Episode 33

1298 Words
HERMES TAHIMIK lang ako habang nakikinig sa kwentuhan ng dalawa. Nawala ang malalim kung iniisip nang magsalita si Felicity. “Ayos lang po kayo Sir Hermes?” tanong nito. Bakit kaboses din siya ni Felicity? Hindi ko maiwasang maikumpara siya sa best friend ko. May pagkakahawig sila sa ugali at gawi. Naipilig niya ang kanyang ulo. Bahagya akong napangiti sa kanya. “I am okay,” sabi ko na lang at hindi pinahalatang hindi ako komportable. Hanggang sa matapos ang date ng dalawa na kasama pa ako. Hindi ko nga alam kung bakit sumama pa ako at nagpumilit. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil nagpapadalos-dalos ako sa mga desisyong hindi ko na pinag-iisipan. Habang naglalakad kami patungo sa pinaradahan ng mga sasakyan namin ay napapasulyap ako kay Felicity. Hindi ko talaga maiwasang maikumpara siya sa best friend ko. Hindi kaya siya ito? Ilang taon na rin ang lumipas baka naman binago na nito ang hitsura niya? Gusto kong matawa sa sarili ko dahil kung ano-ano ang naiisip kong kalokohan. “Nice to have dinner with you Mr. Del Prado,” sabi ni Mr. Ganado. Napairap ako sa kanya. Talaga ba na nag-enjoy siyang kasama ako? Impokrito. Inilahad nito ang kanang kamay. Napatingin ako doon. Ayaw ko man ay tinanggap ko. Nakipagkamay ako sa kanya. Pagkatapos niyon ay hinagkan naman nito sa pisngi si Felicity. Mas lalong kumulo ang dugo ko sa inis. Bakit may pahalik pa sa pisngi? Hindi ba pwedeng magpaalam na lang siya? Napangiti naman si Felicity at kumaway pa nang sumakay na ito ng sasakyan. Naunang umalis si Mr. Ganado at naiwan kaming dalawa ni Felicity. Napalingon siya sa akin. “Hindi ka pa ba uuwi Sir Hermes?” Tanong niya. “Uuwi na.” Tipid na sabi ko. Binuksan ni Felicity ang pinto ng sasakyan nito. Nang papasok na ito ay pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito. Napalingon ito sa akin. Nagtatakang napatitig ito sa akin. “Bakit?” “P-Pwedeng sumama sa bahay mo?” Gusto kong bawiin ang sinabi ko ngunit nasabi ko na. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Napakamot ako sa batok ko habang nahihiyang napatingin sa kanya. Ilang minutong hindi nakapagsalita si Felicity. Mukhang hindi ito papayag. “S-Sige. . .” Malawak akong napangiti sa pagpayag niya. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko sa kakaibang sayang nararamdaman ko ngayon. Narating namin ang bahay ni Felicity. It’s a bungalow house na nasa isang magandang village. Mukhang safe ang lugar dahil may guard sa pinaka-gate ng village. Bumaba ako sa sasakyan ko nang maipasok ko na sa loob ng bakuran ang sasakyan ko. “Pasok ka.” Panyaya nito nang mabuksan ang pinto. Tumambad sa amin ang simpleng disenyo ng sala. Very minimalist ang design ng bahay. Naupo ako sa kulay violet na sofa. Napasulyap ako sa glass center table. May nakapatong na flower base na may rose pink at white. Nangunot ang noo ko nang may maalala akong taong gusto ang ganitong klaseng bulaklak. “Do you want drinks?” Tanong niya sa akin. “Just a coffee,”sabi ko at saka nginitian siya. “Are you alone here?” Bigla ay tanong ko. Napalingon ito sa akin. Nginitian ko siya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko. “Yes.” Tipid na sagot nito. Napatango ako. Habang hinihintay siya ay napapatingin ako sa naka-display na painting. Nakatitig lang ako roon. Habang nakatingin doon ay parang pamilyar sa akin ang painting. Hindi ko maalala kung saan ko nga ba nakita ang painting. It’s a landscape sunset painting. Napapatagilid pa ang ulo ko habang iniisip kung saan ko nakita ang ganitong painting. “Ito na ang coffee mo.” Nawala ako sa iniisip ko nang ilapag nito ang tasa ng kape sa center table. “Thank you,” sabi ko at saka kinuha ang tasa. Humigop ako