EPISODE 1
FELICITY
HABANG papasok sa entrance ng building kung saan ako nagtatrabaho ay may bigla na lang lumapit na matangkad at seksing babae. Galit na galit ang hitsura nito na parang may ginawa akong masama rito.
Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas ng patalim ang babae at sinugod ako. Mabuti na lang ay mabilis ang reflexes ko kung kaya naiwasan ko ang tulis ng patalim na tatarak sana sa katawan ko. Nabitiwan ng babae ang patalim at nahulog sa semento.
Sinubukan kong tumakas ngunit hinila ng babae ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit. Pakiramdam ko ay mabubunot ang buhok ko mula sa anit. Mas lalo lang hinigpitan ng babae ang paghawak nito sa buhok ko nang gumalaw ako.
“Bitiwan mo ako! Ano ba’ng kasalanan ko sa iyong babae ka?!” Sigaw ko sa babae. Sinubukan kong alisin ang kamay nitong nakasabunot sa buhok ko ngunit mas lalo lang nitong hinila ang buhok ko.
“Layuan mo ang boyfriend ko! Because of you he dumped me, b*tch!” Galit na galit ang babae.
“Sino bang sinasabi mong boyfriend mo?” Tanong ko.
‘Diyos ko naman mukha ba akong mang-aagaw ng boyfriend? Aba, kailan nangyari iyon?’
Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay hinila na lang ang buhok ko
“Aray!” Daing ko.
Makawala lang ako rito kakalbuhin ko ang buhok ng babae! Malakas kong inapakan ang paa nito kung kaya nabitawan ako nito. Halos humingal pa ako sa pagod na parang tumakbo ng ilang milya.
“Ano bang problema mong babae ka? Kung iniisip mong ako ang girlfriend ni Hermes, pwes nagkakamali ka! Sino ba kasing
nagsabi na ako ang girlfriend niya? Gagang ito!” inis na sabi ko habang inaayos ang nagulo kong buhok. “I will sue you for this!” Dagdag ko pa rito.
Dumating ang guard at inawat ang babaeng susugod na naman sana sa akin.
“Mang-aagaw ka! My God! Ang pangit mo para patulan ka ni Hermes. Look at you, wala ka sa kagandahan ko! Ang taba mo pa!” Pang-iinsulto sa akin ng babae.
Nag-igting ang panga ko.
Walanghiyang ito nakuha pang mang-api.
Napatingin ako sa mga nakikiusyo na natatawa sa sinabi ng babae. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa matinding pagkapahiya. Oo, alam kong pangit ako, pero hindi naman nila dapat ipangalandakan iyon at pagtawanan-na para bang wala akong pakiramdam -na isa akong manhid. Tumalikod na lang ako at naglakad palayo sa kanila.
“Hoy! Pangit bumalik ka rito magtutuos pa tayo! Mang-aagaw!” Sigaw ng babae.
Pumasok ako sa loob ng elevator nang bumukas iyon at pinindot ang 45th floor kung saan naroon ang opisina ni Hermes Del Prado ang best friend at boss ko. I've been his secretary for almost five years, pero ngayon lang nangyari na may babaeng nanakit sa akin. Walang breeding ang isang iyon. Although may mga nagalit din sa aking ibang babae ni Hermes, pero hindi naman sila nanakit ng pisikal. Pero tinira naman nila ako sa social media. Kaya nga dine-activate ko ang lahat ng social media ko para hindi ko makita ang mga pang-iinsulto nila sa akin.
Itong boss ko wala man lang ginawang aksyon kahit sinabi kong pagsabihan ang mga babae niya. Ang sabi niya huwag na lang daw pansinin dahil hindi naman mahalaga ang mga iyon para pag-ukulan ng pansin. Madali sa kanyang sabihin iyon dahil hindi naman siya ang ininsulto kung hindi ako.
****
HINDI maipinta ang mukha ko dahil sa inis na nararamdaman.
“Ano na naman ang ikinagagalit mo sa akin, Feli?” Tanong ni Hermes sa kanya.
Gusto ko siyanng sabunutan dahil sa ginawa ng babae nito. Umupo ito nang prente at pinag-cross ang paa nito. Ang kanyang braso naman ay pinatong sa sandalan ng upuan.
Ang lakas ng loob niyang tanungin ako?
“Itinatanong mo kung ano'ng ikinagagalit ko sa ’yo? My God! Hermes. Ako lang naman sinugod ng babae mo kanina sa hall way! Nasaan ka para ipagtanggol ako? Napagkamalan akong girlfriend mo! Muntik na akong saksakin kundi lang sa guard na umawat at empleyado na dumaan sa lobby malamang nasa ospital na ako ngayon!”
Halos magtaas baba ang dibdib ko dahil sa matinding galit at inis sa nangyari kanina.
Muntikan na akong mamatay. Malamang nasa ospital na ako ngayon. Napakabayolente ng mga babae ni Hermes. Hindi ko keri ang mga ugali nila. Para silang sinaniban ng demonyo. Parang si Hermes na lang ang lalaki sa mundo.
Alam kong hindi ako kagandahan para mag-inarte, pero masakit ang masuntok sa mukha at masaksak sa katawan.
Diyos ko pangit na nga ako mas lalo pa akong papangit sa pasa at saksak!
“Don’t worry I’ve already filed a lawsuit against that woman. Masaya ka na?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi
niyang masaya na ako.
Ako masaya? Paano ako sasaya sa nangyari?
“What? Ako?” Turo ko sa sarili. “Masaya sa lagay na ito?” Sarkastikong dagdag ko.
Natawa na lang ako ng mahina. He’s unbelievable. Sa sobrang inis ko tinalikuran ko siya at umalis.
“Felicity! Felicity! Come back here!” Tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon.
Masama ang loob ko sa lalaking iyon. Paano niya ako natitiis ng ganoon? Muntikan na akong mamatay pero balewala lang sa kanya.
Dire-deretso akong lumabas ng building. Nagpasya na lang akong umuwi at mag-under time sa trabaho. Hindi rin naman ako makakapagtrabaho ng maayos kapag inis.
****
“BAKIT nandito ka na naman? Don’t tell me may ginawa na naman ang best friend mong babaero,” sabi ng pinsan kong si Thelma nang pumunta ako sa bahay nito. Umupo ako sa sofa nang walang paalam.
May tama ang pinsan ko sa tinuran niya.
“Huwag mo na nga ako sermunan. Nakikita mo naman siguro na wala ako sa mood at masama ang timpla ng mood ko
ngayon.” Pagbabanta ko sa pinsan ko.
Everytime nandito ako ay purong sermon ang inaabot ko o ’di kaya naman mahabang paalala mula rito. Alam ko namang may mali ako, ngunit binabalewala ko ang payo ng pinsan ko dahil malaki ang concern ko sa bestfriend ko. Nahihirapan akong iwan siya.
Natatawa ang pinsan ko. Binigyan niya ako ng isang basong juice. Dito ako nag-i-stay kapag naiinis ako kay Hermes. Alam kong pupunta sa bahay ko ang lalaki. Hindi nito alam ang tinitirhan ng pinsan ko.
“Sabi ko naman sa iyo umalis ka na sa trabaho mo at maghanap ka ng akma sa tinapos mo. My god, Feli, you have a degree and take note may masteral ka pa! Tapos ang bagsak mo sekretarya lang ng isang babaerong CEO. Hindi ko naman hinahamak ang pagiging sekretarya, pero hindi akma sa ’yo ang trabahong ’yan. Parang sa lagay na 'yan ibinababa mo ang pagkatao mo sa lalaking walang kuwenta. Sorry to say, pero ’yon ang totoo,” sabi ng pinsan ko. Napailing pa ito.
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ng pinsan. Tama nga naman siya. Isang sampal sa akin ang binitawan nitong salita. Bakit nga ba napunta ako sa ganitong sitwasyon? Pinairal ko kasi ang lihim kong pagmamahal sa lalaking kahit kailan hindi ako mamahalin dahil kaibigan lang ang turing sa akin.
“Naturingan kang matalino, Feli, pero tanga ka pagdating sa pagmamahal mo kay Hermes na walang ginawa sa iyo kung hindi balewalain ka. Puwede ba gumising ka na sa katotohanan, hindi ka mamahalin ng lalaking iyon. Look, ang gusto niya mga sexy, magaling manamit at higit sa lahat maganda. Maganda!” pinagdiinan pa ang salitang MAGANDA. Oo na wala ako noon.
Masakit pakinggan, pero totoo ang sinabi ng pinsan. Ano nga ba naman makikita niya sa akin? Kung hindi kapangitan. He doesn’t like me because I’m not the girl he used to like.
I am not sexy, hindi rin ako magandang manamit dahil may pagka-chubby ako. Hindi pa kaputian at higit sa lahat pangit ako. Kaya lang naman niya ako naging best friend dahil ako ang takbuhan niya noon sa mga assignment at project niya sa school. Naka-graduate nga ang lalaking iyon sa college dahil sa tulong ko o I’d rather say dahil ako naman ang gumagawa nang lahat ng aralin niya sa school.
“I know huwag mo nang ipamukha sa akin. Masakit na nga mas lalong pinapasakit mo pa ang damdamin ko,” sabi niya. Masakit aminin pero totoo. Nilapitan siya ng pinsan. She put her arm on my shoulder.
“Ayoko lang umasa ka. Masakit ang umasa sa taong hindi susuklian ang pagmamahal mo. Tanggapin mo ang katotohanang ginagamit ka lamang niya para sa pansariling kagustuhan at kasiyahan. Ilang years na bang ginagamit ka lamang niya? You have seemed to allow him to take advantage of you. He’s using his charisma to cast a spell on you, but what happens next? He wants you only, because he needs something, not because he loves or likes you. Gumising ka nga sa katotohanan.” Tinapik niya ang balikat
ko.
Kung puwede nga lang ba, why not? Ngunit mas matibay ang pananalig kong mamahalin din ako ni Hermes na hindi basta
best friend lang ang turing niya sa akin.