GLAIZA
"Fan service?" takang tanong ko sa handler ko. Bakit kailangang mag-fan service? Pwede namang hindi diba? Hindi na naman uso yung mga ganyan ngayon. Bakit si John Loyd at Bea, wala namang ganyan? Bakit kami ni Rhian Ramos, kailangan? Hay.
"Habang umeere lang naman yung TRMD 'te. After non, wala na ulit. Parang pagpromote din 'to ng show nyo." sabi pa nito habang nasa byahe kami papunta sa huling location. Kailangan daw kasing ulitin yung rooftop scenes. Tapos na kami ni Ate Yan dito eh. Pero dahil pinalitan nga sya, back to zero na naman. Hay.
"So sinasabi mo na makipaglandian ako kay Rhian sa social media, ganun ba yon?" nakataas ang kilay na tanong ko.
Ang totoo nyan, pangarap ko naman talagang makipaglandian sa ex ko noon sa twitter and IG kaso bawal nga daw dahil madami daw syang followers at ayaw daw nyang may masabi silang masama sa kanya. Yung mga pics nga namin together, ayun, tagong-tago. Bawal daw talagang ilabas. Ni hindi ko nga na-feel na naging kami talaga eh. Mas sweet pa sya sa mga kaibigan nya kesa sa akin.
At eto nga, ngayong may pagkakataon na akong makipag-'landian' sa social media, dun naman sa taong ayaw ko. Buhay nga naman o. Hay.
"Well, hindi naman totally landian. Magsasagutan lang kayo sa twitter, ganun, sweet-sweetan. Para kiligin yung fans. At para mas ma-hook sila sa loveteam nyo." paliwanag pa nya.
"Kailangan ba talaga yan?" ayoko talaga eh. Hay.
Sunud-sunod naman itong tumango.
"Fine. Para sa show." wala na rin naman akong magagawa diba? Bakit ko pa sasayangin yung oras ko sa pakikipagtalo.
**
"Jade!" tawag ko sa pangalan nya nung makita ko sya sa rooftop.
Unti-unti naman syang humarap sa akin.
"See? Kaya ko nang tumayo dito kahit wala ka." nakangiting sabi nya.
Pero hindi ko pinansin yung sinabi nya. Unti-unti akong lumapit sa kanya.
"Ano yung sinabi ulit mo kanina?"
Unti-unti namang nagbago yung ekpresyon ng mukha nya. Nakita ko na parang maiiyak na sya.
"Natatakot ako. Dahil magkatulad lang pala kami ni Paul." naiiyak na sabi pa nya.
"Ano'ng pinangsasabi mo?" tanong ko nung makalapit na ako sa kanya.
"I'm scared of loving you. But I do." biglang parang may kumurot sa puso ko dahil hindi si Rhian yung nakikita ko sa harap ko. Bakit si Anne? Bakit si Anne yung nasa harap ko? Bakit ba kasi magkamukha silang dalawa eh. Pati yung way ng pagsasalita nila. Oh Gods Cha, magfocus ka. Si Jade yan, eksena nila Althea at Jade yan at hindi sa inyong dalawa ni Anne Curtis! And for god's sake, si Rhian Ramos ang kaeksena mo ngayon!
"I'm so scared of you Althea, natatakot ako kasi, kasi ikaw pa lang yung minahal ko ng ganito. And I'm dead scared of this world that I'm about to enter dahil mahal kita but I have no choice. I have no choice dahil hindi ko kayang magpakasal kay David, hindi ko kaya, dahil hindi ko kayang mawala ka." f*ck! Hindi talaga si Rhian o si Jade yung nakikita ko ngayon.
"Then don't lose me." hindi ko alam pero parang bumalik sa ala-ala ko yung time na nagmamakaawa ako kay Anne. Nung nagmamakaawa ako na wag nya akong iwanan.
Wala sa sariling hinawakan ko yung pisngi ni Rhian. Shocks, naiiyak na talaga ako. Buti na lang, buti na lang kailangan ko talagang umiyak sa eksena.
"Love me. Accept me. Find me worthy of your love because I'm darn worth it. I'm a good person, I'm worth it. And it doesn't matter kung ano ka, kung ano 'ko, kung ano tayo. The fact is mas worthless kung wala ka. Hindi ko kayang mawala ka." naiiyak pang sabi ko habang nakadikit yung noo ko sa noo nya. Bakit ganon? Akala ko wala na? Bakit parang may nararamdaman pa akong sakit?
Hindi ko alam pero bigla ko na lang niyakap si Rhian. Siguro para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Yung sakit na idinulot ng kaibigan nya sa akin.
"And cut! Good take!" narinig kong sabi ni Direk pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin kayang humiwalay kay Rhian. Hindi ko alam kung bakit naiiyak pa rin ako hanggang ngayon.
At tila naramdaman nya kung ano man yung nararamdaman ko ngayon kaya mas niyakap nya ako ng mahigpit.
"Shhhh, tahan na. I'm here Glaiza. I'm here." narinig kong bulong nya kaya mas lalo akong napayakap sa kanya.
Mga ilang sandali pa kaming magkayakap bago ako tuluyang mahimasmasan.
Nahihiyang humiwalay naman ako agad sa kanya.
"Are you okay now?" nag-aalalang tanong nya sa akin.
Nahihiya naman akong tumango. Ngumiti naman sya bago umalis sa harap ko. Akala ko iniwan na nya talaga ako pero nagulat ako nang bumalik sya na may dalang bottled water.
"Here. Inom ka muna." nakangiti pa rin nyang sabi.
"Salamat." sabi ko naman pagkaabot nung tubig.
"S-sige. I have to go. Aayusin ko pa yung mga gamit ko. Tapos sunod na lang ako sa inyo sa condo ni Chynna ha? Malapit lang naman yung unit ko sa unit nya eh." nakangiti pa ring sabi nya.
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. And sigurado ako na hindi yon plastik na ngiti. Sa kauna-unahang pagkakataon, binigyan ko ng totoong ngiti ang isang Rhian Ramos.
***
"Oy teka teka! Nasaan na daw si Rhian? Bakit di pa sya sumabay sa atin?" tanong ni Chynna habang inaayos yung mga binili naming food kanina. Nandito na kasi kami ngayon sa condo nya.
"Sabi nya, susunod na lang daw sya. Malapit lang naman daw yung unit nya dito." sagot ko naman sa kanya.
Nagulat ako nang bigla silang napatigil lahat sa ginagawa nila at tumingin sa akin.
"Sinabi nya sa'yo?" takang tanong pa ni Katrina.
"Uh, oo? Kaya ko nga sinabi sa inyo diba? Sinabi nya after nung scene namin sa rooftop." parang bale-wala namang sagot ko ulit.
Pero bigla akong napangiti nung naalala ko yung nangyari kanina. May kabutihan din naman pala si Rhian Ramos eh.
"Ayun naman. Nawala lang tayo saglit, nagkamoment na sila sa rooftop. Mga galawang Althea eh no?" sabay ngiti pa ng nakakaloko si Chynna.
"Tse! Ang lumot ng utak mo! Sinabi nya lang dahil kami yung huling magkaeksena no! At isa pa, sabi nyo diba, kaibiganin ko sya? Eto na, inaayos ko na yung pakikitungo sa kanya." sabay bato ko ng unan sa kanya.
"Eh bakit ganun yung ngiti mo?" tanong naman ni Sheena.
Tsk. Ano ba naman 'tong mga 'to kung makatanong. Parang mga reporters lang eh.
"Ay, masama na bang ngumiti ngayon, ha, Halili?" sabay irap ko naman sa kanya.
"Pero iba yung ngiti mo eh. Parang may ano, uh, spark?" bigla ko namang binatukan si Mike dahil sa sinabi nya. Isa pa 'to.
"Eh kung kayo kayang apat yung kinukuryente ko dyan?" inis na tanong ko sa kanila.
"Asus. Binata na si Cha. Bumabaluktot na kay Rhian." tukso pa ni Chynna.
"Ang sarap tuloy kumanta ng 'The moment we met, I just couldn't explain, I find myself drawn to you naturally, When I saw your eyes everything changed, And somehow I knew
you were different from the rest'" with matching pikit pa na kanta ni Sheena. Tsk. Mga adik talaga.
Natigil lang yung panghaharot nila sa akin nung biglang may nagdoorbell.
Napataas yung kilay ko nang walang lumapit sa kanila sa may pinto. Biglang may kanya-kanya silang ginawa at parang patay-malisya sa kanina pa tunog ng tunog na doorbell.
"Pakibuksan Cha." narinig ko pang sabi ni Chynna na halatang pinipigilan yung tawa.
At dahil sigurado ako na wala naman talaga silang planong buksan yung pinto, ako na lang yung tumayo.
"Hi." nakangiting sabi nya matapos ko syang pagbuksan.
"Hello." sabay smile ko rin sa kanya. Ano yan Cha, hala ka, pangalawa na yan. "Ay, pasok ka pala." sabi ko nang mapansing nakatingin lang sya sa akin habang nakatayo. Ano ba namang klaseng tingin yan Rhian. Wag ganyan please?
"Thanks." sabi nya at nauna na syang pumasok. Nakahinga naman ako ng maluwag. Jusko talaga. Ibang klase talaga yung babaeng 'to.
"O Cha, ang tagal mo atang magsara ng pinto? Akala ko hinimatay ka na don dahil nagsmile sa'yo si Rhian eh." tukso ni Chynna nung lumapit ako sa kanila. Siraulo talaga o.
Agad ko naman syang sinamaan ng tingin. At biglang napataas yung kilay ko dahil paglingon ko kay Rhian, nakangiti din sya habang nakatingin sa akin.
"At bakit ka nakangiti dyan?" tanong ko pa sa kanya.
"I'm not smiling." sabi nya sabay takip ng kamay nya labi nya.
"Oo nga Yon, wag kang magsmile kasi baka biglang mahimatay sa harap natin 'tong si Cha." si Sheena.
Inis na binato ko naman sya ng unang bagay na nahawakan ko.
"Aray ko naman. Bakit sa kanila kanina, unan lang, sa akin talaga magazine?" reklamo nya.
"Hay nako, bago kayo mag-away dyan, Shee, Kat, Mike, samahan nyo ako dun sa may mesa at hindi pa tapos yung pag-aayos nung food." sabi ni Chynna sabay hila sa tatlo sa may dining area.
Tatayo din sana ako para sumama sa kanila pero bigla nila akong pinigilan.
"Dyan ka na lang Cha. Samahan mo si Yon. Nakakahiya naman kung iiwan natin syang mag-isa dyan." kaya eto, nakaupo pa rin ako ngayon sa tabi ni Rhian.
Cha, kausapin mo na. Kailangan nyo 'to para sa show. Tandaan mo, iba sya, iba si Anne.
"Uh--"
"So--" halos magkasabay naming sabi kaya natawa kami pareho.
"Sige na, ikaw na." nakangiting sabi ko sa kanya.
"No. Nauna ka diba, so shoot." ngumiti din sya sa akin.
"Uhm, gusto ko lang ulit sanang magpasalamat sa'yo kanina. Hindi mo alam kung papa'no mo napagaan yung nararamdaman ko." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Sus, wala yon. Lakas ka sa'kin eh." sabi pa nya sabay kindat na naman.
"And sorry din pala dun sa mga inasal ko sa'yo ha. I'm really really sorry Rhian."
"Hindi ko alam kung bakit ang aloof mo sa akin and kung bakit ka nagsusungit pero sabi ko nga, malakas ka sa akin so okay lang. Basta sana, sa susunod, hindi mo na ako susungitan ng ganon ha? Hindi ko kasi maisip kung may kasalanan ba ako sa'yo noon or sadyang ayaw mo lang talaga sa akin." natatawang sabi pa nya.
"Well, siguro nung una, ayoko talaga sa'yo. At hindi ko rin talaga alam kung bakit. Pero sabi nga nila, pwede namang mabago yung tingin mo sa isang tao diba?"
"So, yung sinabi mo sa elevator, may possibility din ba na magbago yon?" tukso nya sa akin.
Hinampas ko naman sya ng mahina sa braso.
"Wag mo na kasing ipaalala yon. Mas lalo lang akong nahihiya eh." nakasimangot na sabi ko sa kanya.
"Fine. But I do hope na magbago talaga yon." at ayun na naman yung mga titig nya na 'yon. Jusko ka talagang bata ka o!
"Rhian Ramos ha!" banta ko sa kanya.
"Kidding. Natutuwa lang ako kasi hindi mo na ako sinusungitan ngayon. And btw, just call me Yoyon." nakangiting sabi nya.
"Cha." sabi ko naman.
"Ha?"
"Tawagin mo na rin akong Cha tutal friends na naman tayo." bigla namang nagliwanag yung itsura nya dun sa sinabi ko.
"Ano ulit?"
"Tawagin mo akong--"
"No, not that. Yung after non."
Napangiti naman ako sa kanya.
"Friends?" sabi ko sabay abot ng kamay ko.
Nagulat ako nang bigla nya akong yakapin ng mahigpit.
"Friends, Cha. Friends. And thank you." sabi pa nya habang nakayakap sa akin.
"Hoy, kayong apat dyan, alam kong kanina pa kayo nakikinig so lumapit kayo dito para makapag-group hug tayo." natatawang sabi ko nung makita kong nakasilip sila Chynna.
Tuwang-tuwa naman silang lumapit sa amin at yumakap sa amin ni Rhian.
Paglingon ko kay Rhian, nakatingin lang din sya sa akin habang nakangiti.
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti din.
Well, hindi naman siguro masamang maging magkaibigan kaming dalawa diba? Para sa show at para sa ibang friends namin.
At isa pa, hanggang friends lang naman 'to eh. No more, no less.