'kin. Siguro ay nakasanayan na nitong ako iyong PA niya kaya isinabuhay niya na talaga ang papel kong iyon simula pa noong naging artista siya. "Makinig ka sa kapatid mo," atribidang payo sa'kin ni Mommy. "Hindi ka namin maaasahan na makapag-asawa nang matino kapag hindi kami makialam. Kung hahayaan ka lang namin ay tiyak na kung sino-sino lang ang mapupulot mo riyan." Marahas akong napabuga ng hangin habang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Hindi ni'yo ba makakayang iligtas ang kompanya nang hindi ni'yo na ako kailangang ipagtulakang makasal?" mapakla kong tanong. "Bakit, may dalawang daang milyon ka ba upang maisalba ang kompaya?" matigas na balik-tanong ni Daddy. Naikuyom ko ang kamao habang nakipagtagisan ng tingin sa kanya. "Paano nga ba tayo nagkaroon ng problemang ganyan?" nanghahamon kong tanong. "Bakit hindi si Ate Zena ang hingan mo ng ganyang halaga tutal ay iyong lifestyle niya naman ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nalagay sa sitwasyong ito." "Are you implying na ako ang rason ng pagkalugi ng negosyo natin?" mataray na tanong ni Ate Zena. "Baka nakalimutan mong kumikita rin ako kaya deserve ko ang mga luhong meron ako!" "Kaya bang tustusan ng kita mo ang mga luhong meron ka?" sumbat ko sa kanya. "Minamasama mo ang mga bagay na kusang ibinigay sa'kin ng mga magulang natin?" nang-uuyam niyang balik-tanong sa'kin. "Investment ang tawag doon! Kailangan ko ang mga bagay na iyon upang makakuha ng atensiyon at magiging angat sa iba para magkaroon ako ng mas malaking oportunidad na makapag-asawa ng mayaman." "At lahat ng iyon ay worth it oras na si Vlad Fariol ang magiging asawa ng kapatid mo kaya wala kang karapatang kuwestiyunin ang mga bagay na naibigay namin sa kanya!" segunda ni Mommy. Bigla akong napatawa nang tumino sa'kin ang pangalang binanggit nito. Alam kong pasimpleng gold digger ang pamilya ko pero hindi ko lubos akalaing isang Fariol ang target nila at mismong si Vlad Fariol. Parang nakikinita ko na ang blangkong ekspresyon ni Vlad habang kakitaan ng matinding disapproval sa mukha. Sa tantiya ko ay magbubuga muna ng totoong apoy ang Dragon Fountain bago magkaroon ng katuparan ang ilusyon nitong kapatid ko at ina. "Well, good luck sa inyo," puno ng sarkasmo kong usal bago sila tinalikuran pero hindi ibig sabihin nito ay pumapayag na ako sa kagustuhan nilang magpakasal ako kay Mr. Chua. Kailangan kong mag-isip ng paraan upang makahanap ng dalawang daang milyon upang mapigilan ang nakabinbin kong kasal sa matandang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD