When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Chapter Nineteen "Ate, anong plano mo kay Ate Veronica?" tanong ni Vicky sa akin habang naglalakad kami patungo sa bahay. Dumaan lang kami saglit kay Kateren at nagsabing sa bahay muna kami tuloy. "Plano? Ang ingudngud siya roon sa putikan sa likod ng banggirahan natin. Tangina n'ya." Mahinang ani ko. Ayaw ko namang marinig ni Via ang mga pinag-uusapan namin ni Vicky. "Tulungan kita, 'te?" tanong nito sa akin. "Ako na lang. Kayang-kaya ko naman iyon." Tulog na si Via at buhat ito ni Vicky. Nang makarating kami sa bahay ay natigilan ang mga tao roon. Lalo na si Ate Veronica at ang pamilyar na pamilyar na lalaki na matagal ko ring minahal. "A-h, Vee." Aligaga na naman si nanay. "V-eronica, doon muna kayo sa bahay n'yo." Utos ni nanay. "Oh, bakit n'yo sila paaalisin? Hindi n'yo b