15

1920 Words

Chapter Fifteen "A-nak?" naiyak na si nanay kahit na wala pa naman silang naibibigay na sagot sa tanong ko. "Sumagot naman kayo. Hindi ko kailangan ng luha at paawa n'yo ngayon. Anong ginawa n'yo sa mga perang ipinadala ko? Bakit ganito ang bahay? Bakit mukhang kayo lang ang umasenso pero iyong bahay na sinabi ko sa inyo na ipaayos n'yo ay ganito pa rin? Mas lalo pang lumala." Hiyaw ko sa kanila. "Vee, ano ka ba naman? Iyong ipinapadala mo'y sakto lang naman sa pangangailangan ng pamilya mo. Susumbatan mo ba kami? Sana pala'y hindi mo na lang kami pinadalhan." Napaawang ang labi ko. Unbelievable. Napatulala ako kay nanay na bahagya pang hinawi ang bagong rebond nitong buhok. Huminga ako nang malalim. "Iyong perang sinabi kong itabi n'yo... mayroon pa ba?" "Aba'y wala na iyon, Vee. No

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD