Mina's POV
"HOY HERMINA bakit nandiyan ka pa? Akala ko naman sumunod ka na sa akin mag-uumpisa na ang klase natin andon na sila pool!" ani sa kanya ni Jessa pero ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nakatingin pa rin siya sa dinaanan ni Kristoff.
"Kurutin mo ko," hiling niya dito.
"Ano?" naguguluhan namang tanong nito sa kanya.
"Kurutin mo ko," ulit niya.
"Okay." Nagkibit-balikat ito saka siya malakas na kinurot sa balikat.
"Aray!" sigaw niya at mabilis na inilayo ang balikat niya dito dahil talaga namang masakit ang ginawa nitong pagkurot, "Masakit."
"Ginusto mo yan sabi mo kuritin kita!" Pinandilatan siya nito ng mata.
Nahimas niya ang nasaktang braso.
"Hala hindi ako nanaginip!" Nanlalaki ang mga matang hinarap niya si Jessa, "Hindi ako nanaginip," sabi niya dito.
"Naka-drugs ka ba Mina?" nagdududang tanong nito sa kanya.
"No! Of course not. Hindi lang ako makapaniwala..."
"Saan naman?"
"Na inimbitahan ako ni Kristoff sa victory party nila bukas ng gabi." Tinanaw niya uli ang daan na nilakaran ni Kristoff.
Malakas naman na tumawa si Jessa. Nagtatakang nilingon niya ito.
"Anong nakakatawa?" tanong niya dito.
"Ikaw! Ikaw ang nakakatawa nagda-daydream ka na naman diyan. Halika na nga!" iiling-iling na sabi nito.
Nakaramdam siya ng inis, "Totoo nga! Sabi nga niya magsama ako ng kabigan eh!"
"Shut up! Mamaya niyan may makarinig sayo pag-tripan ka na naman." Lumingon pa ito sa paligid nila. Napasimangot siya.
Hinila na siya nito. Naiinis na bumitiw naman siya dito.
"Totoo nga!" pagpupumilit niya.
"Ay nako Hermina tigil--"
"Hermina!"
Pareho silang napalingon sa tumawag sa kanya. Nakita nila si Kristoff na tumatakbo papalapit sa kanila. Automatic na napangiti siya.
"B-bakit?" nahihiyang tanong niya dito. Pero nagdiriwang ang puso dahil alam nito ang pangalan niya.
"I forgot to give you this," sabi nito saka iniabot sa kanya ang isang itim na invitation. "Nakalagay na diyan ang address at oras ng venue para bukas," nakangiting sabi nito.
"S-salamat..."
"See you there, bye," sabi nito saka tumalikod na at tumakbo papunta sa pinanggalingn nito.
Napatingin siya sa invitation na binigay nito sa kanya. Sa mansion ng mga Sandoval gaganapin ang party bukas ng alas-syete. Bigla naman siyang namoblema. Hindi niya naitanong kung formal party ba yon at kung ano ang tamang isuot para sa ganoong okasyon. Wala kasi siyang ideya dahil hindi pa naman siya nakakarating sa kahit anong party.
Bumaling siya sa kaibigan na ngayon ay tulala at nakakanganga. Hindi niya ito masisi dahil hindi naman talaga madaling paniwalaan na invited siya sa party ng isang Sandoval.
ALAS TRES PA LANG ng hapon pero sinundo na siya ni Jessa sa kanila. Pagkatapos kasi nitong matulala kahapon ay nangulit na itong isama niya ito sa party ni Kristoff na balak naman talaga niya.
Agad itong nagplano at halos di na nakatulog kagabi, pati siya ay nadadamay dahil tawag ito nang tawag sa kanya para lang sabihin na naka-prepare na ang susootin nila. Nagprisinta kasi ito na ito na raw ang bahala sa damit nila na pabor naman sa kanya.
Kanina pa siya nito pinapupunta sa bahay nito pero tinapos niya muna ang paglilinis ng kuwarto niya kaya nang mainip ito sinundo na siya.
Masyado itong excited. Pareho kasi silang hindi madalas maimbita sa mga party. Madalas man sabihin ng kaibigan na hindi ito mahilig sa ganoon, kaya okay lang pero alam niya na gusto rin ng kaibigan niya na maka-attend sa ganoon. Nagu-guilty nga siya dahil feeling niya kaya walang nagi-invite dito ay dahil sa kanya. Nilalayuan din ito nang iba dahil sa pakikipaglapit sa kanya.
Nang makarating sila sa bahay ng mga ito agad siya nitong kinaladkad papunta sa kwarto nito.
"Mamili ka ng susuotin mo dali," sabi nito na halos ingudngud na siya sa mga damit na nakahilera sa kama nito.
"Hetong sosootin ko," sabi nito sabay ladlad ng isang pink spaghetti strap na dress. Maikli iyon na s atingin niya ay aabot lang sa gitna ng hita nito. Sa tingin niya naman ay babagay iyon sa kaibigan.
"Pili na!" nandidilat na sabi nito.
Natawa na lang siya ay inusyoso ang mga nakalatag na damit sa kama nito.
Kinuha niya ang itim na kaparis ng napili nito pero agad din iyong binitawan nang maalalang may mga pasa pa pala siya sa kanyang hita. Pinili nalang niya ang isang dress na satingin niya ay lalagpas sa tuhod niya. Off shoulder iyon at kulay black
"Ito na lang," sabi niya sa kaibigan.
Sumimangot ito. "Yun na lang kaparis ng sa'kin para twiny tayo."
"Ayaw ko sobrang iksi no'n," tanggi niya dito.
"Bahala ka nga," nagkibit-balikat ito bilang pagsuko sa kanya.
Si Jessa ang naglagay ng make up sa kanya at nag-ayos ng buhok niya. Manipis lamang ang pinalagay niyang make up. Ang buhok naman niya ay brinade naman nito. Nang isuot niya ang dress niya ay napangiti siya, kontento sa kinalabas nang pag-aayos sa kanya ng kaibigan. Pagkatapos ay si Jessa naman ang nag-ayos ng sarili.
Quarter to seven na nang matapos silang dalawa at nakasakay ng kotse papunta sa mansion ng mga Sandoval.
Malayo pa lang ay dinig na nila ang malakas na music na nang gagaling sa mansion. Helera at parang nagpapayabangan ang mga kotse na nakaparada sa drive way ng mga Sandoval. Nagmukhang showroom dahil sa iba't-ibang klase at model ng mga sasakyan ang naroroon.
Alam niyang mayaman ang mga Sandoval pero nalulula pa rin siya sa laki ng mansion ng mga ito. Huge is understatement it was gigantic.
Maraming teenager ang nakakalat sa drive way, ang iba ay may hawak na pulang plastic cup at naninigarilyo. Mayroon na ring mga nagma-make out sa medyo madilim na bahagi.
Pumasok sila sa napakalaking gate, bumungad sa kanila ang isang fountain. Napakalakas ng music at halos mabingi na siya, sinundan nila ang music at nakarating sila sa pool side at nakakamangha dahil mala-olympic ang size no'n.
May mga naliligo na sa pool mga lalaki at babae na mga naka bikinis. Wild ang party at bumabaha ng alak. Marami na rin ang tipsy at walang pakundangang mag-PDA. Wala sa loob na napakapit siya kay Jessa na nagniningning ang mga mata habang nakatanaw sa pool partikular kung saan naliligo ang ibang myembro ng basketball team.
"Sheet, Hermina, ang yummy nilaaa!" impit na tili nito sa kanya kulang na lang ay mangisay ito sa tabi niya.
"Nakakahiya wag kang maingay baka marinig nila tayo," saway niya dito. Lumingon-lingon siya sa paligid, may mangilan-ngilang tao roon na nakatingin sa kanila at nagbubulungan.
Kinalabit niya si Jessa na umiindak-indak na sa tabi niya halatang masayang-masaya.
"Jess, uwi na lang kaya tayo," mahinang bulong niya dito pero sapat para marinig nito.
"Kakadating lang natin!" tutol nito sa kanya "Sayang effort minsan lang toh sulitin na natin." Excited na hinila siya nito papunta sa bar counter na na sa tapat ng pool.
"Two tequila please," anito sa bartender pagkatapos ay bumaling sa kanya at bumulong. "Ang tagal ko ng gustong sabihin yun." Humagikgik ito.
Napangiti na rin siya sa nakikitang saya sa kaibigan. Wala naman sigurong magiging problema. Pagpapakalma niya sa sarili. Sa dami naman ng tao dito ngayon hindi na siguro sila mapapansin ng iba.
Ibinigay sa kanila ang tequila at lime.
"Hindi ako umiinom," aniya sa kaibigan ng itulak nito papunta sa kanya ang tequila.
"Ako din naman!" Pinanlakihan siya nito ng mata. "Isa lang toh, dali na," pangungulit nito sa kanya.
Napilitan siyang tanggapin ang alak. Nagbilang pa ito ng hanggang tatlo pagkatapos ay sabay nila iyong ininom. Halos isuka niya ang ininom. Pinilit niya lang iyon lunukin kahit na gumuguhit ang pait sa panlasa niya.
Agad nilang dinampot ang lime at sinipsip pero para lang mapangiwi sa asim niyon.
Nagkatawanan silang magkaibigan dahil sa mga itsura ng mukha nila.
"Hi, ladies," bati ng isang lalaki na lumapit sa kanila. Matangkad ito, moreno at di mapagkakailang gwapo.
"Hi..." nahihiyang ganting bati ng kaibigan niya. Siya naman ay napaiwas ng tingin.
"I'm Devon," nakangiting pakilala nito sabay lahad ng kamay. Agad naman iyong tinanggap ng kaibigan at nagpakilala. "And you are..?" Baling nito sa kanya
"H-Hermina..." halos bulong na lang na lumabas iyon sa bibig niya. Naiilang siya sa mga titig nito sa kanya na para na siyang hinuhubaran.
May kumapit ditong babae. Si Alodia na nakakaloko ang ngiting ibinigay sa kanilang magkaibigan
"Hey, freak, paano kayo nakapasok dito?" sita ni Alodia sa kanya.
"Dumaan sa pinto?" patanong din na sagot ni Jessa.
"You--"
"I invited them," sagot ni Kristoff na nasa likuran ni Jessa, kasama nito si Elizabeth na nakakapit pa sa braso ni Kristoff. Litaw na litaw ang maputing balat nito dahil sa soot na pulang bikini top at high waist short shorts. Napakaganda ni Elizabeth bagay na bagay ito at si Kristoff. Nakaramdam siya ng kurot sa puso niya.
"Didn't you know na pool party ang pupuntahan niyo?" malambing ang boses nito pero puno ng sarkasmo na sabi ni Elizabeth sa kanila. Nagtawanan naman ang mga kasama nito.
"Yan ba ang uso ngayon?" sabat ni Alodia.
Nagkatinginan silang magkaibigan. Nilibot niya ang tingin sa palagid, saka niya lang na pansin na puro naka-casual at swimming attire ang mga nandoon. Wala naman kasing nakalagay sa invitation na pool party pala ang gaganapin.
"They didn't know, Eli," Saway ni Kristoff dito, nananaway din ang tingin na ipinukol ni Kristoff kay Elizabeth. "I'm sorry, Mina, I forgot to tell you. I was so excited to invite you here kaya naman nakalimutan kong sabihin," hinging paumanhin nito sa kanila.
Nagdilim naman ang mukha ni Elizabeth at pinukol siya ng masamang tingin.
"I-It's okay..." Nahihiyang napayuko na lang siya. Nahiling niya na sana hindi na lang ito humingi ng paumanhin sa kanya. Nangangamba siya na baka maging dahilan iyon para mapag-initan siya ni Elizabeth, notorious pa naman ang babae sa pambu-bully sa kung sino mang napapalapit kay Kristoff, at ayaw niyang maging bagong target ni Elizabeth.
"Kristoff!" tinawag si Kristoff ng ka-teammates nito na nasa gilid ng pool. "Come check this out! This is insane dude!"
"Excuse me girls," paalam ni Kristoff sumulyap muna sa kanya ito bago iniwan sila at nagtungo sa tumawag dito.
Napansin iyon ni Elizabeth kaya mas lalong nagbabaga ang tinging ipinukol nito sa kanya.
Naramdaman niya naman ang pagsiko sa kanya ni Jessa. Bumulong ito sa kanya na dinig din naman ng mga kaharap nila.
"Ahm... tara uwi na tayo, g-gabi na rin kasi, Mina," pag-aaya ni Jessa. Alam niya na gusto lang siyang iiwas ni Jessa sa grupo nila Elizabeth at Alodia panigurado kasing siya ang pag-iinitan ng mga ito.
Marahan siyang tumango, pag sangayon sa sinabi nito. Mas mabuti pang umuwi na sila. Ayaw niya ng gulo. At gulo ang mangyayari pag nagtagal pa sila dito lalo na at mukhang badtrip na si Elizabeth sa kanya.
Nang saktong dumaan sila sa harapan ni Elizabeth pinatid siya nito. Hindi niya inaasahan iyon kaya naman nawalan siya ng balanse at napasubsob siya sa lalaking padaan sa gawi nila, tumapon sa kanya ang hawak nitong alak pero imbis na tulungan siya nito inis na itinulak pa siya nito kaya napaupo siya sa sahig. Unang bumagsak ang puwetan niya kaya napangiwi siya.
"Ang tanga kasi!" asik pa nang nakabanggaan niya. Tinignan niya ito. Isa ito sa ka teammates ni Kristoff.
Nakalikha ng komosyon ang nangyaring iyon. Napatingin sa kanya ang mga naroroon. Nakaramdam siya ng panliliit.
Pag-angat nang tingin niya nakita niya na titig na titig si Jessa sa kanya partikular sa mga hita niya. Bumaba ang tingin niya at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang nakalilis ang dress niya at kitang-kita ang mga hita niya na puno ng pasa. Nagmamadaling hinila niya pababa ang laylayan ng dress niya.
"M-Mina..." Narinig niyang tawag sa kanya ni Jessa. Hindi niya ito pinansin. Nanatili siyang nakayuko at mahigpit na hawak ang laylayan ng dress niya, natatakot siya na muli iyong umangat. Pinilit niyang makatayo pero kumirot ang balakang niya kaya bumalik siya sa pagkakaupo.
Gusto na niyang umiyak ng mga oras na iyon dahil sa sobrang pagkapahiya na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng isang show at siya ang clown na pinagtatawanan ng mga taong naroroon.
Kristoff's POV
NAPALINGON SIYA nang marinig ang kaguluhan sa bar counter.
Nakita niya si Mina na nasa sahig at nakaupo doon agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Ilang hakbang na lang ang layo niya dito ng nagmamadali nitong hilahin ang laylayan ng dress nito pababa na parang takot na takot ito at hindi dahil sa nahihiya ito na nasisilipan ito. Bago pa nito maibaba ang dress nito nahagip ng paningin niya ang mga pasa nito sa mga hita. Nangunot ang noo niya sa nakita.
Agad niya itong dinaluhan. Lumuhod siya sa harap nito.
"Hey... Are you alright?" marahang tanong niya dito.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Para namang may sumipa sa sikmura niya nang makitang nangingilid and mga luha nito at nanginginig ang baba nito sa pagpipigil siguro na huwag mapaiyak. Napakagat ito sa mga labi at bahagyang sumigok.
"Sshh..." alo niya dito. "Can you get up?" Tumango ito sa kanya. Marahan niya itong inalalayang makatayo.
Hinarap niya si Elizabeth na masama ang pagkakatingin kay Hermina.
"What happened?" seryosong tanong niya dito. Alam niyang may kinalaman ito sa nangyari.
"Pinatid niya si Mina," singit ng kaibigan ni Mina.
"I'm not!" Pinandilatan ito ni Elizabeth.
Bumuntong-hininga na lang siya saka muling hinarap si Mina na mahigpit ang pagkakakapit sa dress nito. Amoy alak ito at napansin niyang basa ang leeg nito at damit. Nakaramdam siya ng awa para sa babae. Napatiim bagang siya.
"Nakita kong pinatid mo siya!"
napalingon siya sa nagsalita. Nakita niya si Krishia na nakahalukipkip at nakataas ang kilay na sumisita kay Elizabeth.
"You're just imagining things Shia. Clumsy lang talaga siya kaya siya nadapa!" inis na katwiran ni Elizabeth. Wala na ang malambing na boses nito napalitan na ng pagtataray na siya naman talagang natural na ugali nito.
"I see what I see." Itinirik pa ng kapatid niya ang mga mata nito bago tinalikuran si Elizabeth. Lumapit si Krishia sa kanila.
"Come." inilahad nito ang kamay kay Mina.
Maang naman na napatingin dito si Mina.
"H-huh?"
"I said come. Come with me. You look like a mess," walang emosyong sabi ng kapatid niya. Diretso lang itong nakatingin kay Mina.
"H-hindi na--" tanggi ni Mina pero hindi na ito pinatapos ng kapatid niya. Hinila nito ang kamay ni Mina at kinaladkad na papasok sa loob.
"H-hey, wait..." Humabol siya sa kapatid. Sumunod siya sa mga ito papasok sa loob ng mansion nila. Nakita niya pa ang mga ito na nakasalubong ang Mommy nila bago tuluyang umakyat.
"Kristoff who's that girl," takang tanong sa kanya ng Mommy niya.
"She's Hermina. Tito Horacio's daughter." Namulsa siya at tinignan ang reaksyon nito.
Napaawang ang mga labi nito at nilingon ang dinaanan ni Krishia at Mina.
"Is she..."
"Yes Mom," putol niya dito. "She's Tita Charito's daughter."
Napasinghap ito.
To be continued..