Hindi naisip ni Nita na ganito agad ang bubungad sa kanila. Alam niyang palaban siya pero hindi siya sanay na may nag-aaway kaya napaatras siya ng kaunti. Ang lakas ng boses nito na masisindak ka talaga. Sa probinsya kasi ay hindi niya pa natityempuhan ang ganitong tagpo. Pero noong makita siya ng lalaki, lumambot ang mukha nito na halintulad sa isang maamong tupa. Parang ayaw nitong makita ng iba na ganoon ang kaniyang mukha o ganoon ang kaniyang ugali. Hindi man sabihin ni Nita, nahulaan niya na ang ugali ng kaharap kahit itago pa niya ito. Kapansin-pansin din ang maninigas ng kaniyang katabi. Ang kaninang masaya nitong tawa ay nawala at napalitan ng takot ang kaniyang mukha. Pilit man nitong huwag ipahalata pero lumalabas pa rin. "Saan ka ba nanggaling? Nag-aalala ako sa iyo. Akala