5

1949 Words
Chapter Five Maaga pa lang ay gising na ako. Wala na akong trabaho sa palengke, pero plano kong magtungo roon para maghanap ng trabaho. Ako na ang nagluto para sa pamilya. Si Via na maagang nagising ay kasama ko sa kusina at busy lang naman na naglalaro. Si tatay na gumising ng alas-5 ay maagang kumain dahil may pasok pa siya. "Anak, ito ang limang daan. Magbayad ka ng kuryente natin. Tapos ito ang dalawang daan. Mamalengke ka nang pananghalian n'yo. Pagkasyahin mo." Paboritong linyahan ng aking ama. Sa dami ng anak n'ya... iyon ang paborito n'yang linya. Si Vella na gumising ng alas-6 ay akala mo'y prinsesa na inasikaso ni nanay. Ultimo pagsandok ng pagkain ay si Nanay pa ang gumawa. Pero halatang maganda ang mood ng kapatid ko. Nagtataka lang din ako sa tinginan ng mga ito tapos parehong mapapangiti. May iba akong kutob pero kung magsasalita at magtatanong ako'y alam kong mamasamain nila iyon. Kaya nanahimik na lang ako. Nang magising si Vicky ay nagkaroon na ako nang katuwang sa ibang gawaing bahay. Walang reklamo ang isang ito. Nakapasok na si Vella nang magising naman si Von. Ready naman na akong umalis para maghanap ng trabaho nang maalala ko ang wallet ko sa cabinet. Baka kailangan ko rin kasi ng pamasahe o kaya pampalamig. Nang makuha ko sa cabinet iyon ay binuksan ko. Oo, binuksan ko. Halos nanlambot ako nang makitang wala na iyong tatlong libo na naroon. Barya na lang ang naiwan. Humahangos akong nagtungo sa kusina dahil naroon ang pamilya ko. "Nasaan ang pera ko?" sigaw ko sa mga ito. Nagulat pa nga si Via pero hindi naman ito umiyak. "Pinagsasabi mo, 'te?" takang tanong ni Von na akmang hihigop ng kape n'ya pero nabitin sa ere dahil sa pagdating ko. "Nasaan iyong pera ko? Sinong kumuha ng pera sa cabinet?" inis na inis na tanong ko. Iyong inis ko ay abot sa mata ko, dahil agad akong nakuha. "Ate, wala po akong ginalaw." Mahinang ani ni Vicky. "Kayo?" "Oh, kagigising ko lang. Hindi ko alam na may pera ka. Huwag mo akong pagbintangan baka sikmuraan kita d'yan." Masungit na ani ni Von. Dahilan para sapukin ito ni Nanay. "'Nay?" ani ko sa aking ina. Nag-iwas ito nang tingin. "'Nay!" nagtaas na ako ng tinig. "Sumagot po kayo. Alam n'yo ba kung sino ang kumuha? Oh, kayo po ba ang kumuha?" "Anak, may pera ka naman pala---" "Meron po. Iyong ibinigay no'ng driver na muntik makabunggo sa akin. Nasaan na, 'nay?" "K-inuha ni Vella. Pambayad n'ya roon sa 1k na fee tapos magre-rent daw siya ng gown at bibili ng heels n'ya." "'Nay!" pareho pa kaming napasigaw ni Vicky nang marinig ang sagot ng aming ina. "Anak, pangarap ng kapatid n'yo iyon. Huwag n'yong pigilan---" "Pangarap n'ya? Sana nag-ipon kayo para sa pangarap n'yang iyon. Hindi naman namin kailangan i-shoulder. Hindi ko kailangan i-shoulder, 'nay!" "Nanunumbat ka ba?" inis na si nanay. Deretso ko siyang tinitigan. "Hindi, 'nay. Nagsasabi lang ako nang totoo. Vicky, tara. Puntahan natin si Vella sa school. Hindi n'ya pera iyon para gastusin n'ya." Agad humarang si nanay sa pinto. "Anak, unawain mo na lang. Papalitan na lang ng tatay mo sa sahod n'ya." "Hindi, 'nay. Muntik na akong mamatay at ang perang iyon na lang ang mahuhugot ko para rito sa bahay. Tapos gagastusin lang ni Vella para sa kapritso n'ya? Kukunin ko, 'nay." "Hindi, Vee. Huwag kang makasarili. Iyon ang kasiyahan ng kapatid mo kaya hayaan mo na. Huwag mong hadlangan." "Hindi ako ang kailangan tumupad nang kasiyahan ng kapatid ko, 'nay. Pasan ko na nga lahat dito sa bahay. Pati ba naman sa luha at kapritso nila ay ako pa? Hindi ba kayo naaawa sa akin? Nakakapagod na kayong lahat---" Isang malakas na sampal ang nagpatigil sa akin. Saka ako tinitigan ng Nanay ko na parang disappointed na disappointed siya sa akin. Mas disappointed ako. Mas pagod na ako. "Hindi kita pinalaking ganyan, Vee." Seryosong ani nito sa akin. "Bastos ka. Kung magsalita ka'y akala mo'y wala kaming ambag sa pamilyang ito. Pinagdadamutan mo na rin kami. Bakit? Dahil ba balak mo na kaming iwan? Akala mo ba'y hindi ko alam. Gusto ka nang ialis ni Jay-r dito. Mag-aasawa ka na? Kaya ganyan ka na sa amin." "Wow. Ganyan ang tingin n'yo sa akin? Nagdadamot? Nay, naririnig n'yo ba ang sinasabi n'yo? Para kasing hindi. Kailan po ako nagdamot? Halos ibigay ko na ang lahat dito sa bahay. Iniipit ko iyong pera na iyon dahil kakailanganin din naman natin iyon dito sa bahay, 'nay. Hindi pa pumasok sa isip ko ang pag-aasawa dahil alam kong kailangan n'yo pa ako rito. Paano kayo kung wala na ako rito? 'Nay, kayo ang iniisip ko palagi. Pero nakakapagod na. Pagod na pagod na ako. Siguro nga tama lang na mag-asawa na ako. Baka sakaling mabawasan ang pagod ko. Tutal balewala naman dito sa bahay iyong sakripisyo ko. Tama nga na tanggapin ko na lang iyong alok ng nobyo ko sa akin---" "Sige. Mag-asawa ka. Pero sarili mo lang ang dadalhin mo kapag umalis ka sa bahay na ito." "Isasama ko si Vicky at Via." Tumawa si nanay. "Hindi ako papayag, Vee. Dito lang ang mga anak ko. Kung mag-aasawa ka ay ikaw lang ang aalis." "Tama na iyan." Umiiyak na saway ni Vicky. "Ate, puntahan na lang natin si Vella. Baka mahabol pa natin iyong pera mo. Tara na, 'te." Lumapit si nanay kay Via at binuhat ito. Gustong-gusto naman ni Via dahil minsan lang ito nabubuhat ni Nanay. "Sige, puntahan n'yo si Vella. Pero hindi na kayo pwedeng umuwi rito sa bahay." May pagbabanta sa tinig nito. May nais iparating. Bagsak ang balikat na pinunasan ko ang luha ko. "Kitang-kita talaga ang favoritism sa bahay na ito, 'nay. Masyado n'yong tina-take for granted iyong mga taong nagpapakahirap para sa pamilyang ito. Mahal na mahal ko kayo, 'nay. Kayong lahat. Pati na ang mga kapatid ko. Pero masyado n'yo na akong sinasagad. Sobra-sobra na ang sakripisyo ko sa pamilyang ito pero hindi n'yo iyon nakikita. Sige po. Hayaan na natin iyong tatlong libong tinangay ni Vella. Hayaan na natin para sa happiness ni Vella." Tumango-tango pa ako. "A-te?" luhaan na rin si Vicky. Nasa mukha nito ang takot. Takot na umalis ako? Ah, si Vicky lang naman kasi talaga ang kakampi ko rito. "Kung aalis ka... wala kang isasama." Paalala ni nanay. Ang lakas ng loob n'yang hamunin ako ng gano'n kasi alam n'yang hindi ko naman matitiis si Vicky at Via. "Ikaw na muna ang bahala kay Via, Vicky. Bantayan mong mabuti ang bunso natin. Aalis ako. Maghahanap ng panibong trabaho." "Ate---" "Hayaan na natin iyong 3k na iyon. Kikitain ko pa iyon." Tinapik ko pa ang balikat nito saka ako lumabas. Dali-daling tinuyo ang mukha na basa na ng luha. Magbabayad muna ako ng kuryente. Saka dederetso sa palengke. Sa awa naman ng Diyos pagdating ko sa opisina ay nakapagbayad agad ako. Saka ako dumeretso sa palengke. Luminga sa magkabilang dulo bago ako tumawid. Wala namang sasakyan. Pero Jing nasa gitna na ako'y may bigla na namang sumulpot. Mariin akong napapikit. Pagod na ako, pero hindi ko naman pinangarap na mamatay. "Miss, tabi!" sigaw ng driver. Dahan-dahan akong napamulat ng mata. Nang makita ang pamilyar na sasakyan, at ang mukha ng taong nasa likod ng manibela ay hindi na nag-isip pa. Naghimatay-himatayan na ako. Baka kasi may 5k ulit. "Tangina! Nakatakas na naman." Bumagsak ako sa kalsada. Masakit. Feeling ko'y nagasgasan pa. Tinodo ko na ang pag-arte. Lalo't narinig kong bumukas ang pinto ng sasakyan nito. Saka ito bumaba. "Miss!" gigil na ani ng lalaki. "Ito na namang babaeng ito? Damn." Lumapit ito. "Ikaw na naman. Gising! Hoy!" pikon na pikon ang tinig na naririnig ko. Saka ko naramdaman ang paglapit nito at pagbuhat sa akin. "I still remember na sinabi mong sana'y iniwan na lang kita sa gilid. Iyon na lang ang gagawin ko." Sinabi