at natikman ang mainit, at masarap na timpla ng kape. Ibinaba ko ang tasa at napatingin sa kanya. “Masarap ang timpla mo. I like bitterness and less sweets. Alam mo bang ganito magtimpla ang dati kong sekretarya?” Natigilan siya sa sinabi ko. “Talaga sir? Mabuti naman kung gayon.” Bahagya siyang napangiti sa akin. Humigop muli ako at nalasahan ang masarap na kape. Nakatulong ang init at sarap nito para kumalma ang pakiramdam ko. Sumama ang pakiramdam ko kay Mr. Ganado sa kayabangan nito. “By the way gusto niyo po ba sir kumain? Saluhan niyo po ako. Nagluto kasi ako kanina ng menudo at marami pang natira.” Paanyaya nito. “Pwede ba?” Tanong ko. Natawa si Felicity. “Kaya nga kita inaanyayahan sir, e.” Anito at saka tumalikod at nagpunta sa dining room. Oo nga naman. Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Nakita kong may nakahain ng pagkain. Umupo ako sa tabi ni Felicity. Napatingin pa nga siya sa akin. Hinintay kong maunang kumuha ng kanin si Felicity bago ako. Ayokong ako ang nauuna. Baka sabihin niyang ang kapal ng mukha ko. Nagulat ako nang lagyang ng kanin at pati na ulam ang plato ko. Naamoy ko ang pabango ni Felicity nang tumapat ang braso nito sa mukha ko. I like the scent of her perfume. It’s floral-woody scent. Napapikit pa ako upang samyuin iyon. Para akong dinala sa paraiso. Tumatakbo siya at hinahabol ko siya sa malawak na garden na puno ng naggagandahang mga bulaklak. Nawala ako sa ini-imagine ko nang pukawin ako ng mahinang tapik sa balikat ko. Nagmulat ako ng mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Felicity na nagtataka. “Ayos lang po ba kayo sir?” Tanong nito. Hindi pa nag-sink in sa utak ko kung ano’ng ibig niyang sabihin. “Sir?” tawag nitong muli. “Uhm. . . Sorry.” Hinging paumanhin ko. Sinalat niya ang noo ko. “Hindi naman po kayo mainit. May masakit ba sa inyo sir?” Natawa ako. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pabango nawala ako sa sarili ko. “Walang masakit sa akin. M-Mabango kasi ang ulam kaya napapikit ako. Isa sa paborito ko ang menudo kaya ganoon ang reaction ko.” Pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin kong gusto ko ang pabango niya kaya ako napapikit. Nakakahiya naman. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nahihiya ako kay Felicity. Sa totoo hindi ako nahihiya sa babae dahil sila ang nahihiya sa akin. Ayoko ring maramdaman ito sa kanila dahil ako ang nakakataas at hindi sila. Pero ngayon parang may nag-iba sa akin. Nakakaramdam na ako ng hiya. Hindi ko maiwasang mapatitig kay Felicity. Sa hindi malamang dahilan hinawakan ko ang kanyang kamay. Napatingin ito sa akin. Bahagya kong pinisil iyon. Sa pagkatitigan namin ay nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng aking puso. “Nararamdaman mo rin ba ang mabilis na t***k ng puso?” Bigla kong tanong sa kanya. Gulat na gulat ang reaction niya kaya hindi nakapagsalita si Felicity. Nakatitig lang siya sa akin. Ilang minutong nakatitig lang kami sa isa’t isa. Hinila nito ang braso at bumalik sa pagkakaupo. Ibinaling sa iba ang tingin nito. “B-Bakit niyo naitanong iyan sir?” Nauutal na tanong nito. Nahihiyang ngiti ang sumilay sa labi ko at napakamot sa ulo ko. Ano nga ba ang pumasok sa isip ko at naitanong ko iyon? Hindi ko lang mapigilang tanungin siya kung pareho ba kami ng nararamdaman? Pakiramdam ko kasi naririnig ko ang t***k ng puso niya. “Forget it,” sabi ko na lang para hindi na humaba ang usapan namin tungkol doon. Napailing na lang ako sa sarili ko dahil sa kabaliwan ko. Nababaliw na yata ako. Napatingin ako kay Felicity. Kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Pareho nang nararamdaman ko sa best friend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD