6

2140 Words
Chapter Six "Ate!" excited na binuksan ni Vicky ang tarangkahang kahoy nang makita ako nitong papasok. Wala akong bitbit na kahit ano ngayon. Pero kahit gano'n ay excited pa rin akong sinalubong ng kapatid ko. Agad kong kinuha si Via na buhat nito saka gigil na hinalikan sa pisngi at leeg ang bunso naming kapatid. "Sinong nasa bahay ngayon?" tanong ko rito. "Kami lang po ni Via, ate. Naglabada si nanay. Si Von ay hindi ko alam kung nasaan po. Tapos si Vella ay hindi pa po nakauwi. Baka naghahanap na ng gown at heels n'ya." May kasama pang pag-irap na ani ng kapatid ko. "Gano'n ba, tara muna sa loob." Yaya ko. Ala-una palang naman ng hapon. "Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila. "Opo, ate. Nag-ulam kami ni Via ng sardinas. Gusto mo po bang kumain? Ipagsasandok po kita." Alok ng kapatid ko pero mabilis akong umiling. "Magbihis ka. Kakain tayo sa labas." "Ha? Tapos na po ako, ate. Gano'n din po si Via. Saka sira po iyong lamesa sa labas, ate." Natawa ako't napailing. "Kakain tayo sa Jollibee." Nanlaki ang mata nito. "Jabibi?" ani ni Via na hinawakan pa ang pisngi ko para mapatingin ako sa kanya. "Opo, kakain tayo sa Jollibee." "Ate, wala ka na pong pera." Worried na ani ni Vicky sa akin. "Nakadiskarte ako, Vicky. Sige na, bihis ka na." Saka ko dinala si Via sa kwarto. Kinuha ko iyong bago nitong damit. Pero takang-taka ako nang makitang isa lang iyon. "Vicky!" "Ate?" ani ng kapatid ko. "Nasaan iyong isang bagong damit ni Via?" tanong ko rito. Agad napaiwas ng tingin ang kapatid ko. "Vicky?" "A-te, si nanay po. Kinuha n'ya po kanina. Umiyak nga si Via eh. Kasi sabi ni Via na sa kanya iyon. Kaso po mamaya raw ay dederetso siya sa isang kainan. Binyagan po ata. Ireregalo raw po n'ya." Mariin akong napapikit. "Sorry, Ate Vee. Pinigilan ko naman po. Pero sabi po n'ya ay para raw hindi nakakahiyang magbalot mamaya. At least daw po ay may maiaabot siya." Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil baka tuluyan nang masira ang araw ko. "S-ige, magbihis ka na. Dalian mo. Ibibili ko na lang ulit si Via." Napangiti ang batang naghihintay na bihisan ko nang marinig ang sinabi ko. Deserve ng dalawang ito ang mailibre sila. Saka hindi pa nila naranasang makapasok sa Jollibee. Lalo na si Via. Alam kong curious din sila sa kainan na iyon. Naranasan ko naman na. Inlibre ako ng nobyo kong si Jay-r. Kapag nakaluluwag-luwag ito ay sinusubukan talaga nitong mailibre ako sa mga gano'n kainan. Kahit doon sa isang hotel daw iyon. Sinubukan din n'ya akong ipasok doon. Masarap daw ang fried chicken doon. Ano na bang pangalan ng hotel na iyon? Nagsisimula iyon sa S eh. Pero kailangan daw namin mag-check in doon para matikman iyong fried chicken. Hindi nga lang ako pumayag kahit na na-curious ako sa fried chicken. Kahit na sinabi n'yang quickie lang daw. Ewan ko. Hindi ko talaga feel sumama no'ng time na iyon. Kasi pansin ko sa mga lumalabas doon. It's either pagod na pagod or iika-ika. Hindi n'ya ako napigilit no'n. Kaya ang bagsak namin ay roon kay manong na nagbebenta ng 15 pesos na manok. "Ganda ba Via, ate?" tanong nito sa akin. "Sobrang ganda ng Via namin. Manang-mana kay Ate Vicky at Ate Vee." Kamukhang-kamukha kasi namin ni Vicky si Via. Ang kaibahan lang ay maputi ito na parang kulay gatas. Sa mata nga lang din ang pagkakaiba. Parang mata ng foreigner. "No kay Ate Vella. Bad siya. Pangit pa." Nakaingos na ani ng bata. "Hoy!" natawang saway ko. "Maganda si Ate Vella. Bad girl nga lang. Pero love pa rin natin siya." "Kurot n'ya ako, eh." Tsk. Naalala ko na naman. Ako na lang ang babawi. Kukurutin ko talaga ang bruha na iyon kapag nabigyan ako nang pagkakataon. Nakapagbihis ang dalawa. Si Vicky na ang nagsara ng pinto saka kami umalis. Sa ibang daan kami dumaan dahil baka makasalubong namin ang ibang kapatid o kaya si nanay. Baka iyong chance na makakain sa labas ay mauwi sa pagkain sa labas lang ng bahay. Nag-tricycle rin kami na ikinatuwa ni Via. Taong bahay lang din kasi. Bihirang makalabas. Nang makarating kami ay agad akong nagbayad ng trenta saka kami pumasok sa kainan. "'Te, totoo ba ito?" kinikilig na ani ni Vicky. "Oo, totoo. Order ka na." Udyok ko rito. "Si ate naman, hindi po ako marunong." Napatingin kami roon sa malaking cellphone. Hindi ko alam ang tawag, eh. "Tara, pila na lang tayo sa kahera. Hindi ako marunong sa ganyan." Turo ko sa device kung saan iyong iba ay pumipila para i-tap doon ang order nila. Pumila na lang kami. "Anong gusto mo?" tanong ko sa kapatid ko. "Ikaw na lang ang pumili, ate. Tapos hahanap na kami ng pwesto ni Via." "Sige, ako na lang." Sa totoo lang ay may pera naman ako na hawak. Pero may kaba sa dibdib ko kahit na o-order lang naman ng pagkain. Halatang hindi sanay. Nakapagdesisyon pa rin naman ako na iyong may chicken 'n spaghetti na lang ang kunin. Ang pares no'n ay coke. Tatlong order para sa aming magkakapatid. Mabilis lang din naman akong nakapagbayad at nai-serve rin agad sa akin. Buhat ko ang isang tray, habang iyong isa ay dinala na ng staff. Napapalakpak pa ang kapatid kong si Via nang makitang palapit na ako dala ang pagkain. "Hala, ate! Mahal po siguro ito." "Okay lang. Basta ubusin natin ito." Ako ang umasikaso kay Via, habang si Vicky ay galak na galak na kumain. Ang sarap nilang kuhanan ng larawan. Kaso wala akong cellphone. Hindi ko afford ang cellphone na de kamera. Dahil mas pipiliin kong ipambili ng bigas at ulam kaysa pagtuunan ang gano'n bagay. "Yummy!" ani ni Via. Pinunasan ko ang baba nito at palibot ng labi dahil nagkalat na ang sauce ng spaghetti roon. "Ang sarap, Ate Vee." "Sige lang. Magpakabusog kayo. Tapos mamaya ay bibili tayo ng damit at tsinelas n'yo." "May pambili ka po, ate?" takang ani ni Vicky. "Sure ka po?" "Muntik na naman akong mabangga kanina, Vicky. Binayaran ako no'ng taong iyon kaya may pera ulit tayo." Pinanlakihan ako nito ng mata. "Ate, bakit pakiramdam ko'y scam iyan? Sure ka bang muntik ka talagang mabangga? Ate, mahirap lang tayo. Pero hindi tayo budolera." Napahagikhik ako. "Legit naman iyon, Vicky. Tignan mo." Ipinakita ko pa ang siko kong may benda. "Ayos ka lang po?" "Oo. Sige na, ubusin iyan." Turo ko sa pagkaing nasa plato pa n'ya. Sarap na sarap ang mga ito. Gano'n din naman ako. Iyong tira ni Via na chicken 'n spaghetti ay si Vicky na ang inutusan kong umubos no'n. Nang lumabas kami ng kainan na iyon ay pare-pareho kaming busog. "Ate pangit! Ate pangit!" buhat ko si Via habang papasok ng palengke nang marinig kong sinabi n'ya iyon. "Ha?" "Ate pangit!" muli nitong ani sabay turo sa isang direction. Agad kong ipinasa kay Vicky si Via nang makita ko si Vella. Sumenyas din ako kay Vicky na mauna na. Saka ako tahimik na lumapit sa pwesto ni Vella. Nasa isa itong rental store ng mga gown. Kasama nito ang mga kaklase n'ya na ka-level n'ya nang kaartehan. Nag-iinit ang ulo ko. Pero natigilan ako nang makita ko ang masayang ngiti ng kapatid ko. Marahan nitong hinahaplos ang isang pink na gown. Habang nakikinig ito sa sinasabi ng kaibigan n'ya. "Bagay na bagay sa 'yo iyan, Vella. For sure ay sakto sa 'yo iyan." "Ang ganda nito. Pangarap ko ito. Last year ko pa ito nakita. Gandang-ganda ako rito." "Ang swerte mo nga, eh. Binigyan ka na ng budget." May ingit sa tinig na ani ng kaibigan nito. "Para raw makuha ko agad itong pangarap kong gown." Masayang ani ni Vella. Napabuntonghininga ako. "May pambili na nga rin ako ng heels. Iyong sa makeup, didiskartahan pa ni mommy ko." Mommy? Potah, eh nanay lang ang tawag namin sa nanay namin. Anong mommy? "Sana all talaga. Sige na, isukat mo na. Para makita na natin kung sakto sa 'yo." "Sige, excited na ako." Iyong plano kong pagpuna kay Vella tungkol sa ninakaw nitong pera ay hindi ko na naituloy. Umatras na lang ako't binalikan sina Vicky. "Ano, 'te? Sinita mo ba? Nahabol mo ba iyong pera mo?" tanong nito sa akin. Umiling ako. "Hindi?" "Hayaan na natin." "Bakit hahayaan? Ninakaw n'ya iyon." "Hayaan na lang natin, Vicky. Ang saya-saya ni Vella roon." Napabuntonghininga pa ako. "Hays. Ang lambot-lambot mo talaga sa amin, Ate Vee. Hindi deserve ni Vella iyon. Pero ito ka't hahayaan mo pa." "Kakausapin ko na lang mamaya." "Kailan ba nakinig sa 'yo iyon? Tsk. Hindi naman marunong makinig ang isang iyon, ate. May sarili siyang desisyon sa buhay. Ang sarap sapukin." "Hayaan na. Mag-enjoy na lang tayo para makalimutan natin iyong stress natin sa bahay." "Stress... meaning si Nanay? Si tatay? Si Ate Veronica? Si Von? Si Vella?" "Pasaway ka. Halika na nga." Hinila ko na siya patungo sa damitan. Isang pares ng damit kay Vicky na tag-120. Tapos tatlong pares ng damit kay Via na tag-50 isang pares. Hindi ko rin nakalimutan na bilhan ng panty ang dalawa. "Ate, wala kang binili para sa sarili mo." "Mayroon. Bibili tayong tsinelas. Pati ako ay bibili rin." Nagtungo kami sa mga tsinelas at nagsukat. Tag-50 lang naman kaya hindi na ako nag-alinlangan na bumili. May bagong tsinelas si Vicky, gano'n din si Vella. Masaya ang mga ito... masaya na rin ako para sa kanila. Pagkatapos naming mamili ay umuwi na rin kami. Wala pa ring tao sa bahay. Kaya nagpasya kaming magpahinga na muna. Nagising lang ako dahil sa kalabog sa kusina. Agad akong bumangon. Kalabog ng takip ng kaldero na ibinabagsak. Pagsilip ko ay nakita ko si tatay. Alas-5 pa lang ng hapon. Pero narito na siya. Sa itsura n'ya ay parang lasing na naman. "'Tay?" seryosong tawag ko sa aking ama. Iyong iretable nitong expression ay nagbago. "Gutom ka ba?" tanong ko. "Oo, 'nak." Lumapit ako sa kalan kung nasaan ang kaldero. May kanin pa roon. Pero walang ulam. "Sandukan kita, 'tay. Maupo ka na." Kumilos naman ito at naupo nga. Nagsandok ako ng kanin saka bumalik sa kwarto. Kumuha ako ng sardinas sa cabinet at iyon ang inihain na ulam dito. Umupo rin ako para samahan ito sa kusina. "Uminom ka na naman." "Napainom lang, 'nak. Nayaya ng mga kaibigan." "Kailan ka titigil sa pag-iinom mo?" "Aba'y libangan ko lang ito, Vee." Tuloy ito sa pagkain na para itong gutom na gutom. Bumuntonghininga ako. "Nasaan nga pala ang nanay mo?" "Nakibinyag, 'tay." Sagot ko rito. "Ah, kaya pala laman na naman siya nang usapan sa labas." "Po? Bakit po?" takang tanong ko. "Sabi nila'y mangunguna na naman sa pagsha-sharon iyon. Kung pwede nga lang daw i-ban sa handaan ay hihilingin nila. Ang lakas daw magbalot ng handa." Masakit iyon, ha. Kahit gano'n ang nanay ko ay alam kong ginagawa lang n'ya iyon para makatikim din kami rito sa bahay ng mga gano'n pagkain. Napagtsitsismisan siya dahil doon. Mahal na mahal ko sila kahit madalas nilang ubusin ang pasensya ko. Kaya iyong marinig na laman na naman ng usapan sa labas ang mga ito ay naninikip ang dibdib ko. "H-uwag na lang nating pansinin, 'tay. Gano'n talaga. May masasabi at masasabi ang mga tao sa mga bagay-bagay. Kapag nakaluwag na tayo ay hindi na ni nanay kailangan na gawin iyon." "Nalulungkot ako, 'nak. Nagtratrabaho naman tayo. Pero hindi pa rin tayo makaahon. Iyong mga kaibigan ko. Hindi naman sila ganito kahikahos. Mas mataas pa nga ang sahod ko kung tutuusin. Pero talagang lugmok tayo." Tumayo ako't kumuha nang inumin nito. "Hindi naman tayo hikahos kung hindi n'yo ipinamimigay sa iba iyong mga bagay na mayroon tayo. Masyado ka kasing maawain, 'tay." "Sorry, 'nak. Sorry kung ganito ang tatay mo." "Nagso-sorry ka pero ginagawa mo pa rin, 'tay. Dapat ay unahin mo munang isipin ang mga anak at asawa mo." Kalmado ang boses ko. Nakakapagod din naman kasi na palaging galit, eh. Bumuntonghininga si tatay. Uminom ito sa basong nilagyan ko ng tubig. Pagkalapag pa lang nito ng baso ay may narinig na kaming sutsot mula sa gilid ng bahay. Sa gilid ay bakuran na ng tropa nito. "Abot mo na rito iyong bigas na hinihiram ko." Dinig naming ani ng kaibigan ni tatay. Mariin akong napapikit. "Wala po kaming bigas. Kayo na lang po ang magpautang." Seryosong sagot ko. "Anak ng... andyan ka pala, Vee." Nagulat na ani ng matandang lalaki. Anong Akala nito? Si tatay lang ang nasa kusina? Gulat na gulat ito na parang nahuli. "Huwag na pala." Iyon na lang ang huli kong narinig saka ito bumalik sa bahay n'ya. Tinignan ko si tatay. Disappointed akong iniwan ito pagkatapos ko itong matagal na tinitigan. "Vee," tawag nito sa akin. Pero hindi ko na ito pinansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD