bc

Surrogate Mother

book_age18+
3.1K
FOLLOW
22.8K
READ
family
love after marriage
pregnant
goodgirl
maid
doctor
drama
gxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"Gagawin ko ang lahat huwag lang ako iwan ng asawa ko. Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng pagsasama namin... kahit makaapak pa ako ng ibang tao."

•Rica Lacson Tiu

"Gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko, kahit maghirap pa ako. Kahit, ibaba ko na ang sarili ko. Para sa mga taong mahal na mahal ko at mahal din ako."

•Ma. Nita dela Cruz

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Astig na Dalagang Pilipina
"O, nandito ka na pala, 'Nak. Kumusta ang pamamasada?" Tanong ni Aling Cora sa anak na kakapasok lang sa kanilang bahay. "Ayos naman, 'Nay." Sagot nito at pinatong sa sandalan ng upuan ang hinubad na jacket at sombrero. "Sa awa po ng Diyos, nakarami rin ako ngayong araw." Nakangiti nitong sabi at nagmano sa kaniyang ina. "Pagpasensyahan mo na ang tatay, 'Nak. Nanghina ang binti ng tatay, e." Sabat ng isang lalaki na may katandaan na rin na nakahiga sa mahabang upuan. "Ayos lang, 'Tay. Wala naman akong trabaho ngayon. Mabuti nga po ito at may pagkakakitaan habang walang pasok." Sagot naman ng bagong dating at nagmano na rin sa ama. "Mamaya na kayo magdramang mag-ama. Kumain na muna tayo para makabalik pa itong anak mo sa pamamasada." Sabat na ng ginang at nauna nang maglakad papuntang kusina. "Hali na po kayo, 'Tay. Tulongan na po kita." Nakangiti pa ring sabi nito. Ni minsan ay hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Mabuti na lang at nandito ka. Biyaya ka talaga sa amin, 'Nak. Kahit kababae mong tao, kayod kalabaw ka." Natatawang sabi ng kaniyang ama. Tinatawa lang nito ang nararamdamang lungkot dahil naaawa siya sa anak. Dapat siya ang nagtatrabaho dahil siya ang ama at padre de pamilya pero mas ito pa ang kumakayod para sa kanila. "Gano'n talaga, 'Tay. Para maging mayaman na tayo. Kapag nangyari po iyon ay hindi na kayo kakayod pa." Kumumpas pa ito gamit ang isang kamay para ipakita ang gustong sabihin. "Tapos mapapagawan ko na rin po kayo ng mansyon." Dagdag pa niya habang nakaagapay pa rin sa ama. Natawa naman ang ama sa pangangarap ng anak. Simula bata pa lang kasi ito ay ang dami na nitong pangarap, at lahat ng iyon ay para sa kanila. Ni minsan, hindi sila nakalimutan ng anak. Natigil man ito sa pag-aaral ngunit hindi naman ito tumigil mangarap. Kumakayod ito sa bawat trabahong mapasukan para makapag-ipon. Sa ngayon, nagtatrabaho ito sa isang maliit na fastfood chain na malapit sa lugar nila, sakop ng Bulacan. Minsan suma-sideline bilang driver ng may-ari ng hacienda kung saan nagtatrabaho ang kaniyang ama kung hindi ito namamasada. Simula pagkabata ay nakamulatan niya na ang trabaho ng kaniyang ama ay ang pagsasaka. Unang naging tauhan ng hacienda ay ang kaniyang lolo pagkatapos ay napasa ito sa kaniyang ama at hanggang sa ngayon ay dito na sila nanirahan. Hindi nila maiwan ang lugar dahil nakamulatan na nila ito. Isa pa, mababait ang namamahalang mag-asawa, na ang turing sa kanilang lahat ay parang pamilya. Kung may handaan man sa malaking bahay ay hindi puwedeng hindi sila dumalong lahat. Kung gipit man sila, mabait ang dalawang matanda sa pagbigay sa kanila ng kanilang pangangailangan. Kaya napalapit na rin sila para lumisan pa sa nakasanayang lugar. "Ikaw talaga, 'Nak." Natatawa na lang na komento ng ama. "Maupo na kayong dalawa." Basag ng ginang sa usapan ng mag-ama pagkarating nila ng kusina. "Salamat po, 'Nay." Sabi ng dalaga dahil nakahanda na ang lahat sa kaniyang harapan. Nag-alay muna ng maikling panalangin ang pamilya bago sila nag-umpisang kumain. Masaya silang nag-uusap sa hapag hanggang napunta sa seryosong usapan. "May balak ka bang mag-aral ngayong pasukan, Anak?" Tanong ng ginang kaya natigilan ang dalaga. Napaisip ito sa sinabi ng ina. "Kulang pa po ang ipon ko. Kailangan ko makahanap ng magandang trabaho at may mataas na sahod. Baka sa susunod puwede na po. Dalawang taon na lang naman at magtatapos na ako." Nakangiting sabi ng dalaga na puno ng pag-asa ang kislap ng kaniyang mga mata at ni minsan ay hindi nawala ang kislap na 'yon. Hindi siya nauubusan ng paniniwalang makakapagtapos din siya. "Sigurado ka ba, 'Nak? Puwede naman tayong mangutang muna sa Senyora para makapagtapos ka." Singit pa ng ama nito. "Norman!" sigaw na saway ng asawa. "Wala ka na bang hiyang lalaki ka? Ang laki na ng utang natin sa mag-asawa tapos dadagdagan mo pa?" Galit na sabi ng ginang habang tinitingnan ng matulis ang asawa. "'Nay, huwag n'yo na pong pagalitan si Tatay." Sabat ng anak nila na binaba ang kutsara para awatin sila. Alam niyang tama ang kaniyang ina, kahit siya ay nahihiya na rin. Ang laki nang naitulong ng mag-asawang may-ari ng hacienda sa kanila. "Kung hindi lang sana ako na aksidente, e." Nanlulumo namang napasandal na lang si Norman sa kaniyang upuan. "Huwag n'yo pong sisihin ang sarili ninyo, 'Tay. Hindi mo naman po inakalang mangyayari iyon dahil iniisip ninyong ekstrang kita rin po sana kaya lang nabulilyaso. Pero ayos na po 'yon. Basta ang importante ay ligtas na po kayo." Nakangiting sabi ng anak na nagpangiti na rin sa mag-asawa. "Saka, bata pa po ako. Hindi rin magtatagal ay makakapag-ipon at makakapagtapos po ako." "Sige, 'Nak. Kung 'yan ang gusto mo." Nakangiti na ang ginang. Para lang itong hinipan ng anghel at bumait ulit, at ang anghel ay ang kanilang nag-iisang anak. Kumain sila ulit ng masaya at parang walang pinoproblema. Araw-araw na ganito ang eksina pero hindi sila nagsasawa. Mas lalo pa ngang tumibay ang kanilang samahang magpamilya. Ilang sandali pa ay natapos na rin silang kumain. Tinulongan ulit ng dalaga ang kaniyang ama papunta sa salas para roon ito magpagaling. Sumasakit na naman ang hita nito na natusok dati ng kaniyang inaayos na traktor. Isang mekaniko ng gamit pang-agrikulura ang kaniyang ama, kaya sideline talaga nito ang magkumpuni ng traktor, patubig, at kung ano pa. "Tao po!" "May nagtatawag ata sa labas. Paki puntahan nga, 'Nak." Utos ni Norman sa anak na tumango lang at pumunta sa labas. Doon ay nakita niya ang katulong mula sa malaking bahay. Dalaga pa ito at kaibigan niya na rin. "Rosa, napasyal ka ata? Pasok ka!" aya ng dalaga sa kanilang panauhin. "Hindi na," pagtanggi nito. "Nagpunta lang ako rito para tawagin ka dahil magpapamaneho si Senyora sa iyo. Mas gusto niya raw na ikaw ang magmaneho ng sasakyan para sa kaniya," imporma nito. "Gano'n ba." Tapos tumingin ito sa loob ng bahay nila. Alam niyang narinig ito ng kaniyang magulang na nasa loob lamang. "Sige. Pero puwedeng mag-aayos muna ako sandali? Nangangamoy pawis ako mula sa pamamasada," sabi nito na bakas pa ang hiya sa mukha. Natawa naman si Rosa sa inaasta ng babae. "Oo naman. Nag-aayos pa rin naman si Senyora. Basta sumunod ka na lang agad." Sunod-sunod nitong sabi. "Sige." Tumango na rin ang babae at umalis na. Nagmadali namang pumasok ng bahay ang dalaga. Alam na ng mag-asawa ang gusto nitong sabihin dahil narinig nila ito. Natural nang minsa'y pinapatawag siya ng senyora kapag may lakad ito. "Sige na at mag-ayos ka na. Nakakahiya naman kay Senyora kung paghihintayin mo siya." Sabi ng ina na hinihilot ang namamanhid na namang katawan ng asawa. Palagi na lang nagyayari ito sa asawa kaya pinagtatyagaan niya na lang na hilotin kasi nawawala rin naman pagkatapos mahilot. "Sige po, 'Nay." Sagot nito at pumasok sa sariling silid para makakuha ng pamalit at tuwalya. Pagkatapos ay lumabas din para makalinis ng katawan sa nag-iisa nilang banyo. Maliit lang ang kanilang tahanan na gawa sa kawayan. May dalawang silid para sa kanila, may maliit na sala para pahingahan, isang banyo, kusina na tama lang para makapagluto at sa tabi lang no'n ang lamesa na kanilang kainan. Simple at payak ang pamumuhay. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at nabibili ang pangangailangan, kahit hindi na ang luho. Masaya na sa ganitong buhay ang dalaga. Pero may gusto pa rin siyang maabot. Iyong hindi na namomroblema ang mga magulang at kung may problema mang biglang dumating ay may madudukot pa rin silang pera. Dahil sa ngayon, wala silang kaipon-ipon pa. Sa sunod-sunod na nangyari sa kanila ay nasaid talaga ang naipon nila noon. Sandali lang ang tinagal ng dalaga sa banyo at natapos din ito. Sa paglabas niya, ang ama na lang ang nakita niya na roon sa sala. Hindi na siya nagtanong at pumasok na ulit sa silid para ayosin ang kaniyang dadalhin. Nasanay na siya na palaging may dalang bag na mayroong extra shirt at ano pang gamit kasama tubig. Maya-maya pa, handa na siyang gumayak. Kaya pinuntahan niya ang kaniyang ama para magpaalam. Ngunit naabutan niya itong nakapikit na at payapang natutulog. Ang kaniyang ina ay wala rin kahit saan. 'Siguradong nakiani na naman si Nanay ng gulay.' Ang kaniyang naisaisip nang malaman niyang wala sa kanilang bahay ang ina. Kung ang kaniyang ama ay tumutulong sa pagtanim at alaga sa mga hayop, ang ina naman ay sa pag-ani at paglalagay sa mga kahon at basket ng mga produkto para maipadala sa malaking pamilihan. Hati-hati silang lahat na nakatira sa kanilang bayan sa lahat ng gawain sa hacienda. Tulong-tulong kung baga kaya mabilis matapos ang mga gawain at sila ay nasasahuran din kaagad. Napangiti na lang siya ng makitang nakapikit na ang ama. Nakatulog na ito kaya hindi niya na lang ito ginising pa. Hinalikan niya na lang ito sa noo bago niya napagpasyahang umalis na. Ilang minutong paglalakad lang ang kailangan at narating niya na ang malaking bahay. Nasa gitna ng malawak na hacienda ang malaking bahay habang nakamalibot naman dito ang bahay ng mga trabahador. Ilang metro rin ang layo nila rito. Nakaabang sa labas si Rosa na siguradong hinihintay talaga siya. Kinawayan siya nito na ibinalik niya rin. "Mabuti at nandito ka na." Bungad nito tapos ay inabot sa kaniya ang hawak na susi. "Pakikuha na lang ng sasakyan sa garahe. Bababa na mamaya si Senyora." "Sige." 'Yon lang at naglakad na sila sa kani-kanilang pupuntahan. Nasa gilid lang ng malaking bahay ang garahe kaya hindi na mapapalayo pa ang dalaga. May tatlong sasakyan ang nandoon. Ang garahe ay malawak at puwedeng magkasya ang lima hanggang anim na sasakyan. Pero apat lang ang sasakyan ng mag-asawa at ang dalawang reserba ay para sa mga apo nitong dumadalaw sa kanila. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin sila nakikita ng dalaga ang mga apo ng senyora. Napansin ni Nita na wala ang isang sasakyan, na siguradong siyang ginamit ng kung sino ay hindi alam ng dalaga. Kinibit-balikat niya na lang ito at pinindot ang remote ng sasakyan. Mula sa kaniyang kaliwang gilid ay umilaw ang puti na may linyang itim na sasakyan. Hindi niya alam kung anong pangalan nito, pero may tatak itong 'H' na ang ibig sabihin ay Honda. Binuksan niya ang magarang sasakyan. Pagkatapos ay nilagay niya sa harap na upuan ang bag na dala bago sumakay ng maayos. Sinalpak niya na ang susi at binuhay ang makina ng sasakyan. Palagi namang nasa kondisyon ang sasakyan ng mag-asawa pero pinainit niya muna ito ng ilang minuto bago pinaandar palabas ng garahe. Pinaikot niya ito at pinaandar palapit sa harap ng bahay kung saan naroroon ang pinakamayor ng malaking bahay. Doon ay nakita niya ang Senyora na bumababa ng hagdan kaya pinatigil niya ang sasakyan pero nakaandar pa rin ang makina. Bumaba siya at pinagbuksan ng pinto sa likod ang ginang. Tumayo lang din siya sa gilid no'n habang nag-aabang na makapasok ito. Hindi mo mahahalatang may edad na ang ginang dahil palagi itong nakangiti. Mabait din ito kaya mahal siyang ng mga tao sa kanilang lugar. Maaliwalas palagi ang mukha nito na nagbibigay ng mabait na aura sa kaniya. "Andiyan ka na pala, Hija," nakangiti nitong sabi. "Magandang hapon po, Senyora," bati naman ng dalaga. "Kararating ko nga lang din po." "Magandang hapon din sa iyo, Hija. At tamang-tama lang ang dating mo para makaalis tayo agad." Sabi ng ginang na pumasok na rin sa sasakyan at marahang sinara ng dalaga pinto. Siya si Senyora Lucia Fernandez Lacson. Isang kilalang pangalan ang Fernandez na nagmula sa Espanya at lumaki sa ibang bansa. Nakapag-asawa siya ng isang kalahating Chinese at kalahating Filipino na businessman. Siya naman ay si Senyor Samuel Lacson na mabait din katulad ng asawa. Nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki pero pumanaw rin kasama ang asawa nito dahil sa isang aksidente. Kaya ang mga apo na lang nila ang kasama nila sa buhay, na may kaniya-kaniya na ring karerang tinatahak sa buhay. "Saan po tayo, Senyora?" Magalang na tanong niya sa ginang at sinimulan niya na ring paandarin ang sasakyan. Natatawa naman ang ginang sa kaniya na napailing pa. "Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa iyo na tawagin mo akong lola? Ha, Nita?" May diin nitong tawag sa pangalan niya. Ang dalaga na nagngangalang Nita ay nahihiyang napatawa na rin. Hindi pa rin siya sanay 'pag ganito. Usapan kasi nila, kapag silang dalawa lang ay maari niya itong tawaging lola. "Nakakahiya po kasi." "Nakung bata ka! Nahiya ka pa sa akin." May ngiti sa labing sabi ng ginang na tumingin sa dalagang nasa harap. Tutok ito sa pagmamaneho na makikita mo talagang nag-iingat at ito ang siyang nagustuhan ng ginang sa kaniya. "Sa tanong mo kanina, Bulakan muna tayo. May titingnan ako sa isang negosyo namin doon. Pagkatapos, bago tayo umuwi, dumaan muna tayo sa isang patahian. May pinagawa akong kurtina doon, e." Sabi ng ginang na sinagot lang ng tango ng dalaga. Nasa daan pa lang sila palabas ng hacienda at medyo malayo pa sa main road. Pero hindi naman mahirap ang biyahe dahil sementado na ang daan na pinasadya talaga ng mag-asawa. Noon kasi sa tuwing may kukuha ng paninda ay nahihirapan ang malalaking sasakyan lalo na kapag umuulan. Maputik ang daan at maraming lubak kaya pinagawa ito ng mag-asawa. Naging maayos ang paglabas-masok ng mga sasakyan at hindi na nagiging aberya ang pagpapadala ng paninda sa karatig bayan. "Hindi naman ba ako naging abala, Apo? Baka may trabaho ka pa dapat at nadisturbo kita." Huminga pa ito ng malalim pero sinuklian lang siya ni Nita ng iling at ngiti. "Mabuti naman kung gano'n. Lumuwas kasi ng Manila si Samuel at sinama si Robin," tukoy nito sa iisa nilang driver, "at ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong magmaneho ng sasakyan para sa akin." "Ayos lang po, Lola. Mabuti nga po at ako ang tinawag ninyo kasi mas malaki pa po kikitain ko kaysa sa pamamasada. Hindi pa ako mangangamoy pawis at yosi ni Mang Berting." Mahabang sabi ni Nita na siyang kinatawa ng ginang. Malaki talaga ang disgusto nito sa yosi ni Mang Berting na kasamahan niya sa pamamasada. "Kinukulit ka na naman ba?" tanong ng ginang. Ganito palagi ang kanilang biyahe, nagkukuwento ang dalaga kaya naaaliw ang ginang. "Opo. Nirereto pa rin sa anak niyang amoy yosi na, amoy alak pa." Halata pa ang pagkadisgusto dito kaya natawa ulit ang ginang. "Hamakin mo po, Lola! Lumapit kanina sa akin na halos 'di naman makalakad ng tuwid tapos parang babastusin pa po ako. Iniwan ko na po sila agad doon. Baka masapak ko po 'pag nagtagal ako." "Huwag maging bayolente, Apo." Napailing pa ang ginang na sinaway ang dalaga. "He-he-he," tawa si Nita na alanganin. "Lola naman! Alam n'yo naman pong hindi ako mapanakit. Siga lang akong manamit pero dalagang pilipina pa rin po ako." Nakangiting sabi nito. Tama naman siya. Nakadamit man ito na akala mo sinong siga, malamyos naman ito magsalita at pati galaw rin nito ay babaeng-babae. Maganda rin siyang dalaga kaya halos ang mga binata sa kanila ay gustong umakyat ng ligaw sa kaniya. Pero wala namang magawa dahil hinahabol agad sila ng itak ng kaniyang ama, na pabor naman sa kaniya. Gusto niya pang matupad ang mga pangarap niya, at para sa kaniya ay sagabal lang ang makipagrelasyon. "Sabagay. Basta huwag maging manakit, Apo." Nakangiti nitong habilin. "Opo," masigasig na sagot ni Nita kaya napailing na lang ang ginang. "Isa pa pala. Hindi ka ba papasok ngayong pasukan?" Tanong ng ginang, na palagi na lang. "Sa susunod na naman po siguro, 'La. Kapos pa po ang perang naipon ko, e." Sagot niya at luminga-linga pa bago niliko ang sasakyan. Medyo malapit na rin sila at marami ng sasakyan sa daan kaya kailangan niyang mag-ingat. "Ilang ulit ko na bang inaalok sa iyo na pag-aaralin kita pero palagi mo na lang akong tinatanggihan." Napailing ang ginang at nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya sa dalaga. Matalino ito pero hindi na naituloy ang pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. Alam niyang may scholarship ito rati ngunit mawala dahil sa kaniyang pagtigil noon. "Marami na po kasi ang naitulong ninyo sa amin. At isa pa po, gusto ko rin pong makapagtapos sa sarili kong sikap." Nakangiti niyang sabi na nagpapakita na gusto niyang tumayo sa kaniyang prinsipyo, na magsisikap siya. "Sinabi ko na nga, 'di ba? Utang na muna at bayaran mo ako kapag nakapagtrabaho ka na." Pilit pa ng ginang. "Ayaw ko pa rin po, 'La." Napabuntonghininga na lang ang ginang na sumusuko na. "Kung iyan ang gusto mo, wala akong magagawa. Paulit-ulit na lang tayo sa usaping ito." "Salamat po, Lola." Napailing na lang ang ginang nang makitang nakangiti ito na parang nagwagi sa isang patimpalak. Napamahal na rin sa kaniya ang dalaga kaya gusto niya itong matulongan. Pero matigas din ang ulo ng dalaga. Ilang sandali pa, narating din nila ang pakay. Hindi nila pinag-usapan pa ang tungkol sa pag-aaral at mas kinatuwaan na lang ang nangyari kaninang umaga sa pamamasada ni Nita. Tawa nang tawa na lang ang ginang sa buong biyahe dahil sa pinagsasabi ng kausap. Ilang sandali pa ay narating din nila ang gusaling alam na alam na ni NIta. Pagkatigil nila sa harap ng gusali ay agad na lumabas si Nita at pinagbuksang ang ginang. Pumasok naman ito sa gusali na sinalubong ng iilang tao. Hindi na alam ni Nita kung ano man iyon, basta taga-maneho lang siya. Pinarada niya muna sa gilid ng gusali ang sasakyan at napagpasyahang doon na lang hintayin ang ginang. Halos kilala na rin siya ng guwardiya doon kaya hinayaan na lang siya. Alam niyang medyo matatagalan pa naman ang ginang, kaya iidlip muna siya. Kapos ang naging tulog niya kagabi na siyang dahilan kung bakit inaantok pa rin siya. Binuksan niya ng maliit lang ang bintana ng sasakyan para makapasok ang hangin bago siya pumikit. Ayos lang naman na gawin niya ito dahil wala naman ang ginang at wala rin itong iniutos. Nasa ganoong posisyon pa rin siya hanggang lumipas ang dalawang oras at siya'y nagising. Nakabawi na rin siya ng kaniyang antok. Medyo masakit na rin ang kaniyang ulo kanina pero kinakaya niya lang. Sayang rin kasi ang kaniyang kikitain. Wala pa rin ang ginang kaya lumabas muna siya at nag-inat-inat ng katawan. Nangalay ng kaunti ang kaniyang mga kalamnan at nauuhaw na rin siya kaya kinuha niya ang baong tubig at uminom. Hindi naman na kainitan kaya ayos lang na lumabas siya at magtingin-tingin. Tamang-tama lang, sa pagkabalik niya ng tubig ay siya ring paglabas ng ginang sa gusali. May nakasunod ditong dalawang guwardiya at may dala silang nakabalot sa plastic. "Sa tabi ko na lang ang mga ito ilagay para hindi mangamoy gasolina at usok." Tumango naman si Nita na binuksan ang pinto. Tama ang ginang. Kapag sa likod ito nilagay ay mangangamoy nga ito ng usok at gasolina lalo na at tela ito at mukhang mamahalin para hayaan lang sa likod. Lumapit ang dalawa sa kaniya, mabilis at mahina nila itong nilapag sa upuan saka nagpaalam ng aalis. Sinara naman ni Nita nang mahina ang pinto. Umikot siya agad sa kabila at pinagbuksan ang ginang para makapasok. Ngumiti naman ang ginang sa kaniya bilang pasasalamat bago pumasok. Parang isang makisig na bellboy si Nita sa asta niya, samahan pa ng ayos niya na t-shirt at jeans lang na lumalabas ang kaastigan nito. Pumasok na rin ulit sa sasakyan si Nita. Ni hindi man lang nagpapakita ng pagkapagod si Nita, kung hindi ay masigla pa ito. Aakalain mong nakalunok ng isang litro ng energy drink sa pinapakita nitong sigasig. Ang sigla na naman kasi at ang lawak ng ngiti na nagmamaneho. "Saan po tayo, 'La?" tanong niya. "Dumiretso na tayo ng bahay. Hinatid na nila kanina ang mga telang ito kaya wala na tayong pupuntahan pa." Nakangiting sagot ng ginang na tinuro pa ang mga naka-plastic na tela. "Sige po." "Sa bahay na lang din tayo magmeryenda. Nagpahanda na ako sa kanila," sabi pa ng ginang. "Sige po. Siguradong masarap na naman po iyon." Halata pa ang sabik sa boses ng dalaga. Basta pagkain ay mabilis talaga ito ngunit hindi halata sa kaniyang katawan na matakaw siya. Marami kung kumain pero hindi naman tumataba. Natawa na lang ang Senyora sa iniasta nito. Hanggang nagliwanag ang itsura ng ginang nang may naalala ito. "Nita, may iaalok ako sa iyo. Pero sana huwag mo na itong tanggihan pa. Palagi mo na lang ako tinatanggihang bata ka." Napangisi naman ang dalaga. Akala mo nanalo dahil sa pagsuko ng ginang na ungkatin pa sa palagi niyang hini-hindian. "Ano po ba 'yon, 'La?" "Kakatawag lang sa akin ng apo ko na nangangailangan siya ng kasambahay at ikaw kaagad naisip ko. Malaki kasi ang pasahod niya at siguradong makakaipag-ipon ka kaagad." Imporma ng ginang habang nakatingin sa magiging reaksyon ng dalaga. Kanina niya pa ito iniisip habang nasa telepono at kausap ang apo. Masaya siya at kukuha na ito ng kasama sa bahay na rati siya ang gumagawa ng lahat. Naawa siya sa apo lalo na't may trabaho rin ito. "Magkano po ba ang sahod, 'La? At saan po ba 'yan?" Intirisadong tanong ni Nita na napaisip din na kung malaki nga ito, tutuloy na siya. Baka nga mas malaki ang maitutulong nito kaysa sa trabaho niya sa ngayon. "Ikaw lang mag-isa sa bahay at all around magiging trabaho mo. Ngunit di naman mabibigat ang gawain dahil may araw rin na may naglilinis ng bahay kaya hindi mo kailangang tutukan ang paglilinis. Luto, paglalaba, at ipagmaneho siya ang gagawin mo. Otso mil kinsenas ang pasahod niya. Sagot na rin niya ang lahat ng pangangailangan mo. Buong otso mil ang makukuha mo. Makakapag-ipon ka talaga." Mahabang sabi nito na kinatanga ni Nita. Malaki na nga ito. Kung ihahalintulad ito sa pinatatrabahuan niya ngayon, ang otso mil ay isang buwan niya ng sahod tapos hindi niya pa kailangang kumayod-kalabaw. Pero ang tanong, "saan po ba ito, 'La?" "Iyon nga lang ang problema. Medyo malayo. Sa..." pabitin pang tinigil ng ginang sa sasabihin na siyang kinainis ng unti ni Nita. "Lola," maktol niya, "saan po ba talaga?" "Sa Manila," natatawang sagot ng ginang. Nakakatawa kasi ang ekspresyon ng mukha ng dalaga. Ang naiinis na mukha ng dalaga ay naging seryoso. Napaisip si Nita kung ano ang gagawin dahil sa narinig. Hindi siya puwedeng magpasya na lang agad lalo na't hindi madaling desisyon ang usaping ito. "Pag-iisipan ko po, 'La. Kausapin ko po muna ang mga magulang ko." Sa huli ay sabi niya na lang muna. "Mabuti pa." Naiintindihan siyang nginitian ng Senyora sa salamin no'ng tiningnan niya ito habang patuloy na nagmamaneho. "Basta bilisan mo lang. Baka makahanap ng iba ang apo ko." "Opo. Kakausapin ko na po agad mamaya sila Nanay at Tatay." Sagot ni Nita na kinatango na lang ng ginang. "Hindi ko alam kong ano mayroon sa Manila. Pero gusto ko talagang makapag-ipon. Makakapag-aral na agad ako no'n," sabi ni Nita sa kaniyang isipan. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
153.2K
bc

Taming His Heart

read
46.5K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

Be Mine Again

read
101.8K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook