Chapter 2

2457 Words
Mina's POV MUNTIK NA SILANG magkauntugan ni Jessa paglabas niya ng pinto. Nag-aabang pala ito sa kanya. Kasama nito ang teammate ng magkapatid at siyempre si Elizabeth na ngayon ay fresh na fresh na. Mabilis niyang hinila si Jessa palayo sa mga ito. Halos kaladkarin niya na ito. Ayaw niyang abutan na naman siya ni Kenobi. Paniguradong mainit ang ulo nito sa kanya dahil hindi niya sinunod ang utos nito. "Uy, wait lang naman!" angal ni Jessa pero di niya ito pinansin. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang makalayo. Nakahinga lang siya ng maluwag ng nasa building na sila ng Engineering. "Anong nangyari sa loob ng office ni dean?" tanong sa kanya ni Jessa. Naupo siya sa may hagdan at nangalumbaba. "Pinapapunta sina Daddy bukas." "Hindi ka pinarusahan?" "Bakit naman ako paparusahan wala naman akong kasalanan. Kitang-kita mo namang biktima lang ako!" maktol niya dito. Tumawa ito at umupo sa tabi niya. "Alam mo nagtataka ako diyan kay Kenobi kung bakit ikaw ang paborito niya laging pagdiskitahan. Ang loyal niya sayo ha, talagang mini-maintain niya ang pangbu-bully sayo!" "Bruha parang natutuwa ka pa, ah!" "Hindi naman. Naiinis din ako sa ginagawa niya sayo. Pero di ba nakakapagtaka lang na sa dinami-rami ng ka-bully bully dito sa university, ikaw lang ang bukod tangi sa babaeng lahat ghurl. daig mo pa ang aba ginoong Maria dahil bukod kang pinagpala!" Inirapan niya ito. "Pinagpala ka dyan. Minalas kamo!" "Feeling ko may crush sayo yon si Kenobi." Natawa siya sa sinabi nito. "Grabe! crush niya ako pero kung pagtripan niya ko wagas? Ano pa kaya pagminahal niya ko?" patuyang sabi niya sa kaibigan. "Eh, di ang swerte mo," sabi ng baritonong boses Nagkatinginan sila ni Jessa saka sabay na lumingon sa likod nila. Sabay din silang napatalon patayo nang makitang nakapamulsa si Kenobi at nakayuko sa kanila. Dumiretso ito ng tayo at lumapit sa kanila. Sabay pa rin silang napaatras ni Jessa habang magkahawak ang kamay. "K-kanina k-ka pa dyan?" tanong niya. "Mhmm..." anito. "Narinig kong pinagtsitsismisan niyo ko." Naningkit ang mga mata nito. "H-hindi--" mangangatwiran sana siya ng putulin siya nito. "Gusto mong malaman kung bakit mainit ang dugo ko sayo? At kung bakit inutusan ko ang lahat na layuan ka at i-bully?" Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na nag utos ito na layuan siya at i-bully. Nagulat siya nang nakalapit na pala ito sa kanya. Hinawakan nito ang batok niya at hinigit siya papalapit dito. Naamoy niya ang pabango nito hugo boss na humahalo sa natural na pawis nito. Kinilabutan siya ng itapat nito sa tainga niya ang bibig nito at tumama do'n ang mainit at mabangong hininga nito. Pero mas na hindik siya sa sinabi nito sa kanya. Nangatog ang mga tuhod niya at pakiramdam niya ay may isang timbang yelo ang bumuhos sa katawan niya. Nanlalamig siya. Lumakad ang kilabot sa katawan niya. Lalo na ng magbalik ang mga ala-alang pinilit niyang ibaon sa limot. Mga bangungot na matagal na panahon na niyang pinipilit kalimutan. Pero dahil sa pagkabanggit nito sa taong iyon parang agos na bumalik sa kanya ang nakaraan. Ang madilim na bahagi ng buhay niya na pilit niya tinatakasan. Napaatras siya na para bang sa pamamagitan no'n maiiwasan niya rin ang nakaraan niya. Naramdaman niya ang paghawak ni Jessa sa kanya. May mga sinasabi ito pero hindi niya naririnig. May umuugong sa tainga niya na halos ikabingi niya. Habol din niya ang paghinga, pakiramdam niya ay may mga kamay na sumasakal sa kanya. Nahihirapan siyang huminga. Napatingin siya kay Kenobi na matalim pa rin ang mga mata na nakatingin sa kanya. Binaling uli niya ang paningin kay Jessa at sa nanlalabong mata nakita niyang sumisigaw ito at umiiyak. Bago pa siya bumagsak sa sahig mayrong matitipunong braso ang sumalo sa kanya. Napatingin siya sa sumalo sa kanya. Nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Kristoff May sinasabi din ito pero hindi niya maintindihan. Nag-focus siya kahit na hirap pa rin sa paghinga. Gusto niyang malaman kung ano ang sinasabi nito. "Breath, Mina, breath," sabi ni Kristoff. Habang kalong nito ang ulo niya "Call the f*****g medic!" Sigaw nito sa kung sino. "Try to relax, Mina... Then breath..." Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. Napapikit siya. Pilit sinusunod ang sinasabi nito "What have you done Kenobi?!" galit na baling nito kay Kenobi. "She deserved it," malamig na sabi nito. Ang mga mata nito ay puno ng pagkasuklam na nakatunghay sa kanya. tumalikod na ito. Nakatanaw siya sa likod ni Kenobi habang papalayo at habang papawala ito sa paningin niya ay unti-unti ding nagdidilim ang paningin niya hanggang lamunin na ng dilim ang kamalayan niya. PUTING KISAME ang namulatan niya. Iginala niya ang paningin at nakita niya ang Daddy niya at ang Tita Melody niya na kausap ang isang lalaking naka-lab gown. Inalis niya ang oxygen mask sa bibig niya. "D-dad.." paos ang tinig niya at parang may buhangin sa lalamunan nang subukan niyang tawagin ang Daddy niya. Narinig naman siya ng Daddy niya kaya bumaling ang mga ito sa kanya. Mabilis na lumapit sa kanya ang ama at ginagap ang kamay niya. Kasunod nito si Tita Melody na puno ng pag-aalala ang mukha. Ang lalaki naman na naka-lab gown na satingin niya ay doctor ay lumapit din sa kanya at sinuri siya ng matapos ito ay may mga sinabi ito sa daddy niya saka lumabas ng kawarto. "How you feeling baby?" masuyong tanong ng dDaddy niya. Hinimas pa nito ang buhok niya. "I-Im f-fine... w-water..." Agad naman siyang tinulungan ng Daddy niya na umupo habang si Tita naman ay nagsasalin ng tubig sa baso at mabilis na iniabot sa kanya. Agad niya iyong ininom dahil pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Kinuha ng Daddy niya ang baso pagkatapos niyang uminom at inilapag iyon sa katabing lamesa ng hinihigaan niya. "What happened to me?" tanong niya sa mga ito. Nagkatinginan silang dalawa. Hinawakan ng Tita Melody niya ang balikat ng Daddy niya at saka ito ang nagsalita. "You suffered from a panic attack, Mina," sabi ng Tita niya. "What happened, baby? Anong nangyari bakit na trigger ang panic attack mo?" maawtoridad na tanong sa kanya ng ama pero nandoon pa din ang pag-aalala. "I... I can't remember..." mahinang sagot niya na halos bulong na lang. Napabuntong-hininga ang ama niya. Halatang hindi ito naniniwala. Kinabahan naman siya. "It's okay, hija. You can tell to us whatever it is," pag-uudyok pa nito. Nanatili lang siyang nakatungo. Ayaw niyang malaman ng mga ito ang totoong dahilan lalo na ang daddy niya. Mag-aalala na naman ang mga ito lalo na at may kinalaman sa nakaraan ang naging dahilan ng pagka-trigger ng panic attack niya. "Actually, we already know the truth." Napatingin siya sa ama. Bigla siyang kinabahan. Wala namang ibang nakarinig sa sinabi sa kanya ni Kenobi paanong... O baka naman nagpunta dito si Kenobi at siya mismo ang umamin sa daddy niya? "P-paano niyo nalaman?" Ang lakas na ng t***k ng puso niya pakiramdam niya ay magkakaroon na naman siya ng panick attack. "Your Dean told us what happened to your school canteen and that they expect us in her office tomorrow." Para namang nabunutan siya ng tinik sa sinabi nito. Buti na lang at iba pala ang nalalaman ng mga ito. "Anak, next time umiwas ka sa gulo. Nakita mo na ang nangyari? Na-stress ka siguro dahil pinapatawag kami ng Dean kaya siguro na trigger ang panick attack mo," sermon sa kanya ng Daddy niya. Nagyuko na lang siya ng ulo. Relief dahil wala naman pala siyang dapat ikabahala. Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ng Daddy niya at pag-akbay nito. "You are our daughter, Hermina, hindi mo kailangang matakot sa'min ng Tita mo. Whatever you will do and your sisters we will always here for all of you," masuyong sabi nito saka hinalikan ang ulo niya. "I-I'm s-sorry, Dad... Tita..." Naiyak siya dahil na-touch siya sa pagmamahal ng mga ito sa kanilang magkakapatid. Lalo na ang Tita Melody niya na kahit hindi siya nito kadugo, pati na rin sina Geneva at Amanda ay itinuturing pa rin silang anak nito. Pantay-pantay ito kung magmahal sa kanila walang legitimate at illegitimate para dito at napakasuwerte nila. NA-DISCHARGE siya ng gabi ring iyon. Pagdating sa bahay ay hindi na siya sumalo sa hapunan. Nagpaalam siya na magpapahinga na sa kuwarto niya. Mabilis siyang nakatulog dahil na rin siguro sa pagod sa mga nangyari ngayong araw. Napabalikwas siya ng bangon nang magising sa isang bangungot. Tagaktak ang pawis niya at hilam ang mga mata niya sa luha. Tinignan niya ang mga kamay. Iniisip kung buhay pa ba siya o namatay na siya ng gabing iyon? Dali-dali siyang umalis sa kama at pumasok sa banyo saka ini-lock iyon. Kalangan niyang maramdaman na buhay pa siya. Na wala siya sa panaginip na iyon. Binuksan niya ang cabinet na nasa loob ng banyo niya. Agad niyang kinuha sa ilalim ng mga tuwalya ang itinago niyang ligther at kandila. Nang makuha iyo ay ibinaba niya ang takip ng bowl at doon naupo. Hinubad niya ang pajamang suot hanggang tuhod. Sinindihan niya ang kandila saka ito itinuwad upang bumaliktad din ang apoy nito at dilaan ang katawan ng kandila. Nang mapansin niyang tutulo na ang natunaw na wax galing sa kandila itinapat niya iyo sa hita niya at inantay iyong pumatak. Napaungol siya nang maramdaman ang pagpatak ng kandila sa hita niya. Mainit iyon at masakit. Pero sakit na may hatid na sarap. Sarap na nagpapa-relax sa katawan niya at isip. Napakagat siya sa labi. Nang mapuno ng patak ang isang hita niya itinapat niya naman ang kandila sa kabila. Hindi siya tumigil hanggang hindi pumayapa ang loob niya. Nalaman niya na mayroon pa lang sarap na nararamdaman mula sa sakit na idinudulot niya sa sarili. Natuklasan niya ito noong labing limang taon siya ng laslasin niya ang pulso niya. Noong una ay natatakot siya sa sakit pero dahil sa ka desperaduhan nilaslas niya ang pulso niya para takasan ang mga bangungot niya. Nang mga oras na iyon ang kirot at hapdi na nagmumula sa pulso niya ay naghatid sa kanya kapayapaan. Nagagawang tanggalin ng sakit ang mga masasamang alala hanggang ang physical na sakit ay nahalinhinan ng kakaibang sarap. Sa bawat patak ng kandila o sa bawat hapdi kapag pinapaso niya ang sarili gamit ang ligther may kakaibang sarap siyang nararadaman doon. Nakaka-adik. Hinahanap-hanap ng katawan niya lalo na sa mga oras na nilalamon siya ng takot Nang araw na maglaslas siya nakita siya ng daddy niya bago siya tuluyang maubusan ng dugo. Kaya naman ng makaligtas ng araw na iyon. Nag-isip siya ng ibang bagay na pwede niyang magamit para saktan ang sarili na hindi siya kakakitaan ng kahit anong sugat. Sinisiguro niya rin na sa tagong parte ng katawan niya siya mananakit. Matagal niya na itong ginagawa lalo na noong madalas siyang bangungutin katulad na lang ng nangyari kanina. Itinatago niya lang ito dahil ayaw niyang malaman ito ng Daddy niya dahil paniguradong dadalhin na naman siya nito sa isang rehabilitation center at ipapakausap sa kung sino-sinong psychiatrist. At ayaw niyang mangyari yon. Ayaw niya ng magpa-counseling at mag-take ng medication. Ayaw niya ng maupo sa loob ng isang kwarto at piliting ipakuwento sa kanya ang nangyari sa kanya noong labing apat na taong gulang siya para lang malaman kung saan nagmumula ang mental illness niya. Natawa siya. Hindi siya baliw pero kung ituring siya ng mga doctor na yon ay parang isang baliw. Kaya hinding-hindi siya babalik do'n. Hinding-hindi nila malalaman na hindi nahinto ang pananakit niya sa sarili Napaiyak siya. Hinayaan niya ang sarili na ilabas ang mga luha na hindi niya nailalabas kapag may iba siyang kaharap. Pinalaya niya ang damdamin na nasasaktan sa tuwing binu-bully siya. Sa mga sampal, sabunot at pangungutya na natatanggap niya sa araw-araw na pagpasok sa University. Hindi siya umiiyak sa harap ng mga bumu-bully sa kanya dahil ayaw niyang bigyan ng kasiyahan ang mga ito na lalong magdiwang kapag nakita nilang miserable siya. Dalawang taon na lang. Lagi niyang paalala sa sarili. Oras na grumaduate siya matatapos na ang paghihirap niya. Magiging normal na ang buhay niya. MAAGA SIYANG nagising kinabukasan kahit halos wala siyang tulog. Kailangan niya kasing pumunta sa supermarket para bilhin ang mga lulutuin at gagamitin sa pagpre-prepare ng dinner with candle ligth para sa anniversary ng Daddy niya at ng Tita niya. Nagsuot siya ng palda na abot hanggang sakong niya para maitago no'n ang namumula niyang hita at hindi kumuskos iyon sa paso niya dahil sensitive pa iyon, ang pang itaas niya ay fitted na kulay pink na forever21 na sando. Nag pulbo lang siya at kaunting lip gloss. Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok at naglagay lang ng headband. Sumakay na siya sa kotse at nang pahatid sa pinakamalapit na supermarket. Binili niya ang mga rekado para sa lulutuin niyang roast beef na paborito ng Tita Melody. Sunod na pinuntahan niya ay isang party needs shop bumili siya ng mga sa tingin niya ay kakailanganin nila para sa pag decorate, nang mabili na niya ang mga kailangan naghanap siya ng flower shop may nakita naman agad siya. Nakangiting lumapit siya do'n. Nalibang siya sa pag-amoy at pagmamasahid sa mga bulaklak kaya hindi niya namalayang may nakalapit na pala sa likuran niya. Paglingon niya para lapitan ang mga rosas ay muntik na siyang mapasigaw sa gulat sa lalaking nakakalokong nakangiti sa kanya habang ang mukha ay ilang hibla na lang ang layo sa kanya dahil sa pagkakadukwang nito. Parang napapasong mabilis siyang lumayo kay Kenobi Dumiretso naman ito ng tayo at namulsa "What are you doing here freak?" Maangas na tanong nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita parang biglang may bumara sa lalamunam niya. Iniisip niya ang nangyari kahapon ang sinabi nito sa kanya. Agad na nanlamig ang mga kamay niya. Dinampot nito ang isang pulang tulip. Inamoy nito iyon at napapikit pa. Pagkatapos ay dumilat at nginitian siya na para bang magkaibigan sila. Lumapit ito sa kanya gusto niyang umatras pero parang napako ang paa niya sa sahig. Itinaas nito ang hawak na tulip. Idinikit nito iyon sa pisngi niya at sensual na ipinadaan nito iyon mula sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg hanggang sa clivage ng kanyang dibdib. "You have a big t**s. I didn't notice it before." Parang natauhan siya sa sinabi nito mabilis niyang tinabig ang tulips na na sa dibdib niya. "B-bastos!" galit na sabi niya dito. "Whoa, I'm just complementing you, freak!" Pinandilatan siya nito ng mata na parang napaka-inosente lang ng ginawa nito pero ang isang sulok ng labi naman nito ay nakataas na alam niyang nanunuya sa kanya. Pinisil nito ang pisngi niya at pilit siyang itiningala dito. "Wala ka talagang manners!" mariing sabi nito sa kanya na naniningkit ang mga mata. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD