GLAIZA "Kamusta kayo? Okay na ba kayong dalawa? Eh yang puso mo okay na?" sunud-sunod na tanong sa akin ni Chynna nung magkita kami sa isang bar sa BGC. Ewan ko ba, after ng encounter namin sa RK kanina ni Rhian, parang bigla kong ginustong mag-inom at maglasing ngayon. "Ha? Kami nino?" pagmamaang-maangan ko kahit alam ko naman kung sino yung tinutukoy nya. "Seryoso, hanggang ngayon, in denial ka pa rin? Jusko ka naman o. Cha, ako lang 'to. Pero sige, kamusta kayo ni Rhian?" tanong na lang nya. "Ah. Okay naman kami. Wala namang problema. Sa katunayan, nasa RK nga sila kanina ni Jason." pilit ang ngiting sabi ko. Naalala ko na naman kasi yung naramdaman ko kanina eh. Pero tulad ng sabi ko, kailangan kong pigilan 'to. Sobrang kailangan dahil may masasaktan if ever. "Oh, so yun pala yun