When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Chapter Thirty-nine Napaatras ako nang batuhin ako ni Ate Veronica ng putik. Nabitiwan ko siya. Pero handa pa rin naman ako in case na makabangon ito. Nadumihan ang aking damit, pero hindi naman big deal sa akin iyon. Dumi lang iyon. Handa pa rin akong makipagbugbugan kay Ate Veronica na galit na galit. Kuyom na kuyom din ang kamao nito. May luhang nangingilid sa kanyang mga mata. "Alam ko! Alam kong nagkakaganyan ka dahil nasa akin si Jay-r, Vee. Hindi dahil sa kurot o pananakit ko kay Via. Galit ka sa akin dahil kay Jay-r. Dahil nasa akin si Jay-r." Hiyaw nito. Hindi nagtangkang manugod ang panganay kong ate. Nakatayo lang ito sa gitna ng putikan. Marusing. Galit. "Putangina! Anong pakialam ko sa asawa mo?" "Hindi ba't mahal na mahal mo siya? Pero dahil ako ang pinili n'ya ay gali