GLAIZA
"So pa'no ba yan Tsong, talo ka. Yung usapan ha. Pakisamahan mo ng mabuti si 'Jade' ha. O sya, aalis na muna ako at baka makaistorbo pa ako sa inyong dalawa." bulong ni Chynna sa akin bago umalis dun sa tent namin ni Rhian.
And yeah, kung itatanong nyo, nandito nga sa loob yung tent yung 'taong' yon at kanina pa nakatingin sa akin. Naiilang na ako. Naiinis na ako sa mga tingin nya. Akala nya kung sino syang maganda at mahuhulog lahat, mapa-babae man o lalaki sa mga titig nya. Pwes, ibahin nya ako no!
Nagsorry na rin ako kanina dun sa mga nasabi ko pero nagsmile lang sya sa akin. Ni hindi man lang sinabi kung okay na ba yon or hindi. Pero ang usapan lang naman namin nila Chynna is magsosorry ako sa babaeng 'to and nagawa ko na naman. Wala akong kebs kung ayaw nya akong patawarin o hinde. Duh!
At dahil sa mga titig nya, kanina ko pa gustong magwalk-out pero natalo ako sa pustahan kaya kailangan kong pakisamahan 'tong isang 'to.
Pero hindi ko na talaga matagalan yung mga tingin nya kaya inis na nagsalita ako.
"Ano bang problema mo? Bakit ganyan ka makatingin? Bakit di ka na lang magbasa ng script mo?" malumanay pero may inis na sabi ko. Hindi kasi ako makapagfocus dahil sa mga titig nya.
"Ang ganda mo pala talaga 'no?" narinig kong sabi nya kaya inis na tiningnan ko lang ulit sya.
Matagal ko nang alam yon kaya hindi nya kailangang sabihin pa.
"Ano yon?" kunwaring hindi ko narinig yung sinabi nya.
Mas lalo naman syang ngumiti sa akin.
"Ang sabi ko, ang ganda mo pala. Mas lalo na pag malapitan." ulit pa nya. At nadagdagan pa ha.
Agad ko naman syang tinaasan ng kilay. Pati ako bobolahin pa ng bruhang 'to. Mas maganda kaya sya. Ay mali pala. I mean, uh, Cha, mas maganda ka sa kanya.
"Excuse me? Wag kang bumreezy dyan dahil hindi naman ikaw si Althea. 'Te, si Jade yung character mo, pa-demure ka dapat. Kaya pwede ba, wag mo akong banatan ng ganyan dahil hindi ako madadala dyan." sabi ko sabay irap sa kanya.
"Tsk. Ikaw na nga yung sinasabihan ng maganda, ikaw pa yung nagagalit dyan." natatawang sabi nya.
"Bakit, inobliga ba kita na sabihan ako non? Hindi naman diba? At hello, wag mo akong artehan ng ganyan dahil alam naman nating may boyfriend ka. Please lang, wag kang makipagflirt sa akin." sabi ko pa.
Mas lalo naman syang natawa sa sinabi ko.
"Grabe ka naman, sinabihan ka lang ng maganda, flirt na agad? Hindi ba pwedeng na-aappreciate ko lang yung beauty mo?"
"Rhian Ramos, alam ko yung mga galawang ganyan." dahil ganyan din yung kaibigan mo. Ganyan din yung ginawa nya sa akin kaya, ugh, nevermind.
"But seriously Glai, I really don't know kung bakit parang lagi kang galit sa akin eh wala naman akong naisip na nagawa ko sa'yong masama. Well, except yung mga sampalan at sabunutan natin sa STH pero ang tagal na non ha."
"Hindi ako galit sa'yo."
"Really? Kaya pala laging masama yung tingin mo sa akin. I'm not sure kung meron akong nagawa na hindi mo nagustuhan pero gusto kong magsorry sa'yo. Gusto ko kasing maging maayos yung trabaho nating dalawa dahil I promised Ate Yan na hindi ko papabayaan 'tong show. Glai, hindi lang basta magkaibigan yung characters natin dito sa TRMD, lovers tayo. And papa'no tayo magiging sweet kung bawat lapit ko sa'yo, hindi ko ma-feel na welcome ako? Papa'no tayo papaniwalaan ng mga nanonood kung tayo mismo, hindi kayang maniwala na pwede naman tayong magkasundo?" mahabang sabi nya.
"Professionals tayo Rhian. At kahit hindi naman tayo close, pwede naman tayong magpanggap sa harap ng camera na sweet tayo. Hindi natin kailangang magplastikan na gusto natin yung isa't-isa off cam kahit alam naman natin na hate natin yung isa't-isa." sagot ko naman sa kanya.
No. Ayokong mapalapit sa kanya dahil baka matulad lang 'to dun sa nangyari noon. Lalo pa't nakikita ko sa kanya yung itsura ni-- nevermind.
"I don't hate you. Actually, gusto nga kitang maging kaibigan."
"Tapos ano? Makikipagclose ka, magpapakaclingy ka? Tapos sobra tayong maaattach sa isa't-isa, tapos ano? Pag may na-fall, hindi sasaluhin ng isa so magkakasakitan lang tayo?" dere-derechong sabi ko.
"Whoa whoa whoa! In case nakakalimutan mo Glai, we're both girls and I do have a boyfriend diba? So bakit may nabanggit ka na ma-fa-fall? Are you saying na you're into girls talaga?"
Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako nagpahalata dahil kailangang walang makaalam ng tungkol sa sikreto kong yan.
"Of course not! Nasabi ko lang yon dahil ganun yung kadalasang nangyayari no!"
"Yeah I know pero if ever naman na ma-fall ka, hindi naman kita pipigilan. Sanay ako sa ganyan. Madami talaga akong nabebend. Pero sana wag kang matakot na mahulog ka. Kasi ippromise ko sa'yo na pag nangyari 'yon, nandun lang ako baba para saluhin ka." yun lang at pasipol-sipol pa itong lumabas ng tent.
At ako? Eto naiwang nakaawang yung bibig dahil sa sinabi nya. Jusko Rhian Ramos, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo. Ugh!
**
"In fairness kay Rhian no, kahit hindi last minute sya sinabihan, nakakaya nya pa ring i-arte ng maayos yung scenes nya nyo?" si Chynna, nandito kami kasi sa labas lahat kasi sabi ni Direk, magpakita daw kami ng 'suporta' sa bagong Jade. At kahit ayoko, wala naman akong magawa.
"Oo nga eh. Nag-improve na talaga yung pag-arte nya no?" sabi naman ni Katrina.
Ano ba yan, puro compliment naman yung naririnig ko tungkol sa babaeng yon.
"Ikaw Cha, wala ka bang masasabi tungkol sa kanya? Sa ating lahat kasi, ikaw yung nakasama nya talaga sa isang Teleserye."
"Oo nga yung STH. Naalala ko yon, halos sampalan at sabunutan lang yung ginagawa nilang dalawa don." komento naman ni Sheena.
"Yun nga eh. So papa'no ako magkokomento sa pag-arte nya ngayon?" medyo mataray na sabi ko.
"Tsk Cha ha! Yung usapan natin." paalala ni Chynna.
"Hindi ko po nakakalimutan yon Madam Batchi. Hindi ko po sya tinatarayan at sinunusungitan no!" sagot ko naman.
"Weh? Yung totoo?" parang nagdududa pang tanong nito.
"Okay fine. Pero very very light lang naman. Sabi nyo naman diba, wag masyado?" pag-amin ko na lang.
"Hay nako Cha. Teka nga, matanong nga kita, bakit na parang G na G ka kay Rhian? May past ba kayo?" may halong panunuksong tanong ni Katrina.
"Wala no! Baka po nakakalimutan mo na babae kami pareho at hindi ko sya type no? Duh!" medyo inis na sabi ko. Tss. Ni halos ayoko nga syang tingnan no, tapos magkakasomething pa kami. Nah! Asa!
"Sira! Hindi yun ang ibig kong sabihin Manang. Yun agad talaga yung naisip mo? Baka lang kasi meron kayong hindi napagkasunduan noon."
Umiling naman ako.
"Wala naman. Hindi lang talaga kami naging close noon. Siguro dahil na rin sa characters namin? Kailangan kasi lagi kaming nag-aaway at sakitan noon. So yon, dahil siguro don." pagsisinungaling ko.
Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanila na kaya hindi ako komportable kay Rhian eh dahil kahawig sya ni nevermind diba?
"So yun na nga Cha. Noon, hindi kayo naging close dahil sa characters na ginampanan nyo. Pero iba na ngayon diba? Magjowa ang peg nyo dito. Kailangan maramdaman ng mga tao yung chemistry nyong dalawa para naman magustuhan nila 'tong TRMD diba? Kailangan ma-feel nila na nagmamahalan talaga sila Jade at Althea diba? At hindi mo mapaparamdam yon, kung hindi mo naman gusto yung kaeksena mo." paliwanag ni Chynna at tumango-tango naman yung dalawa pa naming katabi.
"Diba kayo ni Ate Yan, halos hindi mapaghiwalay nung mga unang araw ng taping natin? Kasi nga, gusto nyong i-internalize yung characters nila Jade at Althea. So bakit hindi mo yon gawin kay Rhian? Wala namang masama kung ittry mo diba?" sabi naman ni Sheena.
"Pero pwera na lang kung ayaw mo talaga dahil natatakot kang baka masyado kang madala sa characters nyo at hindi mo mamalayan na nahuhulog ka na pala." sabay ngisi pa ni Katrina sa akin.
"Alam mo Kat, gustuhin ko mang ulitin yung sinabi ko sa elevator kanina, ayoko na. Baka mapahamak na naman ako at marinig na naman nya. Pero seriously, sigurado akong hindi ako madadala dyan sa characters nila Jade at Althea. Hello, ang dami kong naging on-screen partners diba pero na-fall ba ako sa kanila? Professional 'to Tsong!" sabi ko pa na ginaya si Batchi.
"Eh malay mo, only exception si Rhian." sabi pa nito. Hay nako, ayaw na lang manahimik ano po?
Umiling na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Hahaba na naman kasi. Bahala na lang sila kung ano yung gusto nilang isipin.
Pinanood ko na lang yung pamilya Tanchingco na umaarte sa harap namin. Isa pa 'to, bakit ba kasi kailangan talaga naming panoorin 'tong si Rhian, eh matagal na naman syang artista kaya alam na nya kung papa'no idedeliver ng maayos yung lines nya. Bakit ba kailangang may suporta-suporta pa silang nalalaman. Eh di sana, nasshoot na namin yung ibang scenes namin na hindi sya kasama diba? Ang pa-VIP naman kasi ng babaeng 'to no!
Pero in fairness nga sa kanya, nag-improve talaga yung pag-arte nya. Dati kasi, parang wala kang makikitang emosyon sa mga mata nya. Yun bang parang umaarte lang sya dahil kailangan at hindi dahil gusto nya talaga. Pero ngayon, mahahalata mo na gustung-gusto nya talaga yung ginagawa nya. Well, lahat naman ng tao, nagmamature talaga diba?
Alam mo Rhian, kung hindi mo lang talaga kamukha si A- nevermind, siguro, naging close talaga tayo. Ang hirap lang sa akin kasi every time na tinitingnan kita, sya yung nakikita ko sa'yo. Lalo na kapag wala kang make-up. Ganyan-ganyan din kasi yung itsura nya eh. Hay. Hindi naman sa 'hindi pa talaga ako nakakamove on' pero alam mo yon, ayoko lang sigurong masaktan ulit kung ma-fafall ako sa isang kagaya nya.
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya kanina pa. Naalimpungatan lang ako nang biglang may tumikhim sa harap ko. Ganon na lang yung panlalaki ng mga mata ko nang makita ko syang nakatayo sa harap ko. Shocks, nakita ba nyang nakatitig lang ako sa kanya?
"Ehem, masyado ka naman yatang naiinlove kay Jade, Althea. Aba, muntik na akong matunaw sa mga titig mo kanina ah. Wag kang ganyan, baka mahulog ako sa'yo." natatawa nyang sabi habang nakatingin pa rin sa akin.
Jusko Cha, lagi ka na lang ba nya talagang mahuhuli? Wala ka na ba talagang gagawing tama?
"Grabe pala no? Iba pala yung feeling kapag natitigan ka ng isang Glaiza De Castro." sabi pa nya habang nakaupo sa tabi ko. Huh? Bakit di ko rin namalayan na nasa tabi ko na pala sya? Ano ba yan Cha! "Natatakot tuloy ako." sabi pa nya kaya bigla akong napalingon sa kanya. Saan naman sya matatakot?
"Natatakot ako na baka kapag ganyan yung titig mo sa akin sa bawat eksena natin, hindi ko mamalayan na unti-unti na pala akong naiinlove hindi kay Althea, kundi kay Glaiza." seryosong sabi pa nya habang nakatitig din sa akin.
"Boom Ramos! Grabe! Talagang natuto ka na ng breezy moves kay Batchi ha! Ang galing mo talaga!" natatawang sabi ni Chynna sabay apir pa kay Rhian.
At ako, eto, tulala pa rin dahil sa sinabi nya. C'mon Cha, magsalita ka. Wag kang magpahalata na naapektuhan ka sa sinabi ni Rhian sa'yo. Huy Cha. Cha!
Magsasalita na sana ako nang biglang nag-ring yung phone ko. Napasmile ako nang makita yung name ni Ate Yan. Tumayo muna ako at lumayo sa kanila. Shemay, saved by the bell. Salamat talaga Bai. Salamat sa'yo!
Pero kahit kausap ko na si Ate Yan, hindi pa rin normal yung t***k ng puso ko. Alam mo yung feeling na aatakihin ka sa puso dahil sa sobrang kaba? Tsk, nakakastress ka Rhian Ramos, ikaw yata yung magiging dahilan ng maagang kamatayan ko. Ugh!