EPISODE 34

1369 Words
HERMES HINDI mawala ang ngiti sa labi ko habang nagtatrabaho sa opisina ko. Naalala ko si Felicity. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nararamdaman ko itong kasiyahan sa puso ko. Nawala ang ngiti ko nang pumasok ang sekretarya ko na si Hope. Nagsalubong ang kilay ko. Napatingin ako sa suot nito. She’s wearing a plunging neckline . I almost see her cleavage. Her skirt is so short na kapag yumuko kita na ang pisngi ng puwet. Napangiti siya nang makalapit sa akin. “What do you want?” inis na tanong ko sa kaniya. “May meeting po kayo mamayang 11:00 in the morning kay Mr. Reynaldo Sandoval,” aniya na hindi inaalis ang pagkakangiti sa labi. “Okay. You can leave,” sabi ko at hinarap muli ang pinipirmahan kong papeles. Napaangat ako ng tingin nang hindi pa umaalis ang sekretarya ko sa harapan ng table ko. Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano pang ginagawa mo rito? I said you can leave now.” Masungit na saad ko. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at siniil ako ng halik sa labi. Itinulak ko siya. “You have no right to kiss me! Porque may nangyari sa atin ay basta ka na lang papasok dito sa opisina ko at hahalikan ako? Itatak mo sa kukote mo na isa ka lang sekretarya ko at hindi na mababago iyon. Kung gusto mong magtagal sa trabaho ayusin mo ang sarili mo. You’re disgusting! Get out!” galit na sabi ko. Ngunit hindi ito tumalima. “I said get out!” Ulit kong muli nang hindi pa ito natinag. Ngumiti ito na tila hindi naapektuhan sa galit ko. Nag-igting ang panga ko. “You can’t fire me, sir. Subukan mo lang gawin dahil pagsisisihan mo iyon.” Pagbabanta nito sa akin. “Matapang ka na. Ano’ng ipinagmamalaki mo? Ang nangyari sa atin? Ikaw mismo ang pumunta sa akin at inakit ako. I’m just a man with needs, and you’re just a w***e looking for a big d*ck. Are you trying to scare me? Hindi mo ako basta matatakot sa banta mo. Marami na akong pinagdaanan kaya sanay na ako. At huwag mo akong susubukan dahil hindi mo kilala kung paano ako magalit.” She just looked at me. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Walang salitang tumalikod na ito at lumabas ng pinto. Napasandal na lang ako sa backrest ng upuan ko at saka napahilamos sa mukha ko. Ano ba itong napasok kong problema. Ang akala ko wala na akong problema nang umalis na si Anica at hindi na nagparamdam. “Mukhang ang laki ng problema mo, a? Ang lalim ng buntonghininga mo.” Natatawang sabi ni Jake nang pumasok na lang bigla sa opisina ko. Inirapan ko siya. “Wala naman tayong usapang pupunta ka rito, a?” kunot noong tanong ko. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Natawa si Jake sa tinuran ko. “Masama na bang dalawin ka?” anito. “Pinagalitan mo ba ang sekretarya mong sexy?” Dagdag pa nito. “Hindi nakikinig sa instruction ko. Ayoko sa lahat hindi sumusunod sa utos ko.” Inis na sabi ko sa kaibigan ko. “Bakit ano bang instruction mo?” Naparolyo ako ng mata. Bakit kailangan niya pang malaman? “You don’t need to know. Bakit napadalaw ka? Huwag mong sabihing sinagot ka na ni Bernadette?” Pagbibiro ko sa kanya. Siguradong mapipikon na naman ito. “Gago,” pagmumura nito. Natawa ako nang mahina. Basted na naman siguro. “Gusto mo bang mag-inuman tayo mamaya?” Pag-anyaya ko. Napatingin ito sa akin. Mukhang iniisip pa nito kung papayag sa paanyaya ko. “Okay. Mamayang pag-out mo sa office.” Napangiti ako sa pagpayag nito. Mukhang kailangan ko ring uminom upang makapag-relax. Nakaka-stress ang mga babae. Pagkalabas ng opisina ko hindi ko na naabutan ang sekretarya ko. Nabunutan ako ng tiniki. Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng konting takot sa babaeng iyon. Dati naman ay matapang ako sa mga nagiging babae ko. Kaya ko silang tapatan ng pera upang manahimik o di kaya naman ay pagbabantaan kong ipakukulong. But this time iba ang babaeng ito. Matapang at kaya niya akong patiklupin. Hindi ko papahalatang takot ako sa banta niya. Kailangan kong mag-ingat sa babaeng iyon. Nang nasa bar na ako nakita ko agad si Jake. Nangunot ang noo ko dahil hindi ito nag-iisa. May kasama itong lalaki na hindi pamilyar sa akin. “Pasensya ka na may kasama ako.” Bungad agad ni Jake nang makalapit ako sa kinatatayuan nila ng lalaki. Napangiti ito. “By the way siya si Mikaelo Dela Costa.” Pakilala nito sa lalaking matangkad at guwapo. Parang may lahi ang lalaki. Napatingin ako sa likuran ng lalaki dahil hindi ito nag-iisa. May kasama pa itong mga lalaking naglalakihan ang katawan. “Mga kasama ko pala.” Turo nito sa tatlong lalaki na may malalaking muscle. Lumapit ang isang lalaki at bigla na lang nakipagkamay sa akin. “Ako nga pala s Mason Dela Fuente ang pinakamacho at pinakaguwapo sa mga kasama ko.” Mayabang na sabi nito. Natatawa si Jake. Mukhang tatangayin yata ako nito sa kayabangan ng lalaking ito. Well, hindi naman siya nagkakamali guwapo siya at macho pero walang pinaka. “Ako pala si Andrei Marasigan.” Pakilala naman ng isang matangkad na lalaki. Malaki rin ang katawan nito. Guwapo rin ito. Makikipagkamay din sana yung isang lalaki nang humarang si Mason. “Hindi namin kasama iyan kaya hindi na kailangan makilala mo pa,” sabi nito. “Ang yabang naman nito!” inis na sabi ng lalaki. “Ako pala si Braden Palma.” Pakilala nito. Napatingin ako kay Jake na nagkibit balikat lang dahil nag-aalaskhan si Mason at Braden. Napailing na lang ako. Alas dose na ng gabi nang matapos ang inuman namin. Lasing na ang mga kasama ni Jake at nag-uwian na. Nagpaalam na rin si Jake na hindi naman masyadong nalasing. Ako naman ay nahihilo na sa kalasingan. Nagpasya akong dumaan sa bahay ni Felicity. Malapit lang iyon dito sa bar. Mukhang hindi ko kayang mag-drive dahil sa hilo at kalasingan. FELICITY NAALIMPUNGATAN ako nang may kumakatok sa pinto. Napatingin ako sa relo na nasa ibabaw ng side table. Nanlaki ang mata ko dahil 12:30 ng madaling araw. Sino ba namang istorbo ito! Nagkakamot ako sa ulo kong bumaba sa kama ko at pinuntahan ang taong nang-iistorbo sa mahimbing kong tulog. Pagkabukas ng pinto ay nagulat ako. Si Hermes. Mukhang senglot ang walanghiya. “A-Anong ginagawa niyo po dito sa bahay ko?” tanong ko. Diyos ko malapit ko ng kalimutang sabihin ang sir. Napangiti ito. Mukhang hindi na kayang tumayo ni Hermes dahil sa kalasingan. Nakasandal na ito sa pader dahil mukhang matutumba na. “Pwede bang dito muna ako matulog?” tanong nito. Nangunot ang noo ko. Bakit naman dito niya balak matulog? Wala ba itong bahay? Natawa si Hermes. “Pasensya ka na. Malapit kasi ang bahay mo dito sa bar na pinuntahan ko. Hindi ko na kasi kayang mag-drive lalo pa’t malayo pa ang bahay ko dito,” sabi nito. Hindi ako nakapagsalita. Pinag-iisipan ko pa kung papayag ako. Diyos ko naman iisa lang ang room ko dito sa inuupahan kong bahay. “Ayos lang kung ayaw mo. Uuwi na lang ako,” sabi nito. Aalis na sana ito nang pigilan ko siya sa braso nito. “Pumapayag na ako,” sabi ko. Malawak na napangiti si Hermes. Agad ko siyang pinapasok sa loob. “Pasensya na at iisa lang ang room ko. Kung gusto mo doon ka na matulog sa room ko at ako dito.” Suggestion ko. “Ayos na ako dito sa sala. Nakakahiya naman na dito ka matutulog sa sofa. Ako itong lalaki. Okay na ako dito.” Turo nito sa sofa. “S-Sige. Kukuha lang ako ng kumot at unan mo.” “Felicity. . .” Lumingon ako nang tawagin niya ang pangalan ko. “Thank you,” anitong titig na titig sa akin. Bumilis ang tib*k ng puso ko sa pagkakahinang ng mata namin. Napalunok ako. Agad akong tumalikod upang iwasan ang titig niyang nakapanghihina sa depensa kong iwasan siya. Pero paano ko magagawa iyon kung nandito siya? Sh*t!

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD