EPISODE 32

1610 Words
FELICITY Itinulak ko siya at lumayo sa kanya ng ilang pulgada. Hindi dapat mangyari ito! “Ano’ng ibig mong sabihin, Sir Hermes?” Tanong ko kahit alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Kailangan kong malusutan kung ano man ang nasa isipan niya. Hindi pa ito ang oras. Hindi ako handa! “You are Felicity!” anito. Napalunok ako. “Yes, my name is Felicity, Sir Hermes.” “Ikaw ang best friend ko. Look you have mole on the right side of your forehead,” sabi niya. Tinuro ko ang right side ng noo ko at saka ako natawa. “Peke lang po ito,” sabi ko at saka kinuskos ang bahaging iyon ng noo ko. Mabuti na lang pinatanggal ko ang nunal ko sa noo dahil lumalaki siya. Natakot kasi akong baka maging cancerous. May lahi pa naman ang pamilya ko sa cancer. Nilalagyan ko lang ng tuldok dahil nami-miss kong tingnan sa noo kong may nunal. Nagsalubong ang kilay nito habang titig na titig sa noo ko. Bigla itong tumalikod at naupo sa mahabang sofa. Walang kibong nahiga na lang doon. “Sir Hermes, okay lang po ba kayo?” May pag-aalalang tanong ko. Hindi ito kumibo bagkus pumikit. Mukhang dito pa matutulog ang lalaking ito. Hindi ko na lang kinulit. Nagpasya akong kumuha ng kumot at unan. Nang matapos kong kumutan si Hermes naupo ako sa center table at tinitigan siya na mahimbing nang natutulog. Bakit ka pa nagpakita sa akin, Hermes. Parang matitibag na ang pader na inilagay ko sa pagitan natin. Mahal kita ngunit mas pinili kong iwan ka upang hindi na tayo nasasaktang dalawa. Hindi ko napigilang maluha . Ayoko na sanang umiyak, gusto ko lang maging masaya. Pero bakit tila pinagtatagpo pa kami ng tadhana? Mas masasaktan lang kami sa tuwing magkasama. Hinaplos ko ang pisngi niya. Aaminin kong na-miss kong haplusin ang pisngi niya. Napakagat labi ako nang magsimulang manubig ang mata ko. Tumayo ako at pumasok sa silid ko. Hindi na dapat ako naaapektuhan sa kanya. Alam kong dinadaya ko lang ang sarili ko na kaya kong mawala sa buhay ko si Hermes, ngunit pipilitin kong magpanggap na ibang tao. ***** Pagkabukas ko ng pinto nagulat ako nang makita ko si Hermes nakatayo sa harapan ng pinto. Iyong paghikab ko sana ay hindi ko naituloy. Napatitig na lang ako sa kanya. Hindi ko inaasahab na nandito pa siya. Ang akala ko aalis din ito kapag nagising. Nagkamali ako. “Good morning. I made a breakfast. Halika na kain na tayo,” sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko. Hindi ako nakapagsalita dahil nabigla ako. Iginiya niya akong umupo sa upuan. Napatingin ako sa harap ng lamesa. Nagluto si Hermes? May pandesal, hotdog, itlog at kape nang nakahain sa lamesa. Napatingin ako sa kanya nang hindi makapaniwala. Paanong hindi? Una hindi naman marunong magluto si Hermes, ni ang magtimpla ng kape. Pangalawa hindi ganito ka-sweet si Hermes para pagsilbihan ako at paglutuan pa! Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiti niyang iyon ay medyo nagpakilig sa akin. Aaminin kong may epekto pa rin sa akin si Hermes. “Hindi ka na sana nag-abalang magluto pa. Kaya ko namang gawin ito. Nakakahiya namang ikaw pa ang nagluto, eh, bisita kita.” Napalunok ako. “Ayos lang. Pasasalamat ko ito dahil pinayagan mo akong matulog dito. Salamat.” Napaawang ang labi ko dahil marunong na itong magpasalamat. Ang kilala kong Hermes ay mapagmataas at sarili lang ang iniisip. Napatango ako at ngumiti. Mukhang nagbago na ang lalaking ito. Pero hindi ito ang dahilan para magpakilala na ako sa kanya. Sa ngayon i-enjoy lang naming ganito kami, stranger sa isa't isa. ***** Nagulat na lang ako pagkalabas ng building kung saan ako nagtatrabaho nakita ko si Hermes at mukhang may hinihintay. Napahinto ako sa paglalakad. Akala ko huling pagkikita na namin noong nasa bahay ko si Hermes last week. Bakit nandito siya at mukhang sinusundo niya ako. Mukha tuloy siyang manliligaw ko. “Hi, Felicity. Ihahatid na kita,” sabi niya. Ilang segundong nakatingin lang ako sa kanya at hindi nakapagsalita. Bakit? Iyon agad ang pumasok sa isipan ko? Gusto kong matawa sa naisip ko. Bakit ko nga ba tinatanong ang sarili ko? Tanungin ko na lang si Hermes. Ngunit hindi ko gagawin iyon. Never. “May dala akong sasakyan,” sabi ko. Well, totoo namang may dala akong sasakyan. Minsan hindi ko dinadala dahil nagtitipid rin ako sa gas dahil mahal na ang gas ngayon. Kapag alam kong traffic ginagamit ko ang sasakyan ko. Ayokong ma-late sa trabaho. Nakakahiya naman sa boss ko kung palagi akong late. “Ganoon ba? Aayain sana kitang kumain sa labas. Pwede ba?” Tanong nito. “I'm sorry, Hermes, but Felicity is coming with me. We have a date.” Napalingon kaming pareho ni Hermes sa taong nagsalita. Si Sir Ganado. May pagtatakang tiningnan ang boss ko. Wala naman kaming usapan na meron kaming date ngayon? Gusto kong kiligin sa word na date. Kumunot ang noo ni Hermes na napatingin sa gawi ko at binalik ang tingin kay Sir Ganado. “Then sasama ako sa so called niyong date,” sabi nito at saka ngumisi. Umawang ang labi ko. Baliw ba ang lalaking ito? Bakit naman siya sasama sa amin ng boss ko? “Are you sure?” tanong ng boss ko kay Hermes. Sinisigurado nitong hindi nagbibiro ang lalaki. “Of course I am sure. Can we go now?” anito at ngumiti. Hindi ko alam kung ano’ng tinatakbo ng utak nitong lalaking ito. Ano naman gagawin niya roon? Awkward yata na nandoon siya. Instead na maging masaya ang date namin ni Sir Ganado, baka maging bangungot. Napasulyap ako sa boss ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Wala kaming nagawa kundi isama ang asungot na si Hermes. Nag-convoy na lang kaming tatlo dahil may dala-dala kaming sariling sasakyan. Nagpasya kaming sa malapit lang na restaurant kami magpunta. Ayaw naming ma-traffic at baka matagalan kami sa daan pa lang. Sabay-sabay kaming nakarating sa restaurant. Nang naglalakad kaming tatlo papasok sa loob ng restaurant nagulat ako nang hawakan ng dalawa ang kamay ko. Para tuloy ang dating ay dalawang lalaki ang dine-date ko. Ang haba ng hair ko umabot hanggang sa Nueva Ecija. Napatitingin ang mga kasalubong namin at ang ibang tao na kumakain na sa loob. Ang ibang babae ay masama ang tingin sa akin at ang iba ay parang mapanuri ang tingin nila sa akin. Ano magagawa ko maganda ako sa paningin ng dalawang ito. Gusto kong mapangiti dahil kinikilig ako. Tumikhim ako. “Pwede bang huwag niyo na ako hawakan? I can walk without your help,” sabi ko sa dalawa na nakapagpatigil sa kanila sa paglalakad. Nagkatingin ang dalawang lalaki. Tumaas ang isang kilay ng boss kong si Sir Ganado. Si Hermes naman ay salubong ang kilay nito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nila sa kamay ko. Napatirik ako ng mga mata dahil sa inaasta ng dalawa. Alam kong maganda na ako at hindi sila maka-resist sa ganda ko, pero ayoko ng ganito, pinag-aagawan! Ako na ang kusang nag-alis ng kamay ko. Nagtagumpay naman ako. Nauna na akong naglakad. Napalingon ako nang hindi tuminag ang dalawa. Naglalaban sila sa tinginan. “Nagugutom na ako. Please, mamaya niyo na ituloy yan,” sabi ko at saka pinagpatuloy ang paglalakad ko. Diyos madali yata akong magkaka-wrinkles sa dalawang ito! HERMES Inis na inis ako habang napapatingin sa lalaking nasa harapan ko. Ang yabang ng dating niya sa akin. Akala mo naman ikinagwapo niya ang pagkukwento ng nakakatawa kay Felicity. Hindi ako papayag na sa kanya matuon ang atensyon nito. Malakas akong tumikhim. Sabay pang napatingin sa akin ang dalawa. Napangiti ako. “Anniversary ng company ko sa susunod na buwan. “I invite you to come over to the Anniversary of my company that would be next month. It will be a grand celebration where we will commemorate the milestones and achievements of my company over the years. Your presence would mean a lot to me. I would be honored to have you by my side as we toast to the future of my company.” Makahulugan kong sabi sa kanya. Kita ko ang pamumula nang pisngi ni Felicity. Napatitig ito sa akin at hindi nakapagsalita. Napatingin ito kay Mr. Ganado na tila nagpapaalam pa sa tingin. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mr. Ganado. Nagtiim ang bagang ko sa inis sa lalaki. Anong nakakatawa sa sinabi ko? “Hindi mo na kailangan I-invite si Felicity. Don’t worry dahil kasama ko siya sa pagpunta sa Anniversary ng company mo. I’ll be her escort for the evening, making sure she feels comfortable and safe throughout the event. It’s an honor to accompany such a remarkable woman who radiates grace and elegance. I’ll ensure that she receives the attention and admiration she deserves, while also being by her side as her trusted confidant and support.” Mayabang na sabi ni Mr. Ganado. Mas dumoble ang inis ko sa lalaki. Gusto ko siyang itapon sa labas at ipasagasa sa mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Napakayabang niya! Pakiramdam niya ba na gusto siya ni Felicity? Ang OA niya. Ang haba pa ng sinabi niya. Masyadong pabida! Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako kay Felicity. Para bang nobyo akong nagseselos. Gusto kong matawa sa sarili ko. Bakit hindi ko na lang hanapin ang totoong Felicity? Ang babaeng sinaktan ko. Ang babaeng binalewala ko ng ilang taon. Ang babaeng walang ginawa kundi mahalin ako nang walang kapalit. Hindi ko magawang hanapin si Felicity dahil nahihiya akong magpakita sa kanya. Ang dami kong kasalanan na dapat kong pagbayaran. Nang dahil sa akin nawala ang anak namin. Doon palang hindi ako karapat-dapat sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD