GLAIZA "Goodmorning Cha!" masayang bati na akin ni Rhian nang makapasok sya sa tent namin. Pagharap ko sa kanya, may kasama syang guy na nakangiti din sa akin. Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa. "Naks, good mood na good mood ah Yon. Ang aga kasi ng inspirasyon mo eh." sabay nguso ko sa boyfriend nya. Natawa naman silang dalawa sa akin. "Sira. Btw, Cha, si Jason, boyfriend ko. And Boo, si Glaiza--" "Girlfriend nya." nakangiting sabi ko sabay abot ng kamay kay Jason. "Nice to meet you Glaiza. I'm happy na nakilala ko na ng personal yung girlfriend ng girlfriend ko." sakay nya sa biro ko kaya natawa na din ako. "Tsk. Nagkasundo pa talaga kayo ha." palatak ni Rhian. "O sya, I have to go na. Hinatid ko lang naman 'tong si Boo at dinalhan ko rin kayo ng breakfast dyan." nakangiti pan