GLAIZA "Uy, wala kayong taping ngayon?" gulat na tanong sa akin ni Bianca nang makita akong nakaupo sa opisina namin pagpasok nya. Pangalawang araw 'to na wala kaming taping dahil may kailangan pa daw i-revise sa script yung mga writers. Okay na din dahil kahit papa'no nakapahinga ako. Oh well, kahapon pala hindi, dahil bukod sa ibang guestings, meron din akong mall show sa Star Mall. "Yep. May kailangan daw silang ayusin eh so dahil pahinga kami, nandito ako ngayon para tumulong na rin." nakangiting sagot ko naman sa kanya. "Naks, sipag talaga eh no? Pero tamang-tama kasi I might have a photoshoot mamaya so mabuti na lang na nandito ka. Pero super saglit lang naman yon kasi I have to be here ng bandang hapon dahil pupuntahan daw ako ni Bestie." nakangiting sabi pa nya. Ngumiti lang na