bc

VEE MORIETTA - HIDDEN PAST

book_age18+
3.2K
FOLLOW
47.3K
READ
one-night stand
HE
badboy
drama
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Kailangan mo ng pera? Kailangan ko ng asawa. Marry me, Vee. I'll pay you."

Blurb

Pagod na si Vee na pasanin ang lahat ng responsibilidad bilang ate. Pero para sa pamilya ay handa n'yang gawin ang lahat maiahon lang sa kahirapan ang magulang at mga kapatid. Nag-abroad siya para makatulong sa kanila. Ngunit pagkatapos ng ilang taong pagdurusa sa ibang bansa ay kinailangan n'yang umuwi sa Pilipinas. Walang ipon. May baon pang trauma pag-uwi. Pero nakilala n'ya si Fifth Zimmer. Ang gwapong lalaki na umangkin sa kanya sa isang hotel dala nang kalasingan nilang dalawa. Nang magising siya sa tabi ng gwapong lalaki ay agad pumasok sa isipan n'ya na tumakas. Sa ginawa n'yang pagtakas at pagbalik sa probinsya ay akala n'ya ay pwede na siyang magsimula muli. Pero magulong buhay pa rin ang dinatnan n'ya roon. Pagod na si Vee... pero biglang sumulpot ang lalaki sa kanyang harap habang pagod na pagod na siyang lumaban. Inaalok siyang sumama sa siyudad. Inaalok siya ng kasal. Ito na nga ba ang pagkakataon n'ya para tuluyang piliin ang sarili? Paano kung maungkat ang nakaraan n'ya na may kinalaman sa isang lihim na pinakatatago-tago niya at ng kanyang ina? Matatanggap kaya siya ni Fifth?

chap-preview
Free preview
1
Chapter One "Susan, nasaan ang pagkain?" malakas na kalabog ang narinig ko mula sa kusina. Agad kong binuhat si Via na takang yumakap sa leeg ko. Nagulat ito sa ingay nang nabasag na plato. Bukod sa nabasag na plato ay may sumunod pang lagabog sa kusina. Si Via na takot na takot ay dali-dali kong dinala sa kwarto naming makakapatid. "Bantayan n'yo muna si bunso." Ipinasa ko agad kay Vicky ang tatlong taong gulang na si Via. "L-asing na naman si tatay?" tanong ni Vella sa akin. May nginig sa tinig nito. "Lasing na naman. Kayo na muna ang bahala sa bunso nating kapatid. Saka ko isinara ang pinto at nagmartiya na patungo sa kusina. Muntik pa akong tamaan ng takip ng kaldero na ibinato ni tatay. "'Tay!" ani ko sa ama na sunod na sinipa ang upuan. "Pagkain! Gutom ako." "Akala ko kasi ay hindi ka kakain. Iyong niluto ni Vee kanina ay dalawang gatang lang. Totoo bang ipinautang mo kay Pareng Tukmol iyong bigas natin? Dalawang kilo't kalahati na lang iyon." "Ano naman kung pinautang ko? Ako naman ang bumili no'n ah! Saka pinautang ko iyon para hindi n'ya magalaw iyong perang pambilog namin. Nagrereklamo ka, Susan?" mariin akong napapikit dahil sa dahalan ni tatay. "Oh, ano pang hinahanap mo? Naibigay mo na sa kapitbahay iyong bigas. Wala na tayong pagkain. Kulang pa nga sa pamilya mo iyong bigas. Tapos ipinamigay mo pa." Pilit nagpapakahinahon na ani ni Nanay Susan. "Gutom ako." Sigaw ni Tatay Tanggol. "Makikain ka sa kapitbahay." Galit na ring sigaw ng nanay ko. Dahil sa palabang sigaw nito ay nasipa na naman tuloy ni tatay ang isa pang upuan. "Oh, ilang upuan at plato pa ang plano mong basagin?" tanong ko sa aking ama. Saka ako naupo sa upuang nasa harap ng lasing kong ama. "Iyang nanay mo kasi! Ginugutom ako." "Singilin mo si Pareng Tukmol. Sabihin mo kailangan iyong bigas. Ipagsasaing kita at ibibili ng sardinas para makakain ka." Mahinahong ani ko sa aking ama. "Wala silang makain, Vee." Lasing na ani ng ama ko. "Ikaw rin. Wala ka ring makain. Kung gutom ka ay roon ka sa mga kainuman mo kumain, 'tay. Mamayang gabi pa ihahatid dito ang sahod ko sa palengke. Mamaya pang gabi makakabili ng bigas at ulam." "Okay, 'nak." Iniyukyok na lang ni tatay ang ulo n'ya sa mesa. Pero tinapik ko ang balikat nito. "Huwag ka munang matulog. Linisin mo iyong mga kinalat mo." Hindi ko siya tinigilan nang yugyog. Kaso tulog na ito. "Hayaan mo na, Vee. Ako na ang maglilinis ng kalat ng tatay mo." Kalmado na si nanay. "Pupunta na ako ng palengke, 'nay. Kunin ko na iyong sahod ko. Makikiusap na lang ako kay Manang Nela na ibigay na agad ang limang araw na sahod ko sa palengke." "Sige, 'nak. Tapos iyong utang natin sa tindahan ay bayaran mo na." "Magkano, 'nay?" tanong ko rito. "520, anak. Iyong bigas at ulam no'ng nakaraan. Tapos iyong binaon ng mga kapatid mo sa eskwela." Tumango ako pero mariin akong napapikit. 200 lang a day ko sa palengke. Mula 4 am hanggang 12 ng tanghali. Isang libo lang ang sahod ko ngayong linggo. Sabado at linggo kasi ay wala namang pasok. 520 agad ang malalagas sa sahod ko. Tapos ibibili ko pa ng bigas at ulam para mamayang gabi. Kailangan mapaabot hanggang bukas iyon. Dahil bukas pa ng gabi ang dating ni Ate Veronica na nangangamuhan. "Hoy, Vee! Psst!" sitsit mula sa tindahang nilagpasan ko. Ang daming nakatambay na matanda roon. Nagtsitsismisan. Pero nangibabaw pa rin ang boses ni Manang Guadalupe na siyang may-ari ng tindahan. "Bakit po, Manang Guadalupe?" tanong ko rito. "Ito naman... painosente ka na naman. Iyong bayad n'yo sa utang n'yo rito sa tindahan ko. Pangako ng nanay mo ay ngayong sabado ang bayad." "Kukunin ko pa lang po iyong sahod ko sa palengke. Idaan ko na lang po mamaya." Mahinahong ani ko kahit na parang lulubog na sa hiya. Napapailing kasi iyong matatanda na naririnig ang pag-uusap namin ni Manang Guadalupe. "Narinig ko na iyan dati pa." Masungit na ani ng ginang. "Magbayad kayo ng utang. Iyang nanay mo kasi... palautang." Gigil na ani ng ginang. "Babayaran ko po. Alis na po ako, Manang Guadalupe. Para makabayad na ako sa 'yo. Kukunin ko lang." Paalam ko. Nagbululungan iyong mga tsismosa. "Aba'y ang laki nang sinasahod ng tatay sa construction. Kulang pa sa kanila. Hindi kasi marunong mag-budget iyang si Susan. Ang swerte na nga n'ya kay Tanggol." Dinig kong ani ng isang ginang. "Hirap tuloy sa buhay ang mga iyan. Anak rin kasi ng anak. Ito namang si Susan gustong-gusto." Nagtawanan sila. Pero imbes na patulan ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nilakad ko na lang ang daan patungo sa palengke. Nag-shortcut na lang din. "Manang Nela," tawag ko sa ginang na nagsasara na ng pwesto. "Oh, bakit nandito ka? Ihahatid ko naman iyong sahod mo sa bahay n'yo." "Manang, kunin ko na lang dito. Bibili po kasi ako ng bigas at ulam para sa bahay." "Okay, sige! Sandali lang." Pumasok ito sa pwesto at kumuha ng isang libo. May bitbit din itong plastic. "Ito ang sahod mo. Tapos ito... sa 'yo ito." Takang tinanggap ko ang pera at plastic na iniabot nito. "Ano po ito?" takang sinilip ko ang plastic. Tatlong pirasong panty. "Puro ka kasi tulong sa pamilya mo. Ultimo panty ay hindi mo na mabili sa sarili mo. Tinatawanan ka na no'ng mga dalagang tindera sa kabilang pwesto. Nakita raw nila na de-goma na lang ang panty mo." Nahiya naman ako. "Sa 'yo iyan, Vee. Baka ipamigay mo pa sa mga kapatid mo ha. Iyo iyan, sarili mo naman ang unahin mo." "Salamat po, Manang Nela." "Ay, sandali lang. Kukunin ko lang iyong gulat na tira at medyo lanta na. Sabi mo'y gusto mong iuwi iyon." "Opo, Manang. Malaking tulong po iyon sa amin." Maraming nagsasabi na masyado akong madiskarte. Sa totoo lang ay puro na lang talaga diskarte. Para sa pamilya iyon. Pero madalas ay kulang pa. Anim kaming magkakapatid, si Ate Veronica ay nangangamuhan. Si Von at Vicky na kambal ay hindi na nag-aaral. College na sana ang mga ito. Pero dahil walang pang-aral ay tigil muna. Si Vella na kinse ay high school naman at nag-aaral. Ang pinakabata si Via. Tatlong taon. Sa susunod na pasukan ay pwede nang i-enrol sa daycare. Sa pamilya na may walong miyembro ay kulang pa ang isang kilo sa isang lutuan. Pero tipid-tipid na lang. Madalas kapag sobrang kulang ay hindi na ako kumakain. Tubig-tubig na lang. Basta busog ang pamilya. Nang makuha ko ang mga gulay na hindi na ititinda ni Manang Nela ay agad na akong nagpaalam. Bumili ako ng bigas at ulam na paa ng manok. Gatas din ni Via na naka-sachet lang. Pagkatapos ay umuwi na rin agad. Dumaan sa tindahan at nagbayad ng utang namin. "Salamat po, Manang Guadalupe." "Iyan! Dapat lang na magbayad." Ngiting-ngiti na ani ng ginang. "Ay, Vee!" awat nito. Akma sanang aalis na ako. "Po?" ani ko rito. "Masipag ka naman. Baka gusto mong mag-apply ng trabaho sa abroad." "Po?" hindi ko naman naisip na mag-abroad. Ano namang alam ko roon? "Pag-isipan mo. Kung magustuhan mo ay pwede kang kunin no'ng anak ko. Kailangan daw ng kasambahay no'ng kapatid ng amo n'ya. Bente mil isang buwan doon. Mapapayaman mo ang pamilya mo kapag nag-abroad ka. Ilang taon ka na?" "22 po, Manang." "Mag-abroad ka na lang. Aayos ang buhay n'yo kung mag-ofw ka." Napaisip ako. "Pag-isipan mo, ha." "Sige po." Sagot ko na lang. Nasa Kuwait iyong anak nito. Sa totoo lang ay asensado naman sila simula no'ng nag-abroad si Kateren. Kaklase ko si Kateren noong high school at pangarap talaga nitong makapag-abroad. Naglakad na ako pauwi. "Ang tanga-tanga mo! Kita mo ba iyong gasgas? Bobo ka ba?" nakiusyoso ako. Tinignan ko ang kaguluhan. Nakita ko si Von na sabu-sabunot ng ginang na kapitbahay namin. "Von!" malakas kong tawag. Saka dali-dali akong lumapit. Tinabig ko ang ginang para maalis ang kamay nito sa pagkakasabunot sa kapatid ko. Mas lalo lang itong nagalit. "Mabuti naman at nandito ka na. Tignan mo iyong ginawa ng tangina mong kapatid. Ginasgasan n'ya ang kotse ko." Turo ni Manang Isidra sa kotse nito. Napatingin naman ako at napasinghap nang makita ang sinasabi nitong gasgas. "Ate, hindi ko naman sinasadya. Nawalan ng preno iyong bike na hiniram ko. Tumalon ako. Tapos iyong bike dumeretso sa sasakyan." Mariin akong napapikit. "Manang Isidra, hindi mo po kailangan saktan ang kapatid ko. Pag-usapan po natin ito." "Walang dapat pag-usapan. Bayaran n'yo iyan." "M-agkano po?" tanong ko. Mali ng kapatid ko ito. Malaking perwisyo ito sa kapitbahay namin. "Bente mil! Bayaran n'yo ako ng bente mil." Galit na ani ng matanda. Para akong nahilo. Parang sumakit ang ulo ko. "W-ala po kaming pera." Napayukong ani ko. "Ipakukulong ko na lang iyang kapatid mo." Akmang susugod pero mabilis kong iniharang ang katawan ko. "B-abayaran ko po. P-ero hulugan." Pakiusap ko. "Hindi! Ipakukulong ko iyan." Buti na lang at may dumating na barangay. Pinigilan si Manang Isidra sa pagwawala n'ya. Sa barangay ay nagkasundo na huhulog-hulugan ko ang malaking halaga na atraso ng kapatid ko. Ako ang nangako, pangalan ko ang nakalagay. Bagsak ang balikat na umuwi kami. Hinang-hina ako. Saan ko kukunin iyong gano'n pera? Dumating ang araw ng linggo. Dumating si Veronica. Iyak nang iyak. "Anong nangyari sa 'yo?" tanong ko rito. "Vee, na holdap ako. Iyong sahod ko kinuha." Iyak nito. Pero bumagsak ang tingin ko sa paper bag na dala nito. May bago rin itong suot na kwintas at hikaw na silver. Napabuntonghininga ako. "Huwag ka nang umiyak, ate. At least okay ka." Naiiyak ako sa stress. Akala ko pa naman ay matutulungan ako nito sa problema sa isa naming kapatid. Pero wala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook