GLAIZA "Akala ko ba, okay kayo? Eh bakit ang sama ng tingin nyo sa isa't-isa?" bulong sa akin ni Chynna habang palipat-lipat yung tingin nya sa amin ni Rhian. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to, kanina lang nandun sya sa table nila kasama nila Anne at Jason, tapos pagbalik ko galing sa pagcomfort sa akin ni Patty, nandito na sya sa table namin nila Chynna. Tsk. "Okay naman kami ah." nakataas ang kilay na sabi ko pa. "Teka lang, uh, nag-usap kayong dalawa ng isusuot ngayon?" napakunoot naman yung noo ko sa tanong ni Sheena kaya napatingin ako kay Rhian. Enebenemenyen. At talagang pareho pa kaming nakahoodie at shorts ngayon. Ano 'to, kambal lang kami? Yun kasing bigay din ng rebels yung suot nya. Pagkakataon nga naman o. Nakita ko naman na palihim syang ngumiti pero nung nakitang nakating