Tahimik ang buong kabahayan na halos wala kang maririnig na kahit ano mang ingay. Ilang bahay ang layo ay mayroong kasiyahan pero hindi ito naging sagabal sa dalagang mahimbing na natutulog.
Dala ng pagod at antok ay ang himbing ng kaniyang tulog. Napapangiti pa ito na parang may napanaginipang maganda o nakakatuwa. Ang aliwalas ng kaniyang mukha habang natutulog, parang wala itong iniisip na kung ano mang problema.
Hindi man lang niya napansin ang isang taong naglalakad palapit kung saan siya nakahiga. Nagtataka ang tao no'ng una kung sino ang nakahiga pero nawala ito ng makilala siya nito. Ang pagtatakang pinapakita ng bagong dating na estranghero ay napalitan ng saya. Napangiti pa nga ito bago niya sinirado ang pinto.
Marahan at walang ingay na kaniyang nilapitan ang dalagang natutulog. Maingat itong yumuko para matingnan ang mukha ng dalaga ng maayos. Hindi niya na isip na makinis at may kaputian ang kutis nito dahil sabi nila ay namamasada ito at gumagawa ng gawaing bukid. Maganda ito kahit kumakayod ito sa gitna ng araw o sadyang kakaiba lang talaga ang ganda ng isang probinsyana. Mukhang alaga nito ang kaniyang pisikal.
Ayaw niya mang madisturbo ang tulog ng babae, kailangan niya pa rin itong gisingin dahil hindi ito komportable sa kinahihigaan nito. Napapakislot ito sa kinahihigaan kahit sabihing nakangiti ito dahil nangangalay na nga ito.
Mahina tinapik ng kararating lang ang balikat ng dalaga. Nakangiti siyang tumunghaw sa dalaga, na ngayon ay nakangiting unti-unting dumilat.
Nang makita niya ang tao sa kaniyang harapan ay para itong nakadroga na ngumiti. "Wow! May anghel!" bulalas pa nito.
Napangiti na lang ang estranghero sa sinabi ng babae. Hindi na kakaiba sa kaniya na sinasabihan siya ng magagandang salita pero nang ang babae ang nagsalita, may estrangherong pakiramdam ang humaplos sa kaniyang puso. Nakakapanibago man ay hindi niya binigyan ito ng halaga.
"Anghel ba ako?" Nakangiti pang tanong ng tao na natutuwa sa inaasta ng kaharap.
"Opo. Ang ganda-ganda n'yo rin po." Tumango pa ito na parang isang bata. "Kayo po ba ang guardian angel ko? Dinadalaw n'yo po ba ako?" Tanong pa ng dalaga na mas kinalawak ng ngiti ng kaharap.
"Bakit naman kita dadalawin?" sakay niya sa dalaga.
"Dahil may nagawa akong kasalanan?" Napaisip pa ito na tumingin pa sa itaas. "Pero wala naman po akong ginagawa, e. Naging mabait po ako," dagdag niya habang nag-iisip pa ng malalim.
Para sa estranghero ay napaka-cute ng kaharap ng dalaga. Napapahawak pa ito sa baba habang nag-iisip na parang bata. Sobrang nakakatawa ito kaya hindi na napigilan pa ng tao ang kaniyang tawa.
Nang marinig ni Nita na tumawa ang kaharap, siya ay napatanga sa kaharap. Mas gumanda kasi ito sa kaniyang mata habang tumatawa ito na tinatakpan pa ang bibig. Isang anghel na talagang bumaba sa lupa. Hindi mapuknat ang paningin ni Nita sa taong kaharap.
"Lumipat ka na sa kwarto mo at doon mo na ituloy ang panaginip mo," natatawang sabi niya kay Nita.
Doon ay napabalikwas si Nita nang mapagtanto kung sino ang kaniyang kaharap. Nanlaki ang kaniyang mga mata at nanginig ang kamay dahil sa pagkapahiya. Hindi niya inakalang ang amo na ang kaharap at ang buong akala niya ay panaginip lang ang lahat. Malaking kahihiyan ito sa kaniya lalo na kakaumpisa pa lang niyang magtrabaho rito. Nagtataka siya sa sarili kung bakit niya nakalimutan ang mukha ng among babae.
"Ma-ma'am Rica," nauutal niyang tawag sa taong nakatayo na ngayon hanggang sa nahimasmasan siya. Napaupo siya ng tuwid at nagbaba ng tingin dahil hindi niya matingnan ang amo. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Rica ang namumula nitong pisngi na umabot na hanggang tainga kaya mabini na naman siyang tumawa. "Pa-pasenya na po kayo," Nita said.
"Why you are sorry? Okay lang naman." Natawa pa ito bago nagpatuloy magsalita. "Especially, that you're so funny and cute." Gusto pa sanang pisilin ni Rica ang pisngi ng dalaga pero pinigilan niya lang ang sarili. Sa sinabing ito ng among babae, mas namula ang pisngi ng dalaga. Hindi dahil sa pagkapahiya kung hindi sa isang bagay na hindi niya mapangalanan.
Nakaramdam ng pangangalay si Rica. Para maibsan ito ay naupo siya sa tabi ni Nita habang may munting tawa pa rin na lumalabas sa kaniyang mga labi. Naiilang si Nita. Unang pagkikita pa lang nila ay gano'n na agad ang naging bungad niya at baka ano pa ang isipin ng kaniyang amo.
"Bakit dito ka natulog? You have a room, right?" Tanong nito at isinandal ang likod. Doon lang si Rica nakaramdam ng pahinga o kaginhawahan dahil naging abala siya sa buong araw. Ni halos hindi na siya nakaupo dahil sa sunod-sunod na pasyente.
"Sorry po ulit, Ma'am. Na-"
"Hindi ba sinabi kong Rica na lang o hindi kaya ay ate?" Putol ni Rica rito at kita niya sa gilid ng kaniyang mata na bumaling ang amo sa kaniya at may ngiti sa labi. Doon inangat ni Nita ang tingin at tumingin sa amo. Napakabait nito.
"O-okay, Rica." Nahihiya siyang tawagin itong gano'n dahil parang hindi siya gumagalang. "Puwede bang ate na lang po itawag ko sa inyo?" 'Yon na lang ang napagpasyahan ni Nita lalo na't medyo nasanay na rin siyang tawagin itong ate. Isa pa, makikita pa ring ginagalang niya ito.
Napaisip pa si Rica hanggang naisip niya rin na maaari siyang tawaging gano'n lalo na sa edad nila. Tumango ito. "Puwede. Sabagay, mas matanda ako sa iyo. Tamang-tama lang din na ate itawag mo sa akin. I can also be your older sister that will protect you," nakangiti nitong sabi.
"Sige po, Ate," nakangiti na ring sabi ni Nita. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng ate kaya bago ito sa kaniya at gusto niyang maranasan.
"So, ang tanong ko kanina. Bakit dito ka natulog?" Tanong ulit nito na hindi inaalis ang tingin kay Nita.
Napangiwi pa si Nita bago sumagot sa babaeng mala-anghel ang mukha. Napakaamo kasi nito kaya anghel talaga ang mahahalintulad mo rito. "Nakatulog po kasi ako ng hindi ko po namamalayan. Sorry po, Ate."
"Ayos lang naman matulog ka kung saan dito sa bahay kaya lang hindi maayos ang puwesto mo kapag dito ka matutulog. Doon ka na matulog sa kwarto mo." Nakangiti pa rin nitong sabi na suminyas pa na akala mo tinataboy ang dalaga. Para rin itong si Nita na nakangiti pa rin kahit malaki na ang problema.
"Sige po." Inaantok pa rin kasi si Nita, kaya tumayo na siya at may balak na sanang umalis. Nang bigla siyang may naaalala, "Kumain na po ba kayo?" tanong niya sa among babae.
"Hindi pa. Pagkalabas ko ng hospital ay tumuloy na ako rito. Gusto ko na lang talagang magpahinga." Sagot ni Rica na mahahalata nga ang pagod sa mga mata kahit nakangiti pa ito. Pero hindi siya iyong haggard na ang mukha na akala mo ay matanda na. Siya iyong aakalain mong bata pa rin dahil maputi at alaga ang balat.
Doon lang napansin ni Nita na nakasuot lang ito ng hanggang tuhod na bestida na kulay dilaw. Mas lumitaw ang kaputian nito sa suot na damit. May suot din itong sandalyas na walang takon at bumagay sa maputi niyang balat. Napakaganda nito kaya sino man ay mapapagkamalan itong anghel na bumaba sa lupa.
"A-ate, gusto niyo po bang kumain?" nahihiyang alok ni Nita. Total nakapagluto na rin naman siya, bakit hindi na lang pakainin ang among nagugutom. "Pero sarciadong tilapya lang po ang ulam." 'Yon ang prinoproblema niya, na baka hindi kumain ang amo ng luto niya.
Pero salungat ang naging reaksyon ni Rica sa iniisip ni Nita. Mas lumawak ang pagkakangiti nito na parang napagbigyan ng Diyos ang kaniyang hilig. Parang napawi ang pagod nito nang marinig ang binanggit ng dalaga.
"Talaga?" Paninigurado ni Rica.
"Opo."
"Kung ganoon, puwede mo ba akong ipaghanda?" Pakiusap nito kay Nita.
"Oo naman po." Puno ng galak na nagpunta sa kusina si Nita. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng tuwa sa isiping mapapatikim niya sa amo ang kaniyang niluto kahit hindi man ito ganoon kaenggrande.
Mabilis siyang gumalaw na ininit sa microwave na nandoon ang nilutong ulam. Habang umiinit ito, nagdala siya ng isang pinggan, pares ng kubyertos at baso sa lamesa sa dining ng bahay. Doon ay inayos niya ito sa pinakasentro ng lamesa. Sunod ay bumalik siya sa kusina para magsandok ng kanin sa malaking bowl. Mainit pa ito kaya hindi niya na kailangan pang initin ito ulit. Nilagyan niya na lang ito ng panandok at dinala na rin sa mesa.
Sa pagbalik niya sa dining area, nandoon na ang nakangiting amo at nakaabangp sa kaniya. Dahan-dahan niyang nilapag ang kanin sa harapan nito. Tamang layo lang na maabot niya at hindi rin sagabal sa pagkain niya.
"Sandali lang po, Ate. Kukunin ko lang po ang ulam." Sabi niya na sinagot lang ng tango ng amo.
Bumalik agad siya sa kusina at tamang-tama lang sa pagbalik niya dahil namatay na rin ang timer ng microwave. Maiinit ang bowl na kaniyang ginamit kaya nilagay niya ito sa ibabaw ng pinggan. Kumuha rin siya ng panandok nito at nilagay ito roon.
Maingat siyang lumabas at dinala sa among nakaabang ang ulam na pinaghirapan niya kaninang lutuin. Marunong magluto si Nita dahil nagpaturo talaga siya sa kaniyang ina nang minsa'y nag-extra siyang magluto para magtinda ng lutong ulam sa eskwelahan. Kahit anong pagkakakitaan ay pinasok na ni Nita para sa kaniyang pag-aaral.
Nakakuha na si Rica ng kanin pagbalik ni Nita at handa na ito sa pagkaing ilalapag ng dalaga. Excited rin si Nita na nilapag ang ulam na hinanda sa harapan ng amo. Gusto niyang makita ang rekasyon ng amo sa kaniyang luto. Alam niyang hindi ganoon kagaling magluto pero alam niyang masarap din naman ito ayon sa kaniyang ina.
lumuha si Rica ng sabaw upang yikman ito. Si Nita ay kinakabahan at palagay niyaay nag-slowmo ang lahat dahil sa antesipasyon hanggang nakahinga siya ng maluwag. Kitang-kita ang pagliwanag ng mata ni Rica nang makita ang lutong ulam. Parang siyang bata na nabigyan ng gustong ulam.
Sumandok muli si Rica ng kaunting sabaw at nilagay sa kaniyang kutsara. Nasasabik si Nita na naghintay sa sasabihin ng amo. Hindi niya alam kung gusto ba nito ang lasa o hindi. Pero batay sa sunod nitong pagsandok ay nagustuhan niya ang ulam.
Sa paglapat ng sabaw sa kaniyang dila, maraming ala-ala ang pumasok sa kaniyang balintataw. "Sobrang tagal na noong huli akong nakakain ng lutong bahay. Isa itong luto na 'to sa mga paborito ko noong kabataan ko. Palagi itong niluluto ni Aling Cora kapag napupunta ako sa bahay nila. Natigil lang noong nagkaanak na siya. Ayaw ko na kasing maging abala pa." Mahabang sabi nito na sumandok ulit ng sabaw. Magkasing lasa kasi ito sa hinahanda ng ginang dati at puno pa ng masasayang alaala.
"Ate, ang Aling Cora po ba na inyong tinutukoy ay asawa ni Norman?" Paninigurado ni Nita na nakakaramdam ng galak. Hindi ito nabanggit ng kaniyang ina noon nang nag-usap sila na rito siya magtatrabaho.
"Kilala mo ba sila? Sila nga ang tinutukoy ko." Nakangiting sabi niya na lumingon pa kay Nita. Humigop muli ito na ninanamnam pa ang lasa bago nagsalitang muli. "Magkalasa ang luto ninyong dalawa kaya ngayon ko na lang din naalala si Aling Cora. Tapos bata pakasi ako noon kaya medyo malabo na ang alaala na mayroon kami." Paliwanag niya na kinangiti nilang dalawa.
"Sa katunayan nga po niyan, ako po ay anak ni Corazon Dela Cruz na mas kilalang Aling Cora. Si Nanay rin po ang nagturo sa akin kung paano magluto lalo na po nito. Kaya po siguro nakuha ko ang lasa dahil recipe niya po ito." Puno ng pagmamalaking sabi ni Nita. Isang magaling na kusinera ang kaniyang ina kaya madalas ito ang tinatawag ng mga tao kung may handaan sila sa kanilang bahay o kumunidad.
"Gano'n ba!" Bulalas ni Rica sa sobrang saya at galak. Ito pala ang bata na pinagbubuntis ng ginang noon at dahilan nang pag-iwas ni Rica. Pero hindi niya sinisisi si Nita, sadyang selosa lang siya noong bata siya. "Masaya ako at nakilala kita."
"Ako rin po, Ate." Nakangiti ng malawak si Nita na tinitingnan ang amo na maganang kumain. Halatang na-miss niya nga ang ganitong pagkain. Magtatanong pa sana si Nita ng mapansin niyang wala pala siyang tubig na dinala. "Kuha lang po muna ako ng tubig." Paalam niya sa amo na sinagot lang nito ng tango dahil puno ang kaniyang bibig.
Kakaibang saya ang nararamdaman ng dalaga nang mga oras na iyon. Alam niyang masaya naman siya kasama ang pamilya, pero may kakaiba ngayon na ngayon niya lang naramdaman. Binaliwala niya lang ang banyagang nararamdaman. Itong naramdaman simula nang makilala niya si Rica at mas lalo noong nakita niya na ito. Basta ang mahalaga ay masaya siya.
Mabilis ang galaw na nakakuha siya ng isang pitsel ng malamig na tubig sa refrigerator na para lang sa mga tubig. Dalawa kasi ang refrigerator na kanina niya kang nalaman ang dahilan. Ang isa ay para sa mga karne at gulay at ang isa naman ay para sa ibang pagkain at tubig.
Bumalik agad siya sa amo na abala lang sa pagkain. Napangiti nang malawak si Nita nang makitang ang gana nitong kumain. Nagpapakitang nagustuhan talaga nito ang kaniyang niluto.
Hindi na gumawa pa ng ingay ang dalaga at lumapit na lang siya sa kabila ng amo para malagyan niya ng tubig ang baso nito. Dahan-dahan at maingat niyang nilagyan ang baso dahil nag-aalala siya na baka matapunan niya si Rica.
Pagkatapos niya lagyan ang baso ay kinuha ito ni Rica at uminom doon, parang hinihintay lang tuloy nito na abutan siya ng tubig. Saka, sobrang sunod-sunod ng kaniyang subo kaya kailangan niya ding huminga.
"Salamat, Nita," pasasalamat ng amo na kumain na muli. Ngumiti lang si Nita na nilapag ang pitsel sa lamesa at naghintay sa gilid kung ano ang susunod na gagawin. Napansin naman ito ni Rica. "Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Tapos na po. Nakasanayan ko na pong kumain ng maaga, e. Pagkaluto pa lang po ay kumain na ako." Sagot ng dalaga na kinatango ng kaniyang amo, ngumunguya pa ito kaya hindi agad nakapagsalita.
"Kung gano'n, puwede ka ng matulog. Ako na ang bahala rito pagkatapos kong kumain." Sabi, o mas magandang sabihin ay utos ni Rica sa dalaga. Pero hindi ito pinansin ng dalaga at umiling lang.
"Nakaidlip naman na po ako kanina, mamaya na lang po ulit. Alam ko rin pong pagod kayo. Ito na lang po ang maipagsisilbi ko sa inyo." Sabi ni Nita na bukal sa kaniyang kalooban.
Sa sinabing iyon ng dalaga, may kung anong humaplos sa puso ni Rica. Kailan ba ang huling may nagsabi sa kaniya ng gan'yan? Na pagsisilbihan siya 'pag pagod na siya… na aalagaan siya? Sobeang tagal na kung aalahanin pa niya.
Alam niyang nandiyan ang kaniyang lolo, lola, at ate. Pero ang kalingang ito ay hinahanap niya sa kaniyang asawa. Simula nang ikasal sila, wala na siyang ibang naramdaman na pag-aalaga at kalinga. Ngayon na lang ulit at hindi pa nagmumula sa asawa. Somehow, she's sad but still thankful and happy.
"Salamat, Nita," bulong niya bago pinagputol ang pagkain. Kahit bulong iyon, narinig naman ni Nita. Masaya siya na may napasaya siyang tao kahit sa maliit na paraan lang.
Nagpatuloy na lang kumain si Roca at si Nita ay piniling maupo na lamg sa tabi ng amo. Minsan ay nag-uusap rin sila kaya hindi na siya umalis. Ilang sandali pa, nasimot lahat ni Rica ang hinain sa kaniya ng dalaga. Ngayon lang siya ulit nakakain ng marami. Busog na busog siya at sulit ang kaniyang kinain.
"Salamat. Nabusog talaga ako." Sabi ni Rica sa dalagang nag-aayos na ng kaniyang pinagkainan.
"Wala po 'yon. Masaya po akong nagustuhan n'yo po."
"Sobrang sarap nga, e. Ang simple lang pero ewan, napakasarap nito sa panlasa ko." sabi ni Rica. Masaya si Nita sa narinig mula sa amo.
"Kung gano'n po, ipagluluto ko po kayo ulit bukas. Kahit ano man 'yan." Sa sinabing iyon ni Nita ay kumislap ang mata ni Rica. Gusto niya ulit makakain ng masarap at lutongbahay.
"Sige. Total bukas ay hindi naman ako papasok, ipagluto mo ako ng makakain bukas. Surprise me!" Mapaghahamon na sabi ni Rica, na tinanggap naman ni Nita.
"Sige po." Ngumiti lang sila sa isa't isa, nagagalak sa kung ano ang mangyayari bukas. Anong putahe ang lulutuin ni Nita para kay Rica? Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng huli?