Chapter 1
GLAIZA
"Bai, if ever na hindi ko maituloy 'tong project natin na 'to at kakailanganin na humanap ng kapalit ko, sino yung gugustuhin mong maging partner?" bigla naman akong napalingon kay Ate Yanyan dahil sa tanong nya.
Nandito kaming dalawa ngayon sa tent at hinihintay na tawagin kami nila Direk para makuhanan na yung mga eksena namin.
Nagulat si Ate Yan nang bigla akong tumawa ng malakas. Grabe naman kasi, alam ko naman na joke lang yung tanong nya. Hello, ilang araw na lang, magsstart na yung airing ng The Rich Man's Daughter no! At isa pa, alam na ng lahat na kaming dalawa yung bida dito. Kaya sigurado ako na pinagttripan lang ako nitong si Bai.
"Ano yang catch nyang joke na yan Bai?" natatawa pa rin na tanong ko.
Pero unti-unting nawala yung ngiti ko nung napansin ko na derecho lang syang nakatingin sa akin at hindi man lang ngumiti. Hala. Seryoso nga sya dun sa tanong nya kanina? Iiwanan nya ako? Iiwanan nya yung show?
"S-seryoso ba yan Bai?" kinakabahang tanong ko. Ewan ko ba. Para kasing hindi ako kumportable kung hindi sya yung magiging partner ko dito. At isa pa, sya lang yung pwede kong maging ka-loveteam na alam kong hindi ako maiilang na magkaroon ng intimate scenes.
"Bai, sa'yo ko 'to unang sasabihin dahil ikaw yung partner ko dito." mahinang sabi nya. "I'm pregnant. Magiging mommy na ako Bai!" mahina pa rin pero nakangiting sabi nya.
Nanlaki naman yung mata ko dahil sa sinabi nya kaya agad akong lumapit sa kanya at yumakap.
"Wow! Congrats Bai! Grabe, I'm happy for you and kay Kuya Dong. Sa wakas!" tuwang-tuwang sabi ko sa kanya.
"Oo nga eh. Alam mo naman na ilang beses ko na rin pinagpray 'to diba?" masaya pa rin nyang sabi.
"So, sobrang happy na nyan ni Kuya Dong?" nakangiting tanong ko pa rin matapos kong humiwalay sa kanya.
"Kung nakita mo lang yung itsura nya nung sinabi ng doctor ko na buntis ako, nako, matatawa ka. Sa sobrang saya nya, napakaiyak pa talaga sya sa harap namin ni Doc." kwento pa ni Ate Yan.
Napangiti naman ako habang nakatingin lang sa kanya habang nagkkwento. Mararamdaman mo kasi kung gaano sila kasaya at kung gaano nila kamahal yung isa't-isa. Hay, sila na lang yatang dalawa yung makakapagpatunay na masarap naman talagang magmahal, na hindi lang puro sakit yung mararamdaman mo.
Ako kaya, kelan ko makikilala yung taong magpaparamdam sa akin ng saya na nakikita ko ngayon sa mga mata Ate Yan habang kinukwento si Kuya Dong?
"Huy huy Glaiza De Castro!" bigla naman akong napabalik sa kasalukuyan nung pumalakpak sa harap ko si Bai.
"S-sorry, sorry. Ano ulit yon?"
"Ayan tayo eh. Ang dami kong sinasabi dito pero tulala ka lang dyan at hindi nakikinig. Ang sabi ko, namimili na yung management ng papalit sa akin at limang pangalan na lang yung natira." iiling-iling na sabi nya.
"Kailangan ba talagang palitan ka Bai?" syempre hoping pa rin ako na baka kakayanin naman ni Ate Yan na ituloy 'to. Pwede naman kaming mag-adjust oras para sa kanya eh.
"Pinagpapahinga kasi ako ng doktor ko Bai. Hindi daw kasi akong pwedeng mastress eh. Pasensya na ha. Alam kong ang tagal nating hinintay 'tong project na 'to pero eto, iiwanan kita bigla." malungkot na sabi pa nyang sabi.
Malungkot na tumango ako sa kanya.
"Naiintindihan ko Bai. Mas importante yung kalusugan mo at nyang magiging baby nyo ni Kuya Dong."
"Wag kang mag-alala, alam kong maaalagaan mo 'tong show natin. Alam mo namang malaki yung tiwala ko sa'yo diba? Ikaw pa ba diba?" sabay kindat pa nya sa akin.
Natatawang namula naman ako dahil sa ginawa nya.
"Ayiee, hanggang ngayon, crush pa rin ako ni Glaiza De Castro o. Nagb-blush sya." natatawang tukso nya sa akin.
Mas lalo naman akong namula kaya tinakpan ko na lang yung mukha ko.
"Bai naman eh! Wag kasi." nahihiyang sabi ko naman.
"Cute mo talaga Glaiza De Castro. Siguro, kung walang Dingdong sa buhay ko, liligawan talaga kita eh." hay nako, ayaw pang tumigil o.
"Ate Yan ha!" sabi ko habang nagpapapadyak pa.
Tawang-tawa naman sya habang nakatingin sa akin.
"O sige, balik na nga tayo sa topic natin kanina. Kung papapiliin ka, sino sa limang 'to yung gusto mong pumalit sa akin?" sabi nya na parang nag-iisip pa. "Ay pero wait. May news pa pala ako. Meron daw babalik dito sa network natin galing sa kabilang bakod." sabi nya na parang nagpipigil na ngumiti.
Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya. Sino naman daw? At ano yung konek sa pinag-uusapan namin?
"Galing daw sa showtime. Maganda, magaling umarte, at magaling mag-english. Kasama daw ata sya sa pinagpipilian na papalit sa akin eh. Nagsstart daw sa letter 'A' yung name nya." sabi pa nya na nakangiti na.
Literal naman na nanlaki yung mga mata ko. Oh my freaking Lord! Seryoso? Sh*t! Bakit ganito na lang yung kabang nararamdaman ko? Bumalik na ba talaga sya dito?
Magsasalita na sana ako nang biglang tumawa si Ate Yan.
"Joke! Binibiro lang kita. Gusto ko lang makita yung reaction mo. At grabe Bai, dumoble yung laki ng mata mo." natatawa nyang sabi.
Inis na tiningnan ko naman sya.
"Not funny Ate Yan." sabi ko pa sa kanya.
"Eto naman, ang sensitive. O sya, eto na talaga yung limang pagpipilian mo, Heart Evangelista, Lovi Poe, Jennilyn Mercado, Carla Abellana, and Rhian Ramos." medyo nahimasmasan naman ako nung wala yung kaninang tinutukoy nya sa pinagpipilian. Jusko, hindi ko talaga alam yung gagawin ko if ever kasama sya sa lima, and worst, sya pa talaga yung papalit kay Ate Yan.
"Kahit sino sa kanila, wag lang si Rhian." derechong sabi ko.
Napangiti na naman si Ate Yan sa sinabi ko. Ano ba yan, puro sya smile. Tsk.
"Interesting. At bakit ayaw mo kay Rhian? Okay naman sya ah. Magaling din umarte. At feeling ko, may chemistry kayong dalawa." sabi pa nya sabay taas-baba ng kilay.
"I just don't like her." sagot ko.
"Bakit nga? Diba nagkasama na kayo nyan dati sa Stairway to Heaven? Yung kayong tatlo nila Dong?"
Tumango naman ako.
"Eh di ayos, mas magiging madali yung lahat diba? Gamay nyo na yung isa't-isa."
"Gamay saan? Sa sabunutan? Sampalan? As if naman meron tayong ganong scenes ngayon." natatawang sabi ko. Totoo naman eh. Halos ganun lang yung naging eksena namin noon ni Rhian sa STH.
"So yun yung dahilan kung bakit ayaw mo sa kanya?"
Umiling naman ako. Hay, papa'no ko ba sasabihin kay Ate Yan? Actually, hindi ko naman talaga alam kung bakit hindi ko sya gusto. Basta yun lang talaga yung nafefeel ko. Alam mo yon? Yung kahit wala pang ginagawa sa'yo yung isang tao, hindi mo na talaga sya gusto.
"Hindi naman Ate. Parang ang unprofessional ko naman kung yun lang yung dahilan diba?"
"So bakit nga?"
"I don't know. Mabait naman si Rhian pero---"
"Pero may naaalala ka sa kanya. Kasi bukod sa magaling talaga syang 'mag-english' at magsalita, hawig pa silang dalawa ni----"
"Bai!" saway ko sa kanya.
"Natatakot ka ba na baka bigla kang ma-fall sa kanya?"
Todo-iling naman ako. Yeah, alam ni Ate Yan yung totoong preference ko kaya ganyan sya magsalita. At sya rin yung kaisa-isang tao na nakakaalam kung sino yung ex ko na sobrang sinaktan ako.
"Of course not! Never in my wildest dream no Bai!" parang diring-diri pa na sabi ko. Ni sa hinagap, hindi ko naisip na magkagusto ako sa Rhian na yon.
"Nako nako. Wag na wag kang magsasalita ng tapos. Sinasabi ko sa'yo. Kapag ikaw lang na-fall--"
"Hindi nga! Hindi ako mafafall sa kanya at sigurado naman ako na hindi sya yung papalit sa'yo."
"Pero papa'no kung sya?"
"Ang kulit lang Bai? Basta hindi sya yan."
Nagkibit-balikat lang sya.
"Okay. Sabi mo eh." sabay ngiti nya ng nakakaloko.
Hay nako, ano na naman kayang naiisip ng babaeng 'to? Kung hindi lang sya buntis, baka nabatukan ko na sya eh.
"Pero sayang no?" bigla naman akong napalingon ulit sa kanya nung magsalita sya.
"Sayang ang alin?" takang tanong ko.
"Hindi mo man lang ako mahahalikan. Eh diba matagal mo na 'yong pangarap?" sabay ngiti ulit sa akin.
"Asa ka na naman Bai! Masyado kang mahangin. Di kita type." natatawang sabi ko.
"Weh? Kahit i-kiss kita ngayon?" sabi nya sabay lapit pa sa akin.
Natawa lang ako sa kanya sabay takip ng kamay ko sa nguso nya.
"Wag ipilit. Walang sparks!" sabay belat ko sa kanya.
Inis na ngumuso naman sya at naglakad palabas ng tent.
Naiiling na sinundan ko na lang sya ng tingin.
Hay nako. Mas isip bata pa sa akin.
Ilang minuto lang ay pinatawag na rin ako ni Direk sa labas.
Nakita kong malungkot silang lahat habang hinihintay akong makaupo. Pagtingin ko kay Bai, malungkot na tumango lang sya sa akin. Malamang, nasabi na nya sa kanila yung napag-usapan namin kanina. Nakakalungkot naman talaga dahil nasasayangan kami sa mga eksena na nakuhanan na namin. Pero sabi ko nga, mas importante ang baby ni Bai kesa sa kahit anong eksena dito.
Pero sino nga kaya yung papalit sa kanya bilang Jade ni Althea? At kung sino man sa kanila, ang tanong, kakayanin ko kayang hindi nila mabuking yung sikreto ko na matagal ko nang itinatago?
Pero please lang. Kahit sino sa kanila, wag lang si Rhian Ramos please?