ko ba iyon? Parang hindi ko naman maalala. Binuhat ako nito at lumakad ito. Mayamaya pa'y naramdaman kong inilalapag na ako nito. Seryoso? Iiwan nga lang talaga n'ya ako sa gilid? Grabe naman! "Miss." Niyugyog ako nito. Ginigising n'ya ako. "Miss, Anong klaseng modus ito? Miss!" Nangangati na akong dumilat pero hindi ko ginawa. "Damn, may gasgas ka." Naramdaman kong hinawakan nito ang braso ko at bahagyang iniangat. Iyong siko ko ang tinitignan nito. Iyon din naman kasi ang kumikirot dahil tumama no'ng bumagsak ako. "Damn you! Hinahadlangan mo ang trabaho ko." Inis na ani nito saka ko naramdaman ang muling pag-angat ko. Binuhat ako nito. Parang may sama pa ng loob nang isakay ako sa backseat ng sasakyan n'ya. Nauntog ako eh. Ang sakit no'n. Saka ito sumakay sa driver seat at umusad na ang sasakyan. Tulog-tulugan pa rin hanggang sa naramdaman ko ang antok at tuluyan nang nakatulog. Nagising ako sa pamilyar na silid. Ito rin iyong silid na una n'yang pinagdalhan sa akin. Dahan-dahan akong bumangon. Nakita ko agad ang siko ko na nakabenda. Mukhang ginamot nito iyon. "Gising ka na." Agad akong napalingon sa balcony ng mansion na ito. Papasok doon ang gwapong lalaki na parang ang sarap... hoy! Bakit naisip ko iyon? Boyfriend ko ngang si Jay-r ay hindi ko pinagnanasaan. Tapos sa lalaking ito na parang amoy baby, tapos pogi, ay gano'n ang naisip ko? Nabagok ba ako? Ah, baka dahil nauntog ako kanina. "Nasaan ako?" tuloy pa rin ang pag-arte. Luminga-linga na akala mo'y takot. "Stop with the act, miss. Hindi ka ba marunong tumawid ng kalsada? Bobo ka ba." "Tengene nito, makabobo wagas!" pikon na ani ko saka bumaba na ako ng kama. "Ikaw ang bobo. Hindi ka marunong magdahan-dahan. Paano kung nabundol mo ako? Paano na lang ang pamilya kong umaasa sa akin?" "Alam mo bang dalawang beses mo nang sinira ang pagkakataon kong matapos ang trabaho kong ito?" "Wala akong pakialam, angkol! Dahil sa pagiging pabaya mong driver ay natanggal ako kahapon sa trabaho dahil late akong nakapasok. Tapos ngayon inaalala mo iyang trabaho mo? Mukha namang mabubuhay ka pa ng ilang dekada kahit hindi mo natapos iyong trabaho mo. Eh ako? Baka isang linggo lang na walang trabaho ay buong pamilya ko ang mamamatay sa gutom eh." "Angkol?" sa haba nang litanya ko ay iyon lang din talaga ang tumatak sa utak ng lalaking ito. "Angkol! Manong! Tatang!" "Woman, anong tingin mo sa akin? Matanda?" parang disappointed ito sa gano'ng tawag dito. "Oo." "Ang sakit mong magsalita." Napasimangot na ani ng lalaki. "Umalis ka na nga." Agad akong naglahad ng kamay. Pera. Umaasa akong mabibigyan ulit ako ng pera. Ginalingan ko sa pag-arte kaya naman alam kong deserve ko ng limang libo mula rito. "Wala akong pamasahe." Napanganga ito. "Nasaan iyong limang libong ibinigay ko kahapon?" "Wala na. Ninakaw." Parang gusto kong magmura nang maalala ang ginawa ni Vella. Nakaw naman talaga iyon, eh. "I don't believe you." "Angkol, maniwala ka man o hindi ay wala akong pakialam. Muntik mo akong mabangga kaya kailangan mo akong bayaran." Inis na ani ko. Dumukot ito sa wallet n'ya. Nagbilang ng tag-iisang libo. "Oh, sampung libo. Huwag na sanang maglandas ang mga buhay natin. Kung pwede ay huwag ka nang tumawid doon dahil sa ikatlong pagkakataon na malagay tayo sa sitwasyon na iyon ay babanggain na talaga kita. It's either hit and run o babayaran ko na lang ang buhay mo." Hinablot ko ang sampung libo. "Huwag ka na ring magmaneho, angkol. Bobo ka sa likod ng manibela." Napaawang ang labi ng lalaki. Pero bago pa ako masapak ng matandang lalaki na kaharap ay dali-dali na akong tumalikod at umalis. Sampung libo. Easy money. Napapasipol pa akong lumabas ng mansion at pumara ng taxi. Ano kayang masarap na ulam ang pwede kong bilhin mamaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD