Prologue
"HOW IS SHE?" tanong niya sa doctor habang nakapamulsa at nakatayo sa harapan ng two way mirror.
Sa likod ng two way mirror ay isang puting kuwarto na mayroong hospital bed, kung saan nakaupo at nakasandal sa head board ang isang payat na dalagita. Hindi mo mapagkakamalang katorse na ito dahil payat ito at maliit kaysa sa tunay na idad. Mukha lang itong dose anyos.
Ilang araw na itong tulala sa kawalan. Hindi ito nagsasalita o nagre-react man lang kapag pinapalitan ito ng suwero na tanging nagbibigay sustansya sa katawan nito, maliban sa mga bitamina na tinuturok dito. Parang dinudurog ang puso niya habang tinititigan ito. Gusto niyang yakapin ang anak na walong taong nawalay sa kanya.
Itinakas ng dati niyang asawa ang noon ay anim na taon gulang niyang anak. Ang huling kita niya dito ay ng ika-anim na taong kaarawan nito.
'Dadaaaa! it's my birthday today! Wake up! wake up! You promise I can have krissy on my birthday!'
Yo'n ang huling paglalambing nito sa kanya dahil pagkatapos no'n ay itinakas na ito ng ina nito.
Hindi niya masisisi si Charito kung malaki ang galit nito sa kanya dahil hindi siya naging tapat dito. Marami siyang nakarelasyon kahit pa kasal na sila kaya naman nang umalis ito noong walang isang taon si Hermina ay hindi niya ito pinigilan bagkus nag-asawa syang muli. Pinagana ang salapi para mapawalang bisa ang kasal nila at mapakasalan ang babaeng totoong minahal niya, si Melody. Ngayon ay may tatlo na siyang anak dito. Tanggap din nito ang nakaraan niya pati na ang dalawa pa niyang anak sa labas. Hindi niya lang akalain na ang pagganti ni Charito sa kanya ay ang sa pamamagitan ng pagkuha sa anak nila noong anim na taong gulang pa lamang, ay mauuwi sa isang trahedya.
Siguro kung mas napaaga ang pagkakatagpo dito ng mga binayaran niyang private investigator hindi mangyayari ito sa anak niya. Hindi ito puno ng pasa sa katawan at para na ring patay. Nawalan na ng buhay ang mga mata nito. Parang sumuko na sa sarili niyang buhay kahit humihinga pa. Nawalan na ng pag-asa ang maamo nitong mukha.
Naikuyom niya ang mga kamay. Kung buhay pa ang gumawa nito sa anak niya paniguradong pa ulit-ulit niya itong papatayin gamit ang mga sariling kamay.
"Still in shocked and trauma. Nahihirapan kaming isa ilalim siya sa counseling dahil hindi naman siya nagre-respond and it's very understandable dahil sa pinagdaanan niya," naiiling na sabi ng doctor.
Ilang ulit nang sinubukang kausapin ng psychiatrist ang anak niya pero hindi ito nagre-respond.
Napapikit siya. Hindi niya kayang isiping muli ang mga pinagdaanan ng anak. Isa iyong bangungot sa kanya. Ano pa kaya para sa taong dumanas niyon, lalo na sa idad nito na napakabata pa?
"I suggest isailalim na natin siya sa hypnosis. You better bring her outside the country mas maraming espesyalista sa mga ganyan kaso sa America."
Bumuntong-hininga siya. Kahit anong posibilidad maliit man o malaki ay susubukan niya kasehodang maubos ang yaman niya gumaling lang ang anak.
"Arrange everything," utos niya sa secretary niya na bagamat ay bagito pa ay maasahan na katulad ng namayapa nitong ama na siyang orihinal na secretay niya.
"Yes, Sir." Yumuko ito at magalang na nagpaalam sa kanya.
Lumakad siya papunta sa pinto na konektado sa kuwartong kinalalagyan ng anak.
Nilapitan niya ito. Naupo siya sa tabi nito pero ni hindi siya nito tinapunan nang tingin o gumalaw man lang kahit kaunti
"H-Hi..." Parang may bumikig sa bibig niya. Hinawakan niya ang kamay ng anak at dinala iyon sa pisngi niya. Dinama niya ang init niyon para ipaalala sa kanya na buhay pa ang anak. Tumulo ang luha niya. Nasasaktan siya sa nakikitang pagdurusa ng kaawa-awa niyang anak. Hinalikan niya ang kamay nito at doon hinayaan ang sariling humagulgol.
"D-Da-da..."
Huminto ang luha niya. Natigilan siya. Napatingala siya sa anak. Gano'n na lang ang gulat niya nang makitang nakatingin din ito sa kanya. Sa unang pagkakataon. May umahong pag-asa sa dibdib niya. Kahit pa wala pa ring buhay ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.
Pinaglalaruan lang ba siya ng pandinig niya? Na sa kagustuhan niyang muling magsalita ang anak ay na-imagine niya na tinatawag siya nito?
"D-Da--"
Ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya ng bumuka ang bibig nito at muli ay tawagin siya.
"Oh, God, my baby... Oh, god..." Mahigpit na niyakap niya ito.
"D-da-da... D-dada..." ulit nito.
"Yes, baby... nandito si Dada... Hindi ka na mawawala kay Dada..."