When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Chapter Eighteen Agad din silang umalis. Parang may binili lang. Hindi nga nito napansin na naroon ako. Pero hindi naman nakakagulat kung hindi n'ya ako kilala. Ilang ulit ng nagsanga ang mga landas namin, pero ultimo pangalan ay hindi namin kilala ang isa't isa. "Ate?" tawag ni Vicky sa akin. Natauhan naman ako't tumingin dito. "Yes?" "Hindi muna ako aalis. Kailangan kong bayaran iyong 5k. May pera ako rito pero hindi iyon sasapat." "May pera rin ako rito. Pagsamahin na natin." Alok ko pa. "Bibitaw ka na sa trabaho. Pinagmamalupitan ka kaya dapat lang na huminto ka na d'yan." "Sure ka po?" tanong ni Vicky sa akin. "Oo naman. Pwedeng bumalik ka ngayon. Tapos kunin mo na ang mga gamit mo. Dito ka namin ni Via hihintayin." Malawak ang naging ngiti nito at tumango-tango pa nga. Halat