Chapter 3

2667 Words
Mina's POV BUMABA ANG magkahalong asul at berdeng mga mata nito sa mga labi niya. Matagal itong tumitig doon na parang nahihipnotismo. Nagtaas baba din ang adams apple nito. Nanlaki ang mga mata niya ng unti-unting bumababa ang mga labi nito papunta sa kanya. "Excuse me, sir, mam, may napili na po ba kayo?" pukaw ng saleslady na lumapit sa kanila. Natigilan si Kenobi at napakurap-kurap mabilis nitong inilayo ang ulo sa kanya at mahinang napamura, binitiwan siya nito at hinarap ang tindera. "Bibilhin ko lahat ng bulaklak dito. Here's my card." Dinukot nito ang pitaka at kinuha ang isang black na credit card doon. "Ipadala mo sa address niya." Tinuro siya nito. Pagkatapos kunin uli ang credit card nito at walang paalam na lumabas na ng shop. Nasundan niya na lang ng tingin ang papalayong si Kenobi. Kahit kailan ay hindi niya maiintindihan ang ugali nito. Mula pa ng unang araw na tumapak siya sa loob ng campus ng University naging mainit na ang mga mata nito sa kanya. Naalala niya ang ibinulong nito kahapon. 'Because you look like your f*****g mother, Charito Alvarez' Puno ng pagkasuklam ang boses nito at galit habang ibinubulong nito iyon Pano nito nalaman kung sino ang tunay niyang ina? Anong koneksyon ni Kenobi sa Mama niya? "Ma'am..." Pukaw sa kanya ng tindera. "Y-yes?" "Kunin ko po yung address niyo, Ma'am." "Ah..." Inabot niya ang delivery form na hawak nito at ballpen saka sinagutan iyon. Sayang din ang mga bulaklak. Hindi na niya inisip na galing iyon kay Kenobi. Matapos ibalik ang form sa tindera ay binitbit niya na ang mga pinamili niya na nilapag niya kanina sa isang tabi. Pagyuko niya nakita niya pa ang tulips na hawak ni Kenobi kanina. Wala sa loob na kinuha niya iyon at inamoy. Kenobi's POV MABILIS SIYANG lumabas ng flower shop at nag lakad papalayo doon. Daig niya pa ang may hinahabol sa laki ng mga hakbang niya. He almost kissed that b***h at hindi niya alam kung bakit parang nang-aanyaya ang mapupulang mga labi nito. Nang matitigan niya iyon kanina parang naglaho ang lahat ng na sa paligid niya at dalawa lang silang natira, walang ibang nasa isip niya kundi malaman kung gaano kalambot ang mga labi nito. Napasintido siya, nababaliw na ata siya. Dapat ay pahirapan niya si Hermina Alvarez-De'Marco hindi pagnasahan! s**t . Kung hindi dumating ang saleslady kanina baka naipahiya na niya ang sarili sa freak na iyon. Mina's POV NA-LOWBAT na siya kaya naman hindi niya ma-text ang driver na sunduin siya sa entrance ng mall. Nagpasya na lang siya na mag lakad papuntang parking lot. Kailangan na niyang makauwi agad para mai-marinade niya pa ang beef at maibigay ang mga gagamiting decorations nila Shimmer at Shine. Kakapasok niya pa lang sa parking lot at hindi niya pa matanaw ang kotse nila, malayo kasi ang napag-parkingan ng driver niya. Natigil siya ng may sumulpot na dalawang lalaki na naka itim na jacket sa kung saan. Bsbalewalain niya sana ang mga ito at magpapatuloy na lang sa paglalakad ng harangin siya ng mga ito. "B-bakit po?" kinakabahang tanong niya sa mga ito. Napahigpit ang hawak niya sa plastic bag ng pinamili niya. Pasimpleng luminga-linga siya, lalo siyang kinabahan ng wala siyang makitang tao sa paligid. Nagtinginan ang dalawa saka nagsenyasan. Napaatras siya nang lumapit sa kanya yung mas matangkad at hinawakan ang braso niya. "A-ano b-ba?!" Piniksi niya ang kamay pero lalong humigpit ang hawak nito sa kanya. Kinilabutan siya ng ngisihan siya nito. "Ang kinis nito, 'pre" baling nito sa kasama na malaki rin ang pagkakangisi sa kanya. "Parang naligo sa gata!" Tumawa pa ito ng nakakaloko. Umahon ang takot sa dibdib niya. "L-Let m-me go!" Sisigaw sana siya pero agad na tinakpan nito ang bibig niya saka siya akmang kakaladkarin ng may humila dito palayo sa kanya. Nawalan siya ng balance at idagdag pa na kanina pa nanginginig ang tuhod niya sa takot kaya naman na pa salampak siya sa semento. Madilim sa kinaroroonan nila kaya naman niya makita ng maayos ang mukha ng tumutulong sa kanya. Naaninagan niya lang ang pakikipag buno nito sa mga lalaking humarang sa kanya kanina. Kahit dalawa ang kalaban nito wala itong kahirap-hirap na nagulpi ang mga iyon. Natulala siya sa mga nasaksihan. Napapitlag na lang siya nang makita nang papalapit na sa kanya ang lalaking tumulong sa kanya niya. Nang makalapit ito sa kanya ng tuluyan ay napanganga siya ng mapagsino ang tumulong sa kanya "K-Kristoff..." Bakas ang pag-aalala sa guwapong mukha nito. Lumuhod ito gamit ang isang tuhod sa harap niya saka masuyong hinawakan ang balikat niya. "Ayos ka lang?" bakas ang pag-aalala sa tinig nito. Inalalayan pa siya nito ag tinulungan siya nitong tumayo. Hindi niya magawang tumugon sa tanong nito sa kanya. Nanatili lamang siyang nakatunghay sa guwapong mukha nito, hindi siya makapaniwala na ito ang nag igtas sa kanya. "Hey..." Marahang niyugyog nito ang balikat niya. "O-Oo... o-o-okay lang ako," nag-iinit ang pisngi na tugon niya. Nginitian siya nito. Ngiting nagpalundag sa puso niya at nagpabilis sa t***k niyon. "Ma'am Mina!" Napalingon siya sa humahangos na driver niya na papalapit sa kinaroroonan nila. Kasunod nito ang dalawang security guard ng mall. "Ayos lang ba kayo, Ma'am?" Tumango siya dito saka bumaling uli kay Kristoff na ngayon ay seryosong nakikipag-usap sa dalawang secrurity guard. Pagkatapos ay naglakad ang mga ito papunta sa kanya. Inaya siya ng mga ito para samahan siyang mag-report pero magalang siyang tumanggi, kailangan na rin kasi niyang umuwi dahil mag-aayos pa sila para sa anniversary surprise nilang magkakapatid sa magulang nila. "Are you sure?" paniniguro ni Kristoff sa kanya. Nahihiyang tumango siya dito. Hindi siya makatingin dito ng diretso dahil pakiramdam niya tumatagos ang titig nito sa kaluluwa niya. "H-Hindi n-naman ako n-nasaktan," dagdag pa niya para makumbinsi ito at hindi na siya kulitin pa na sumama sa presinto. Hinatid siya nito hanggang sa kinapaparadahan ng sasakyan nila. "Salamat uli sa pagligtas mo sa'kin kanina," pasasalamat niya dito bago pumasok sa kotse. Ngumiti ito sa kanya at marahang tinapik ang balikat niya. "Be carefully next time." Tumango siya dito at nahihiyang nginitian. Nang umandar ang sasakyan nilingon niya pa ito nakatanaw pa rin ito sa kanila at nang mapansin siya ay kumaway pa. Mabilis na umayos siya ng upo. Nakangiting napahawak siya sa dibdib niya. "THEY'RE HERE!" impit na tili ni Tati. Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakaupo sa lawn ng garden. Sinindahan niya ang huling kandila na nasa loob ng isang mason jar na ikinalat nila sa lawn. Ideya iyon ni Tati para daw mas romantic. Akay nina Shimmer ang Daddy nila at akay naman ni Shine si Tita Melody. Parehong may piring ang mga mata ng mga ito. Dinala ng kambal ang mag-asawa malapit sa round table na inihanda nila para dito Humilera naman sila sa gilid nina Tati na kanina pa halos mamilipit sa kilig, katabi nito si Amanda na panay naman ang irap dito. Wala si Geneva dahil sinundo ito ng biological mother nito kanina. "What's really happening girls?" nangingiting tanong ng Daddy nila. "Okay, love birds, puwede niyo nang tanggalin ang piring niyo!" masayang sabi ni Tati. Sabay ngang tinanggal ng dalawa ang mga piring. "Happy anniversary!" duet nilang magkakapatid. Lumapit dito si Amanda at iniabot ang binili niyang bouquet kanina. "Oh my god .." Naiiyak na anas ni Tita Melody. Bakas sa mukha nito ang sobrang kaligayahan. Inakbayan ito ng Daddy nila na namamasa ang mga mata halatang masaya rin ito sa ginawa nilang surpresang magkakapatid "Oh god... You all prepare this for us?" naluluhang baling ni Tita Melody sa kanila. "Ahuh," tatango-tangong sagot ni Tati ang lapad ng ngiti nito. "Do you like it?" "No! I love it! Oh my god, thank you... thank you..." Tuluyan ng naiyak ang Tita Melody niya. "Aaww..." sabay na sabi ng kambal habang parehong nakalabi. "Group hug!" sigaw ni Tati na nanguna nang tumakbo ng yakap sa mga magulang nila. Sumunod na rin sila at naki-group hug na rin. Pagkatapos ng group hug ay nagsilbi silang waiter at pinagsilbihan ang mag-asawa. Hanggang sa nainggit ang kambal at kumandong sa tig isang hita ng daddy nila, kaya naman nakisali na rin sila. Napuno ng tawanan at biruan ang buong garden. Pumasok siya sa kusina para kunin ang desert. Nasalubong niya si Amanda na papasok na. "Saan ka pupunta?" tanong niya dito. "Sa taas. Matutulog na. kalabisan na ko sa labas," nakairap na sagot nito. Napailing na lang siya at tumuloy na sa garden. Natanaw niya ang mga kapatid at magulang nagkakasayahan ang mga ito. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Ang mga ganitong pagkakataon ang dahilan kung bakit mas ginugusto niyang mabuhay araw-araw. Napakasaya niya dahil natagpuan siya ng Daddy niya ng mga panahong isinuko niya na ang kagustuhang mabuhay. Pinagmasdan niya ang mga ito. Nakayakap si Tati sa likuran ni Tita Melody at habang kandong ng Daddy niya ang kambal. Larawan ng isang masayang pamilya ang mga ito kapag wala sila nila Geneva at Amanda sa eksena. Tama si Amanda, kalabisan nga sila sa mga ito. Ang mga ito ang tunay na magkakapamilya. Samantalang sila... Siya? Nakikisali lang sa pamilya na mayroon ang Daddy niya. Ayaw man niya pero hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit para sa mga kapatid. Dahil ang mga ito buo ang pamilya nila, masaya nag mamahalan... Hindi kailangan ng mga kapatid niya na bantayan ang bawat kilos para hindi maka-offend dahil sa pag-aalala na mapaalis sa bahay na ito. Naiinggit siya sa pakiramdam na kahit anong gawin mong kamalian alam mong tatanggapin at patatawarin ka ng mga magulang mo dahil sa kanila ka galing. Hindi ba nga ang mga magulang daw ay hindi kayang tiisin ang mga anak? Oo nga at tunay siyang anak ng Daddy niya pero nangingilag siya sa Tita Melody niya. Takot siya na magkamali at magalit ito sa kanya. Kaya hanggang maaari  pinipilit niyang hindi magbigay ng problema sa mga ito. Kahit ang pangbu-bully sa kanya sa school ay never niya pang na i-open sa mga ito dahil sa takot na isiping puro problema ang dala niya, kaya naman pinipilit niyang umiwas sa gulo kahit na lagi siyang pinapahiya at sinasaktan sa school, inililihim niya. Lagi niyang iniisip na wala siyang karapatang istorbohin ang daddy at Tita Melody niya dahil takot siyang may maipintas ang mga ito sa kanya. Noon nga lang pinatawag ang mga ito sa opisina ng dean halos umiyak na siya sa sobrang hiya sa mga ito. At kahit gustuhin niyang lumipat ng school di niya magawang i-request sa mga ito dahil na rin sa hiya. Matagal na niyang itinanim sa isip niya na wag abusuhin ang mga ito. Tanggapin kung ano lang ang ibigay ng mga ito at sundin kung anuman ang bilin ng mga ito sa kanya at magpasalamat na binago ng mga ito ang buhay niya. Hindi niya ka-level ang mga kapatid na sina Tati, Shimmer at Shine. Lehitimong anak ang mga ito mas may karapatan kaysa sa kanya. Hindi siya dapat magreklamo, wala siyang karapatan. Mas maganda na ang buhay niya ngayon kaysa sa impiyernong pinanggalin niya kaya walang dahilan para magreklamo siya, ang lugar na ito ay matuturing na niyang langit. Napangiti siya ng mapait. "KAMUSTA KA NA?" tanong ni Jessa habang abala sa pag-scroll sa cellphone nito. Naglalakad sila papunta sa swimming class nila. "Ayos lang," sagot niya na pasimpleng sinilip ang Iphone nito. Ngayon lang kasi ito parang bising-busy sa cellphone nito na halos di nito napansin na tatlong beses na siya nitong tinanong kung kamusta na siya mula pa kaninang nagkasama sila Napansin naman nito ang pagdukwang niya sa cellphone nito kaya agad nitong iniiwas ang cellphone sa kanya. "You are invading my privacy!" Duro nito sa kanya na ikinagulat naman niya. Dati rati naman ay wala itong pakialam kahit silipin niya kung sino man ang ka-chat o ka-text nito sa tagal ng pagkakaibigan nila. Hindi naman siya na-offend dahil sanay na siya sa pa iba-ibang mood nito, pero mas lalo lang siyang na-curious sa pinagkaka-abalahan nito sa cellphone nito. Napakamot na lang siya sa tungki ng ilong niya. "Ano ba kasi yan," tanong niya dito. "N-nothing," sagot nito saka mabilis na naglakad palayo sa kanya. "Hoy, intayin mo ko!" tawag niya dito nang makitang mabilis na lumiko na ito kaya nilakihan niya ang mga hakbang para makaabot siya sa kaibigan. Sa pagmamadali niya hindi niya napansin na may makakasalubong pala siya sa pagliko, kaya naman ng bumangga siya sa kasulubong niya at nawalan siya ng panimbang. Akala niya ay tuluyan na siyang babagsak sa sahig pero may mga braso na humapit sa baywang niya at hinila siya papunta sa katawan ng kung sino mang nagligtas sa kanya. Hindi niya napansin na mahigpit pala ang pagkakapikit niya kaya nang unti-unti siyang nagmulat parang huminto ang mundo niya nang masilayan ang magagandang pares ng mga mata na nakatunghay din sa kanya. Amusement was written in his beautiful blue green eyes. Napalunok siya. Parang na hi-hypnotize siya sa mga mata nito at nawawala sa reyalidad at unti-unting dinadala sa pantasya. Napakasarap titigan ng mga mata nito, kahit ata buong maghapon silang magtitigan walang problema sa kanya. Tumikhim ito pero parang wala siyang narinig. Ngumiti ito na parang naaaliw sa kanya. Lumabas tuloy ang mga biloy sa magkabilang gilid ng labi nito. Ang bilis ng t***k ng puso niya parang sasabog na iyon sa sobrang lakas. "Ayos ka lang?" tanong nito na nakangiti parin sa kanya. Wala sa loob na umiling siya. Ni hindi niya alam kung para saan ang pag-iling niya. Basta ang alam niya ayaw niyang bitawan siya nito. Masarap sa pakiramdam ang pagkakalapit ng mga katawan nila at ang pagkakapulupot ng braso nito sa baywang niya. Tumikhim uli ito. Niluwagan ang pagkakahawak sa kanya saka inalalayan siyang makatayo ng ayos. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa pagkakalayo nila. "Gusto mo bang samahan kita sa clinic?" tanong nito na halata ang pagpipigil nang pagngiti. Pinamulahan siya ng mukha ng marealize ang kagagahan. Sino ba siya para pagkaabalahan ni Kristoff? "H-hindi n-na... pasensya k-ka na," nabubulol na hinging paumanhin niya dito. Nakayuko siya at hindi matitigan ang mukha nito na kanina lang ay kay lapit-lapit sa kanya. "Are you sure?" Tumango na lang siya. Sa isip ay kinakastigo ang sarili. Para siyang timang kanina na nakipagtitigan pa dito habang pinapantasya ito. "E-excuse me," sabi niya saka nagmamadaling lalagpasan na sana ito pero mabilis nitong hinawakan ang kamay niya. "Wait," pigil nito sa kanya. Nanigas naman siya at napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya saka sa mukha nito. Nakangiti ito sa kanya na para bang magkaibigan sila. Lalong nagwala ang puso niya. Sino ba namang hindi? Si Kristoff Sandoval ang nasa harapan niya! A drop dead gorgeous and one of the most popular in their university! "B-bakit?" nahihiyang tanong niya dito. Binitawan nito ang kamay niya saka nagkamot ng batok na parang nahihiya at nag-aalangan sa sasabihin. "Are you free tomorrow night? Mayron kasing gagawing party para sa pagkapanalo ng team this season." Nanlaki ang mata niya hindi siya makapaniwala sa narinig mula dito. Did he just invite her to his party? Siya na isang nobody? Alam ng lahat kung gano ka bongga magpa-party ang magkapatid na Sandoval. Ang lahat ay nagnanais makarating doon at ang ibang nakakapunta naman ay di magkamayaw sa pagyayabang na naka-attend sila. Everyone dreams to attend to that party even her. She wants to come too but no one invite her. No one would ask her to come in anyone's party. But now, Kristoff Sandoval invited her himself to come to his fabulous party. Sino siya para tumanggi? Mabilis siyang tumango. Lumapad ang pagkakangiti nito. "You can come with a friend if you want," sabi pa nito. "So, I gotta go may practice pa kami eh." Yun lang at nagpaalam na ito sa kanya. Kumaway pa ito kaya wala sa loob na itinaas din niya ang kamay saka marahang kumaway dito. Hindi siya makapaniwa. For the first time makaka-attend siya ng party at si Kristoff pa mismo ang nagimbita sa kanya. to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD