When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Chapter Forty "Vee!" sa kasagsagan ng mainit na sagutan ay narinig ko ang sigaw ng aking ina. Pareho kaming napatingin ni Ate Veronica kay nanay na napatakbo pa para lang makalapit sa amin... kay Ate Veronica pala. "Diyos ko! Ayos ka lang ba, anak?" alalang-alala na tanong ni nanay kay Ate Veronica. Ininspeksyon nito ang katawan ng kapatid ko, pati na ang mukha. "'Nay, si Vee po." Biglang atungal nito ng iyak habang turo-turo ako. "Wala naman po akong ginagawang masama tapos bigla na lang dumating at manakit." Agad namang napatingin si Nanay sa akin. "Hindi ka ba talaga titig, Vee. Sadya ba talagang kulang ka sa pansin kaya nananakit ka d'yan?" lumapit si nanay sa akin. Galit na galit. "Sinaktan n'ya si Via, 'nay." Seryosong ani ko. "Huwag po kayong magulat kung magrebelde ako sa ginaw