7

2035 Words
Chapter Seven "Vee, kain na tayo. Maghain ka na." Papasok pa lang si nanay ay tinatawag na n'ya ako. Nasa sala lang naman kami ni Vicky at Via nang dumating ito. Masayang-masaya ang tinig nito at nang bumungad nga siya ay ipinakita n'ya agad sa amin ang isang plastic na dala n'ya. Nagkatinginan kami ni Vicky. Topic namin kani-kanina lang na pinag-uusapan na naman si nanay ng mga tsismosa dahil sa palagian n'yang pagsha-sharon. Ito na nga. Dumating na ito. Dala ang binalot n'ya sa handaan. "Ako na po." Agad na prisinta ni Vicky at sumalubong sa nanay namin at agad iyong kinuha. "Via kong maganda," tawag ni nanay kay Via. Agad namang lumapit si Via sa nanay namin at nagpakarga. "Sakit kamay mo, 'nay?" takang tanong ng bata. Napansin agad nito ang kamay ni Nanay. Namumula pala iyon. "Ay, wala ito. Naglabada si nanay. Sobrang dami kong nilabhan. Tapos binigyan lang ako ng 200." Natawa pa ito, pero bakas naman sa kanyang tinig ang disappointment. "200, 'nay? Grabe naman." Reklamo ko. "Akala ko nga'y daragdagan. Pero kasama na raw iyong merienda. Kaya 200 lang." Nagtungo na kami sa kusina. Buhat ni nanay si Via. Saktong dating din ni Von at sa kusina dumeretso. Hindi pa man naihahanda ni Vicky ang lahat ng pagkain ay nauna na si Von na kumuha ng kanyang plato at kutsara. Sa kanya lang. Hindi man lang ikinuha ang mga kasama n'ya sa bahay. Pansit, spaghetti, at ulam na adobo ang naibalot ni nanay. Tuwang-tuwa nitong ibinibida rin na masarap ang mga iyon. Ang hindi n'ya alam... dahil sa pagbabalot n'ya ay pinagtatawanan na siya ng ibang tao. "Kain kayo. Masarap iyang mga iyan." Galak na ani nito. Saka naupo. Si Von talaga ang nauna. Hindi pa nakontento at kumuha pa ng bahaw na kanin sa kaldero. "Ate, kinausap ako ni Manang Isidra kanina." Kwento ni Von na punong-puno pa ang bibig. "Anong sabi?" "Kapag daw hindi ka nagbayad ay ipapadampot daw n'ya ako sa pulis." Ka? Ako ba ang nakagasgas ng sasakyan? Ah, ako nga pala ang nangako na magbabayad. "Gagawaan ko nang paraan. Medyo malayo-layo pa naman iyong date na napag-usapan." Saka ako napabuntonghininga. "Paano mo gagawaan ng paraan, ate? Hindi ba't tinanggal ka na sa trabaho mo?" tanong pa rin ni Von. "Hoy, Von! Mahiya ka kasi. Dapat ay ikaw ang gumawa ng paraan. Ikaw itong nakagasgas sa kotse ni Manang Isidra. Magtrabaho ka na kaya." Pasaring ni Vicky sa kakambal n'ya. Sabay lapag ng plano na may kanin sa gitna. Dahil ubos na ang kanin sa plato ni Von ay kumuha ulit ito roon. Hindi na nga gumamit ng sandok. Kinamay na lang din n'ya. "Bakit ako magtratrabaho? Ikaw nga hindi." "Inaalagaan ko si Via---" "Baka magtalo pa kayo. Tama na iyan. Sinabi naman ng Ate Vee n'yo na gagawaan n'ya ng paraan, eh." Awat ni Nanay sa dalawa. Tama si Vicky, pwede namang magtrabaho si Von. Pero ayaw nito. Imbes na pangaralan din ito ng nanay namin ay wala rin itong kibo sa katamaran ng kapatid kong lalaki. Nag-iisang lalaki, pero walang silbi rito sa bahay. "Lagi na lang si Ate Vee. Kawawa naman si ate." Nakasimangot na ani ni Vicky. Napabuntonghininga na lang ako. Wala rin naman akong magawa. Hindi ko rin naman kayang iwan ang mga ito kahit alam kong inuubos nila ako. "Hayaan na, Vicky. Tama na iyan." Muli kong saway sa kapatid kong alam kong mas lalo lang nairita sa kakambal n'ya mandila pa. Kumain kami. Pero kaunti lang, si Via nga ay hindi man lang sumubo kahit isang beses. Nang maghanap na ito ng gatas dahil inaantok na naman ay agad tinimplahan ni Vicky at dinala sa kwarto. Nagliligpit na ako nang kinainan nang dumating si Vella. "'Nay, tignan mo po. Ang ganda po ng gown at heels ko." Excited na bungad nito sa kusina. Pero natigilan siya nang makita n'ya ako. For sure alam naman nitong mali ang ginawa n'ya. Naghintay ako na mag-sorry siya. Pero dumeretso lang siya nang lapit kay nanay na sa akin din nakatingin. "Vee," nakikiusap na tinig ni nanay ang nagpahinto sa akin sa matalim kong titig sa kapatid kong babae. "Nanay, tignan mo po. Ang ganda-ganda po nitong gown na napili ko." "T-alaga?" bakas sa tinig ng aking ina ang kaba. Of course, alam nitong possible akong sumabog sa galit ko. Pero kaninang umaga pa naman ako kalmado. Sadyang ipinararamdam ko lang sa mga sandaling ito na may dapat ma-realize ang kapatid ko. "Opo, saktong-sakto pa sa akin. Mura na lang na ibinigay sa akin no'ng may-ari. 1,300 po. Tapos nakabili na rin ako ng heels ko po." Parang kilig na kilig pa ito. "'Nay, gusto ko rin po sanang magpa-parlor. Kanina po kasi ay nabanggit ng mga kaibigan ko na magpapa-parlor sila." "Anak, baka mahal iyon." "May sukli pa naman po sa akin, 'nay. Tapos iyong mga baon ko ay titipirin ko na lang. Gusto ko pong magpa-rebond, 'nay. Tapos magpapa-makeup na po ako roon." "Vella, anak. Para naman masyadong magastos iyan. Hindi na natin kaya iyong ganyan, anak. Tignan mo nga't 200 lang iyong kinita ko sa paglalaba." Dinukot ni Nanay sa bra n'ya ang kinitang pera. 200 nga lang talaga iyon. Pero parang mandurukot itong si Vella. Ang bilis ng kamay n'yang nakuha iyon sa kamay ng nanay namin. "Akin na po ito, 'nay. Tapos po makilabada ka pa. Gusto ko pong tuwid ang buhok ko sa JS prom namin." Napabuntonghininga ako. Nakakapagod makinig sa mga sinasabi ni Vella. Hindi ako nito makuhang tignan. Kahit na sinusubukan kong hulihin ang mga tingin nito. Iwas na iwas. "Anak, namamaga pa ang kamay ko. Tignan mo nga't sugat-sugat na." "Pero paano po iyong pangarap kong rebound? 'Nay, please! Gawaan mo po ng paraan." Paglalambing ni Vella rito. Napabuntonghininga naman si nanay at tumango. Tiklop sa spoiled brat n'yang anak. Tahimik na lang ako. "Ikaw pala ang maghugas ng mga kinainan." Biglang hirit ni Nanay. Napasimangot naman si Vella. "'Nay, hindi po ako pwedeng maghugas ng plato. Gagaspang po ang kamay ko. Dapat po'y minsan lang sa isang linggo. Ayaw ko pong gumaspang ang kamay ko." Maarteng ani ng kapatid ko. Wala sa sariling nadampot ko iyong laruan ni Via na stuffed toy. Maliit lang at malambot. Pero nakuha no'n na tumama sa ulo ng kapatid ko. "Ate!" reklamo nito. Tumaas pa ang tinig nito sa akin na parang inis na inis. Tinitigan ko siyang muli, pero mabilis itong napaiwas ng tingin sa akin. "Wala ka bang ibang sasabihin, Vella? Iyong puro kaartehan mo lang ba ang ipaparinig mo sa amin ni Nanay?" kalmadong tanong ko rito. "Wala po akong dapat sabihin." May kasama pang pag-irap. "Ako mayroon---" "Vee," nakikiusap na saway ng aking ina. "May gusto akong sabihin, Vella." "Hindi ako interesadong marinig pa iyang sasabihin mo, ate. Magpapahinga na po ako, 'nay." Paalam nito sa nanay namin na akala mo'y si Nanay lang ang tao rito sa kusina. "Sige na, Vella. Tiyak kong pagod ka sa eskwela." "Pagod? Totoo?" sarcastic na tanong ko. "Opo, ate. Pagod ako sa school. Ginagawa ko ang best ko para makapagtapos nang pag-aaral. Dahil nakikita ko na ako lang ang may pangarap sa pamilyang ito. Ako lang iyong makakapag-ahon sa pamilyang ito sa kumunoy nang kahirapan." "Nag-aaral kang mabuti?" ani ko. Saka ako malakas na natawa. "Oo!" inis na ani ni Vella. Tumayo ako at lumapit sa kalan. Sa mga gatong na nakaimbak ay kinuha ko ang mga papel na nakasiksik doon. Inihatid ko ang mahigit sampung papel na nakuha ko sa basurahan na sana'y gagamitin ko para pamparingas. "Ikaw na lang ang pag-asa? Oh, putanginang score iyan." Si Nanay na mukhang hindi nauunawaan ang gusto kong iparating ay dali-daling tinignan ang mga papel. "3/30? 2/50/? 10/40?" basa nito sa mga scores na nakamarka sa papel. "Oh, huwag n'yo akong i-judge dahil lang sa scores ko. Perfect ako sa ibang subject." "Anong subject? Baka kahit sa edukasyon sa pagpapakatao ay hindi ka maka-score eh." "Nay!" ani ni Vella na maiyak-iyak na. "Vee." Ito naman si nanay. Nakikiusap na naman ang tinig. "Fine. Kalimutan na natin ang mga bagsak mong score. Ibalik mo ang pera ko." Alam ko namang hindi na iyon maibabalik pa sa akin. Pero gusto ko lang malaman nito na hindi ako magpipikit-mata dahil lang nakiusap na si nanay. "A-te?" "Ibalik mo sa akin ang pera ko." Pero umiling ito. Maiyak-iyak pa nga ito, eh. "Vee, grabe ka naman sa kapatid mo. Alam mo namang kailangan nya---" "At tayo? Hindi ba natin kailangan, 'nay?" tanong ko rito. Mahinahon pa rin naman. "Pambili ng bigas at ulam na iyon. Pambayad na rin sa mga dapat bayaran." "Ibabalik ko na lang. Isipin mo na lang na utang iyon. Babayaran ko sa 'yo kapag nagkatrabaho na ako. Mas mahalaga pa sa 'yo ang pera. Kaysa sa akin na kapatid mo." Madramang ani ng kapatid ko dahilan para mapatawa ako. Kaya napa-walkout ba ito. Tinignan ko ang aking ina. "Itaga mo sa bato ito, 'nay. Iyang mga anak mong hinahayaan mong lumaki ang sungay ay siyang manunuwag sa 'yo." Saka ko ito nilayasan. Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Saktong pumaparada ang nobyo kong si Jay-r. Takang napatitig ako dahil huminto iyon na ang sakay ay si Veronica na nasa loob. Bumaba ito dala ang mga gamit nito. Mga bag na iniiwan naman nito sa bahay ng ama sa tuwing umuuwi siya. Bumaba rin si Jay-r na agad itong tinulungan sa pagbubuhat ng mga gamit. "Anong nangyari?" takang ani ko. "Vee, tinawagan ako ng kapatid mo. Nagpasundo sa akin dahil marami raw siyang dala." Tinignan ko si Veronica na nakasimangot na lumakad papasok. Sinipa pa nga nito ang tarangkahan para iyon ay bumukas. Nakatitig lang ako sa babae. Hindi ako makapaniwalang nakatitig dito. "Tinitingin-tingin mo d'yan? Tanggal na ako sa trabaho ko." Oh, bakit parang kasalanan ko pa na tanggal na ito sa trabaho n'ya? Saktong lumabas si Von kaya ito na ang tumulong sa mga bag ni Veronica. Ako naman ay hinarap ko si Jay-r. "Mahal ko, gusto mo bang mag-goto tayo? May tira sa pinamasada ko. Tara?" excited na yaya nito. "Busog ako. Bakit ikaw ang kinontak ng kapatid ko?" tanong ko rito. "Gabi na, Vee. Wala raw sumasagot sa tawag n'ya sa mga kakilalang kinontak n'ya. Kaya ako na lang. Natanggal ata sa trabaho ang kapatid mo. Pagdating ko kanina ay ibinabato ng boss n'yang babae iyong mga damit at bag n'ya sa labas ng gate. Tapos sinisigawan ang kapatid mo na malandi raw." "Binayaran ka ba nya---" "Huwag na. Kawawa rin naman ang kapatid mo." Bumuntonghininga ako't nagpasalamat dito. "Sama ka? Kahit sa park lang tayo." "Gabi na, Jay-r. Umuwi ka na't magpahinga na rin. Bukas na lang. Maghahanap ako ng trabaho. Hindi pwedeng matagal akong mabakante." "Vee, trabaho ba kamo?" singit ng ginang na may-ari ng tindahan. "Mag-abroad ka na kasi. Malaki ang kita sa abroad. Chill-chill ka lang ay kikita ka na ng libo-libo." Anong klaseng trabaho naman iyong kikita ka tapos chill-chill lang? Walang gano'n! Ano ba namang klaseng mindset ng mga tao iyan? "Manang Guadalupe, hindi po mag-a-abroad si Vee. Malapit na po kaming bumuo ng pamilya." Seryosong ani ni Jay-r. "Huwag n'yo po siyang ginogoya sa ganyang bagay. Magagalit po ako kung aalis siya." "Naku! Jay-r, hindi kayo mabubuhay ng pag-ibig. Aba'y hindi ko nga nakikita ang future ni Vee sa 'yo. Baka nga kapag nag-asawa ng afam iyan ay mas gumanda pa ang buhay." "Manang!" bakit kaya may mga taong nasobrahan sa pagiging mapapel. "Aba'y ako naman ay nag-aalok lang ng opportunity. Kung ayaw n'yo, eh 'di don't. Habang buhay kayong maghirap. Iyan ang gustuhin n'yo. Tsk!" Saka ito lumayas na parang walang ginawang masama. Napakagatlabi ako. "Iyon ba ang naiisip mo ngayon, Vee? Sa tingin mo ba'y mas okay ang buhay mo kapag afam ang makatuluyan mo?" Masama ang naging tingin ko sa lalaki. "Bobo ka ba?" asik ko rito. Nakakapikon din itong lalaking ito. Kuhang-kuha n'ya rin ang inis ko eh. "V-ee," "Bakit? Iyong afam ba ang mahal ko? Ikaw. Ikaw ang mahal ko, Jay-r. Ikaw lang... sapat na. Ikaw. Ang bait mo. Ang haba ng pasensya mo. Ang gwapo mo." Pero sumagi sa isipan ko iyong gwapong lalaki na reckless magmaneho. Iyon. Gwapo iyon. Tunay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD